Chapter 42: First Day as Grand Princess

Start from the beginning
                                    

"Pinaiimbestigahan ko pa si Gene sa ngayon."

"Sa ngayon magpasalamat na lang tayo dahil hindi napunta kay Papa ang trono."

"Huwag kang makampante Nico, may accession pa na kailangang maganap sa isang buwan."

Nawala ang kaaliwalasan ng mukha ni Nico ng marinig iyon. Sa susunod na buwan magaganap ang accession kung saan magkakabisa na mapupunta kay Dia ang trono. Sa ngayon ay Grand Princess pa lang ang title niya.

"Kilala ko si Markus, hindi siya basta sumusuko sa gusto niya."

"Tungkol nga pala sa article na lumabas, nasa agency na ang mga ebidensya kung sino ang nagpakalat sa personal information ng Prinsesa. Nakumpiska na rin ang lahat ng kopya na kumalat dito sa Riandorr." 

Napanatag naman ako ng malaman iyon. Halos lahat kasi ng impormasyon ng Prinsesa ay kumalat na sa halos labing isa probinsya dito sa Riandorr, Dunnelbridge at Winstown, mabuti na lang hindi nakalusot sa check point ang iba pang copies ng article sa Cratemia at Stania.

"Mabuti naman kung ganon."


*DING

Napalingom ako sa cellphone ko ng bigla iyong tumunog.

"Sige kailangan ko ng bumalik sa Stania para sa resulta ng imbestigasyon kay Gene." Inilagay ko sa bag ang cellphone ko, umalis na rin si Nico matapos iyon.

"Your grace may tawag po kayo mula sa kompanya." 

Iniabot din agad ni Erick ang cellphone sa akin.

"Yes, hello?"

"Ma'am are you free now? It's about the new design."

"Yes. Wait I already approved that design with my secretary."

"Can you come now?"

"Actually, I'm on my way there."

"Thank goodness. How about the Princess? Is she have any schedule right now? I need her idea about this upcoming fashion show and this urgent meeting."

"Yes she can, maybe after her appointment of visiting the foundation their. By the way, please inform the board of directors about this meeting, okay?"

"Yes Ma'am. Do you need anything? I'll prepare it now before the meeting."

"I just need the sales survey and the financial rates of our new design. Send that through my email."

"Copy that Ma'am. The new investors are already here so I have to go."

"Okay, thank you Luca." 

Ibinalik ko na rin kay Erick ang cellphone matapos makausap si Luca, itinuon ko na lang ang atensyon sa tablet na nakalagay sa mini table dito sa loob ng sasakyan.

"Erick inform Miss Bautista about Princess additional appointment this evening. Here is the details," ipinakita ko sa kanya ang tablet kung saan nakalagay ang buong detalye ng additional appointment ni Dia ngayong gabi.

.

.

.

Aria's POV

Maghapon akong nakakulong sa bahay, mabuti na lang umalis din agad si Papa matapos mapansin na nagpapahinga ako.

Ring

Ring

Ring

Ring

Ring

Tinakluban ko ng kumot ang cellphone ko habang tumtunog. Ayaw kong sagutin ang tawag at basahin ang kahit anong message na pinadala sa akin ni Maxryen.

"Gusto ko ng tahimik na buhay, kaya please lang tumigil ka na sa katatawag!" 

Agad kong itinapon ang unan sa cellphone na patuloy na tumutunog. Hinayaan ko lang iyon hanggang sa tumigil pagkalipas ng ilang segundo. Agad ko naman iyong kinuha sabay turn off.

"Hindi mo na ako maloloko pa Maxryen! Ayaw ko na! Sawang sawa na ako sa mga panggagago mo sa akin!"

.

.

.

Dia's POV

Hindi ko alam kung bakit bigla akong napasama dito sa urgent meeting na nabanggit ni Jeyya kanina. Nakaupo ako sa gitnang bahagi kung saan nakikinig sa mga pinag-uusapan ng board of directors ng Mondragon Company.

Nandito rin si Duchess Eve at si Nico. Hindi ko pa nakakausap ng ayos si Duchess Eve, kaya medyo awkward ang sitwasyon namin ngayon.

"What do you think Your Highness?" nagulat ako bigla ng tanungin ako ng isa sa mga director.

"I'm not the chief executive officer of this company sir."

"You're right, but our CEO wants your opinion about this design."

"Is that so? Let me look at this one?" sabay turo sa isang damit na unang nakaagaw ng atensyon ko bago magsimula ang meeting. Iniabot din agad sa akin ng assistant secretary ang tablet upang matingnan ko ng ayos ang design.

"If I were the customer I prefer little color. It makes my eyes hurt looking at this bright colors with this design. Also the customer nowadays prefer simple and plain design," napatingin ako kay Nico matapos sabihin ang mga iyon.

Katulad ng suot ng lalaking ito, masakit sa mata kung titingnan.

Unexpected RoyalWhere stories live. Discover now