Chapter 32: The past

Start from the beginning
                                    

"S-Si Xander...bakit ayaw niya kaming makausap ng ama niya? G-Galit din ba siya sa'min?" Mangiyak-ngiyak na tanong ni tita Wine sa'min. Napahilamos naman sa mukha si mommy, "Tracy? Give me his phone number." saad nito, "But mom—"


"No buts! It's emergency kailangan malaman ni Xander 'to—"

"I already texted him. I called him twice earlier but it's still out of
coverage area." Sabat ni kuya.

Napatango naman si mommy.


"Tita...may importante pang ginagawa si kuya Xander I'm sure uuwi siya rito pagkatapos ng mga appointments niya, okay? And speaking of his twin, where is he?" I uttered, tiningnan ako ng masama ni mommy, si dad naman ay pinandilatan ako ng mga mata.


"He's dealing with something," Tito Max insisted, "That is important?" aniko, natahimik naman sila.


Bumuntong-hininga na lang ako, naninibago ako sa mga kinikilos ngayon ni kuya Xero. Sino'ng nasa likod nito? Bakit pinupunterya nila sina tita Wine at tito Max? Posible kayang...


Konektado ito kay kuya Xero? Ever since kasi na dumating siya rito sa Pinas..may pagbabago, may mga  nangyayaring hindi maganda.


Hindi na lang ako umimik at ibinaling ang tingin kay kuya na ngayo'y malalim pa rin ang iniisip.


"Keep him updated." I mouthed, he only nods.



I went to my room, kaagad kong kinuha ang phone ko at hinanap sa contacts ang  name ni kuya Xander. Tumalab kaya ang plano namin?


I tried to call him pero gaya nga ng sinabi ni kuya kanina ay hindi pa rin siya makontak. Well, kahit ang hirap ng oras  ni kuya Xander pinilit pa rin niyang papuntahin ako sa mansyon niya and yes, that was first time.


Hindi nga alam ni kuya Rylan ukol sa mga property ni kuya Xander. Of course, shock na shock pa rin ako..hindi ko aakalaing may sariling mansyon pala siya. Nagpunta kasi ako doon upang magpanggab bilang ex-girlfriend niya.


I don't know what his plan. Gusto niyang makita na magselos sa kaniya si Klay, ang lakas ng fighting spirit ah? Kahit alam niyang hindi siya gusto pero pinagselos pa rin niya..that was a different level of love.


It's good to know..hindi nakita ni Klay ang pagmumukha ko..siguro naman pamilyar din siya sa boses ko. And that day, I can say na mukhang gusto niya si kuya Xander.


My brows furrowed when someone texted me.

I tapped the message.

From: 09*********

We have to talk. Meet me at the Luña de Plaza, 4:00 PM.

Azul.


"That chipmunk!" Bulong ko, until now naiinis pa rin ako kay kuya Rylan, binigay niya kasi ang number ko kay Azul.

He always pissed me off.


I didn't reply him. Bahala siya sa buhay niya. Like duh, what will be our topic later? Gusto niya kasi akong kunin  bilang model, 'e ayoko nga ng mga ganiyan. Manigas siya do'n sa plaza mamaya.

Tinawagan ko si kuya Xander pero hindi pa rin siya makontak. Tinext ko  na lang siya. Biglang sumagi sa isipan ko ang ginawa ni kuya Xero kay Klay, yes alam naming dalawa ni kuya Rylan na kinulong ni kuya Xero si Klay sa kuwarto niya that's why tinext ko agad si kuya Xander...that's why when Klay was missing that day..alam kong  nasa kamay siya ni kuya Xander.

Fortesque's Obsession Where stories live. Discover now