"Pero tita ano pong sabi ng doctor?"tanong ni Carrey.

Sasagot na sana si tita nang bumukas ang pinto.Si Doc Harvey.

"Good evening Mrs. Ramirez.Ready na ba sila sa result ng latest test ni Dinah?"tanong ni Doc Harvey.

"Ah eh sandali lang po doc may inaantay lang po tayo saglit."sabi ko naman.

"Sino iha?"tanong ni tita.

"Si Jealline po."nakangiting sagot ko.

"Si Jealline?Andito na si JEalline?Kelan pa?Bakit hindi pa siya dumadalaw dito?"tanong ni tita.

"MEdyo hindi pa po ata niya kaya nun tita.Minsan po kasi sinisi niya ang sarili niya dahil sa nangyari kay Dinah.Kung hindi lang daw dahil sa pakiusap niya kay Dinah noon hindi na sana nangyari ang lahat ng to."sabi ko.

"We never blame her iha.Aksidente ang nangyari.Walang dapat sisihin...Walang may gusto nito."sabi ni tita.

"Tama po kayo tita."sabi naman ni Gail.

"Doctor,can I hold her?"tanong ni Dwayne kay Doc Harvey.

Napangiti naman kami sa tanong ni Dwayne kay Doc.

"Of course kiddo.!Sige hawakan mo na siya."nakangiting sabi naman ni Doc.

Hindi namin totally pinaalam kay Dwayne ang tungkol kay Dinah.Ayaw naming maglagay ng confusion sa utak ng bata kasi nga mas lalong magiging magulo ang lahat.Mas pinili namin na maging plain lang muna ang pagkakakilala niya kay Dinah.At saka nalang ulit sasabihin ang totoo pag nagising na si Dinah.Baka hindi pa niya maintindihan sa ngayon eh.

"Nakakaaliw talaga ang batang yan.Sana mas mapadalas pa ang pagpunta niya dito gaya ng dati."nakangiting sabi ni Doc Harvey habang nakatingin kay Dwayne.

"Oo nga po eh.Siya po yung nagpapawala ng pagod namin.Right girls?"sabi ko naman.

"Tama siya doc."sabi naman nila.

"O ano?Wala pa ba yung inaantay natin?"tanong ni Doc.

Magsasalita na sana si Carrey nang bumukas ang pinto.

"Hay sa wakas!"sabi ni CArrey.

"Finally!"sabi naman ni Gail.

"Sorry late ako!Pasensiya na talaga..WAahhh!!Tita Helena!"sabi niya at patakbong pumunta na agad kay tita Helena at napayakap.

321 BREAK NA TAYO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon