And I don't know when I will be as brave as them.

Tumawag ka agad ako sa aming group chat nang may natanggap na email galing mismo sa Mommy ni Zoren.

"She told me to come and meet her in her office! Kinakabahan ako..."

Nakatayo ako at palakad-lakad sa loob ng aking kwarto.

"Baka gusto ka pa rin ng Mommy niya?" si Covy iyon, sinapawan ang "Yieeeh," ni Seth

"I don't know! Anak niya si Zoren..."

Imposibleng gusto niya pa rin ako gayong sinaktan ko ang anak niya!

"Just try, Kesian!" si Seth.

"What if way niya 'yan para sabihin ang hinanakit niya sa'yo?" Marahang tumawa si Terry habang may sandwich sa kanyang labi. Nasa resort siya.

Nanlamig ako. What if gano'n nga? I'll accept her resentment because she has the right to express herself. When I chose to hurt Zoren, I already considered the consequences. Bahala na kung masaktan din ako at mapahiya, dahil deserve ko naman.

"You'll go?" Ays asked while fixing some puzzles.

"Uhm... yes?" I chuckled nervously. "More on yes ako... Kinakabahan pero curious din ako kung bakit."

"Pwede namang tungkol lang sa trabaho talaga... Pwede ring... tungkol kay Zoren lang," tawa ni Seth.

"Just try, Kesian!" excited na sabi ni Covy habang mine-makeup-an.

Bumuntong hininga ako at binagsak ang sarili ko sa modern hammock na nakaharap sa aking glass window. They already ended the call, and I stared blankly like a hopeless citizen. I sighed. I told myself I'd never waste any opportunity. This can be an opportunity.

I was wearing a white long sleeve, deep v neck, chiffon blouse, and a coffee pencil cut skirt. My hair was curled a bit, and I tugged both sides behind my ears. I was also wearing light makeup. Kinuha ko na ang sling bag ko at bumaba.

I was so nervous driving to their company. Lalo na nang nakapasok na ako! I had no appointment but they let me enter! Nasabihan daw sila ni Mrs. Renaya na may bisita siyang Kelly Sian Gonzaga. That was what I heard in the lobby.

I was assisted by two girls from the lobby. They are looking at me with their amused eyes. Na para bang hindi sila makapaniwala na may dyosa silang kasamang naglalakad.

We stopped in front of a very big and classy double door. The floor was very private. Wala kang makikitang naglalakad-lakad. Sobrang tahimik at mas lalong nakadagdag iyon sa aking nararamdaman.

"Ma'am, diyan daw po kayo papasok sabi ni Mrs. Montevinski," ngiti sa akin ng isang babae.

Tumango ako, kinakabahan. "Thank you..."

"No worries, ma'am," the other one said softly before they went back inside the elevator.

Hindi pa ako pumasok kaagad. I feel like I have to pee or something. Nanlalamig ang mga kamay ko pero hindi ako pinagpapawisan dahil malamig kung saan ako nakatayo.

Bubuksan ko lang ba? But I have to knock, right? Hindi ba dapat iyong dalawang babae ang nagbukas o kumatok? Damn, I am nervous! Hawak ko na ang handle ng pinto. Kumatok ako gamit ang isa kong kamay.

I knocked twice, there was no response. I knocked thrice, there was still no response. I knocked five times, there was still no response.

"One, two, three, four, five, six, seven, eight, nine, ten," I whispered while knocking. Wala pa rin akong narinig na 'come in' o kung ano. May tao ba talaga rito?

Mid-Air Ball   (The Athletes #1) PUBLISHED UNDER KPUB PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon