C H A P T E R : I

Start bij het begin
                                    

Gaya ng sabi ni Daddy,Sir Alvin is a teacher in I don't know what school.Public?Private?Sa Private school.No doubts.Sa totoo lang kahit mahirap ang mga tinuturo niya sa akin ay nage-gets ko rin naman dahil magaling siyang mag-explain kaya hindi nakapagtataka kung nanggaling nga siya sa isang Private School.

Sa halos dalawang taon niyang pagtuturo sa akin ay masasabi ko rin na mabait siya.Hindi niya ako pinapagalitan pero sinasabihan,oo.Kapag may hindi ako naiintindihan o mali ang ginagawa ko ay hindi niya ako pinapagalitan,siya lang din ang nagtagal,nakakatiis at nakakapagpasensiya sa katigasan ng ulo ko.

"Mr. Villarreal told me na pumayag kang mag-enroll sa school?"tanong niya pagkatapos ng lecture namin.

Tango lang ang sinagot ko habang nililigpit ang mga gamit ko.

"Don't worry,maganda ang school namin at hindi kita pababayaan doon."kita niyo?sabing mabait yan,e.

"Marami ba kayong estudyante doon?"tanong ko.

He chuckled on my question."Of course.What do you think a school is?"natatawa niyang sabi.

Ngumuso naman ako."Parang nagtatanong lang,e.Tss."mahina kong sabi.

"Sana rin ay maging close kayo ng anak ko doon,"sabi ulit niya.

Napatingin naman ako sa kaniya."May anak kayo?"takang tanong ko.

Wala naman akong natatandaan na pinakilala o binanggit niya na meron siyang anak.

Nakangiti siyang tumango at kinuha any cellphone niya."I have a son and a daughter.My son is just your age and my daughter is 3 years old,"sabi niya at pinakita ang picture nilang dalawa sa akin na nasa lockscreen niya.

'3 years old?'

"Diba your wife died three years ago?"takang tanong ko sa kaniya.

"She died right after Agatha was born,"sabi niya habang nakangiti pero makikita pa rin ang lungkot sa mga mata nito.

Tiningnan ko ulit ang picture nilang and my eyes stayed on Agatha's face.

'Agatha...'

Kawawa naman siya,Hindi man lang niya nakita ang Mommy niya.Hindi man lang din naranasan ni Mrs.Alegre na alagaan ang anak niyang babae.

Then my eyes drifted to the guy who's holding Agatha's hand.

He looks like Mrs.Alegre.
Nakita ko na dati ang picture ni Mrs.Alegre sa wallet ni Sir Alvin and I admit that she's gorgeous. There's no doubt kung bakit gwapo't maganda ang mga anak nila dahil talaga namang maganda at gwapo ang mga magulang nila.

"That's my son,Adrian,"sabi ni Sir Alvin nang mapansin niyang nakatitig ako sa litrato ng mga anak niya.

"He's handsome...," wala sa sariling sabi ko."just like his mother!Yeah,just like Mrs.Alegre."pahabol ko.

I heard him chuckled.

"Palagi nga kitang nakwekwento sa kanila,e.He always laughs kapag kinekwento ko ang mga kakulitan mo.Tinatanong rin niya palagi sakin kung pwede ka daw niyang ma-meet or bisitahin. And he wants to know you."nakangiting sabi niya.

My brows shot heavenwards with what he said.

"Alam niyo naman na hindi ako palalabas ng bahay lalo na kung hindi naman importante ang pupuntahan ko diba?"paalala ko sa kaniya.

"I know,kaya ka nga nagho-home schooling diba?"naiiling niyang sabi."That's why I told him na isasama ko na lang siya kapag wala siyang pasok...kung ok lang sa'yo?"ngingiti-ngiti niyang sabi.

"Sure!Ok lang naman basta dalaw lang."tugon ko.

Ngumiti naman siya ng napakalapad na nagpakunot sa noo ko.

The Womanizer's Runaway Bride (ONGOING)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu