Chapter 19

142 6 2
                                    

Nag-aalala na akong bumaba sa bus. Nakapag paalam na ako kina ma'am at good timing dahil pumayag sila. Halos manlaki ang mga mata ko ng makarinig ng ilang ingay sa loob ng bahay. Dali-dali akong pumunta at pumasok sa bahay.

Sobrang kalat. Ang mga gamit, halos masira na. Napalunok ako.

"Eomma!" Agad na tawag ko. Hinanap ko siya sa may cr, kusina, sa kuwarto ko pati sa kuwarto niya pero ni-anino ni eomma hindi ko makita. Halos mangiyak ngiyak na ako. Napadako ang tingin ko sa abandonadong kuwarto dito. Nakabukas ang pinto ngunit hindi sapat para makita kung ano ang nasa loob. Agad akong tumungo roon.

Narinig ko ang iyak ni eomma. Nakaupo siya sa sahig habang may yinayakap na kung ano. Nakalikod siya saakin at hindi rin nakabukas ang ilaw.

"E-eomma?" Mahinang tawag ko at tumigil sa harap ng likod niya. Nanatiling nakatalikod parin siya sa'kin at umiiyak. May kung anong kirot sa puso ko.

"E-eomma. M-may problema ho ba?" Mahinang tanong ko. Naglakas loob akong pumunta sa harapan niya. Niyayakap niya ang larawan ni papa. Nangunot ang noo ko ng bahagya. Death Anniversary niya ba ngayon?

"A-anak." Tawag niya kaya agad akong bumaba at lumuhod para magkapantay kami. Dahan dahan siyang kumalas sa pagkakayakap sa picture ni papa at hinawakan ang mukha ko.

"A-ang papa mo. B-buhay ang papa mo." Saad niya na nakapagpatigil saakin at mapatitig sa picture ni papa.

______________

FLASHBACK

Jin's pov

As usual, mag-memeet nanaman kami ng nung pinag-applyan kong kompanya. Sabi ng mga kumare ko sa facebook, mayaman daw at gwapo ang boss dito. Eh siyempre, malakas ang karisma ko kaya ang need ko kayamanan at hindi pera.

"Ahh hi! Hi ma'am. Naaalala niyo pa ho ako?" Tanong ko dun sa babaeng si Lori.

"Ay yes po, your applying for work dito diba?" Nakangiti niyang tanong. "Ano kaba, dont call me ma'am, pang doñahan naman ang datingan ko nyan." Nahihiyang tawang saad ko.

"Ayy hindi po ba?" Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. "Anyway ma'am, follow me." Saad niya at naunang maglakad. Kagaya ng sinabi niya ay sinundan ko siya pero agad akong napatigil sa paglalakad ng makita ang pinakapamilyar na mukha ang makakuha ng atensyon ko.

H-hindi pwede. P-patay na siya. H-hindi.

Tinawag siya ni Lori na 'sir' kaya naman napatingin siya sa gawi namin at tumigil ang tingin niya saakin. Bakas ang gulat sa mukha niya. Halos manlumo ako sa kinatatayuan ko ngayon. Nanlalambot ang mga tuhod ko at parang kahit anong oras ay bibigay nalang bigla.

Dahan dahan siyang lumapit sa gawi namin. Tumigil siya at nanatiling nakatingin saakin.

"Si--

"M-miss Lori, a-aalis na ako." Pagpapaaalam ko at tatalikod sana ng maramdaman kong may humawak sa mga kamay ko at napabalik ako sa pwesto ko.

"Ms. Lori can you leave us a moment?" Pinipigilan ko ang umiyak sa harapan nila. "Yes, sir." Naramdaman ko ang unti-unting pag-alis niya. Napalunok ako, pilit na pinipigilan at kinakaya ang nakikita ng dalawang mata ko.

"J-jin."

Hindi ko na napigilan. Humagulgol na ako at hindi na inisip ang makakakita saakin. Naramdaman ko ang mga bisig niyang nakayakap sa'kin.

"N-namjoon. I-ikaw ba yan?" Pilit na tanong ko sakanya kahit nahihirapan ako dahil sa pag-iyak ko.

"Yes, h-honey. I'm sorry. I'm sorry." Napapikit ako habang patuloy na umaagos ang mga luha ko. "B-bakit? Bakit hindi mo kami binalikan ng anak mo? A-antagal kong naghintay a-at sabi ng pamilya mo ay p-patay ka na. N-naniwala ako Namjoon, grabe ang pagdurusa ko sa pagkawala mo at mag-isa kong tinaguyod si Jimin." Tumigil ako at kumalas sa pagkakayakap sakanya.

Protecting My Jimin || YOONMINWhere stories live. Discover now