Chapter 18

147 4 0
                                    

Busy ang lahat sa pag-aayos ng mga gamit nila sa camp, pati kami ni Chanyeol. Simula noong huling usap namin kanina hanggang makapunta kami dito ay wala saaming dalawa ang sumubok na kausapin ang isa't-isa. Masyado nga akong nagtataka sa ginagawa niya pero iniintindi ko na din iyon dahil napapansin niya siguro na... hys ano ba ang pinag-iisip ko.

Inaayos niya ang tent at sinigurado naming kapag magpapahinga o matutulog kami ay may pagitan sa gitna ng hihigaan namin. Siya mismo ang nag suggest.

Ako naman ay pinabayaan ko nalang, kakatapos ko din na ayusin kasama ang ibang mga kaklase at kapwa estudyante rito. Napatingin naman ako kina Morrie at Suga. Si Suga, tahimik na inaayos yung tent tapos si Morrie naman pakembot kembot pang pinupunasan yung pawis ng boyfriend niya. Iyan lang ba talaga alam niyang gawin? Ang mag punas ng pawis tapos hahabol-habulin si Suga?

Napabuntong hininga nalang ako. Wala akong karapatang magselos o kung ano pa mang ibang reaksyon. P-pero, gusto ko si Suga kaso nasaktan ko siya. Hindi ko man lang naisip na masasaktan siya sa ginagawa ko at mas iniisip ko ang sarili ko. Selfish na siguro ang tawag dito. Hindi muna ako nag-iisip. Nakakapanghinayang lang. Abot kamay ko na 'o pero binitawan ko pa.

Inialis ko nalang tingin sakanila. Mas bumibigat lalo ang dibdib ko kapag nakikita ko silang magkasama. Parusa rin naman ata sakin to dahil sa pagpapadalos dalos ko.

"Alis muna ako." Napatingin ako kay Chanyeol. Nakangiti na siya ngayon habang hinihintay ang magiging sagot ko.

"A-ah, hmm. Oo, sige lang. Antayin ko nalang muna sina ma'am." Sagot ko at gumanti din ng ngiti. Tumango siya at umalis. Pumasok muna ako sa tent, kasya nga 'to para sa dalawa. Naisipan kong tawagan si Eomma. Baka kung lubos lubusin niya nanamang iubos ang battery kakalaro ng candy crush.

Agad kong dinial ang number ni mama pero nanatiling nag riring ito at walang sumasagot. Ilang ulit kong tinawagan hanggang sa dapuan ako ng kaba. Maybe, natanggap siya sa trabaho? N-na promote nalang bigla at nagpaparty?

Napalunok ako at hindi maiwasang mag over think. Emergency.

Dali-dali kong kinuha ang bag ko at umalis sa tent. Tumatakbo ako, hinahanap sina ma'am para magpaalam ngunit napabalik ako sa huling hakbang ko ng may humila saakin. Napaharap ako bigla at nauntog ang ulo ko sa dibdib nitong lalaki. Dahan dahan kong iniangat ang tingin sakanya.

"S-suga?" Wala sa sariling tawag ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Bahagya akong humiwalay sakanya.

"Why are you running?" Seryosong tanong niya. Inialis ko ang kamay iya sa kamay ko. "Please, huwag muna ngayon. May emergency." Saad ko at tatakbo uli sana ng hawakan niya nanaman ang kamay ko at iniharap uli sakanya.

"What emergency? Gusto mong ihatid na kita?" Pagprisenta niya pero umiling nalang ako.

"Magseselos ang girlfriend mo s-saka family problem 'to a-at hindi ka parte ng pamilyang sinasabi ko." Tanging sagot ko nalang at inialis ang kamay niya. Sinaktan mo nanaman siya. Pangalawang beses na.

Wala akong magagawa. Hindi ko pwedeng pahabain ang usapan namin dahil baka kung ano na ang nangyari kay eomma.

Protecting My Jimin || YOONMINМесто, где живут истории. Откройте их для себя