"Sorry. Nadulas."



Asar kong tinignan ang likod niya habang naglalakad na siya palayo. Pota. Parang umakyat lang dugo sa ulo ko dahil sa inis sa kanya.



Gusto mo ako? Utot mo Ouie! Ganyan ka ba kapag may gusto ka sa babae?!



"Oh? Nasaan na yung workbook?" Wika ni Gracie na nagpaangat ng tingin ng dalawa sa akin.



"Wala! May nilalang na walang matinong magawa sa buhay!"



Pabagsak akong umupo sa upuan ko ng makita ko sa kabilang table si Ouie na nagbabasa pa rin ng libro. Nang magkatama ang mga mata namin ay sinamaan ko siya ng tingin. Pero wa effect dahil patay malisya niya lang na binalik ang atensyon niya sa ginagawa niya.



Nagsimula na kaming maging busy sa pagte-taping para sa project namin na film. Maganda ang nabuong plot at script ni Gracie dahil napaka heart breaking kaya wala namang naging objection. Passion niya na nga siguro ang paggawa ng stories at tingin ko ay may magiging maganda ang future niya unlike sa akin. Huhu.



"Sinong gustong maging main character?" Kaagad kaming nagpalitan ng tingin ni Happy.



Babae ang main character na nasa script. Tatatlo lang kaming babae sa grupo pero hindi na kasama sa choices nun si Gracie bilang scriptwriter at director namin. Mukhang hindi naman willing si Happy sa role kaya mas mabuti pang tapusin kaagad namin to.



"Kalma guys. Ayoko ng makadagdag sa problema ng direk natin. Ako nalang ang main character." Sabay sabay silang nagpalakpakan pagkatapos marinig ang sinabi ko. Napahawak naman sa dibdib niya si Happy bago bumulong sa akin ng salamat.



"Thank you Sunshine! Akala ko maii-stress nanaman ako kung sinong gaganap. Okay, sa male lead naman tayo dumako." Excited na wika ni Gracie.



Nagsalumbaba nalang ako sa lamesa at pinagpatuloy ang pagbabasa ng script. Walang ibang naging interesado basahin muna ang buong story kung hindi ako lang. Maganda naman yung character ko kaya sana lang ay mabigyan ko ng hustisya.



"Gracie! Ako nalang ang male lead character." Proud na sabi ni Jethro with matching pose pa.



Napangiwi naman ako habang nakatingin sa kanya. Nako nako. Walang pag-asang magiging maganda ang film namin. Never ko pang nakitang magseryoso ang isang to.



"Seryoso? Kaya mong umacting?" Sabi ni Greggy pero as usual ay may mga back up nanaman ang mokong.



"Guys naman! Pang FAMAS ang pag acting nitong brad ko! Luluhod lahat ng hollywood actors kapag tumapak na sa limelight ang isang to." Si John naman ang sumingit na nakangiting tinapik tapik ang manok niya sa lead character.



"Talaga lang ha? Pero kaya niya bang magmemorize ng lines?" Tanong naman ni Happy na naniningkit ang mga mata.



"Hindi niyo lang alam pero may photographic memory ang isang to! Isang segundo niya lang nakita yung page ng libro, marerecite niya na yun lahat sa harap niyo." Wika naman ni Japhet na ikinailing ko.



"Seryosong usapan to guys. Papalapit na ang deadline ng project kaya please lang, umayos na kayo!"



"Seryoso naman kami Gracious ah. Atsaka bagay naman kami ni Sunshine diba? Diba?" Napangiwi nalang ako ng magsimula silang magbangayan ni Gracie.



May Happy at Greggy version 2 nanaman kami sa grupo. Haist.



"Kung bulag siguro ang titingin sa inyo, bagay kayo."



A Little Bit of SunshineWhere stories live. Discover now