CHAPTER 19

23 7 0
                                    

Nishan Carlo Vener

"Danielle,ayos ka lang?"


Nag-aalalang tanong ko kay Danielle.Nagtama ang paningin namin kaya nakita ko ang kaba sa mga mata niya."Nasaktan ka ba ha?"tanong ko pa habang sinusuri ang katawan niya.

"Oh my gosh!Dani girl,are you okay?"bigla ay lumayo si Danielle sa 'kin at umayos ng tayo nang makita sila Sia na palapit na sa amin,nakita rin siguro nila ang nangyari,kahit yung ibang taong malapit samin napahinto sa paglalakad at napatingin samin.

"Ah,y-yeah nagulat lang ako,but I'm fine."

"Siraulo 'yon ah!Kayabang magpatakbo,"nilingon ni Joshua yung dinaanan nung naka motor.

"Abangan na lang natin next time pero ngayon tara na muna sa loob mainit dito,"aya naman ni Veejae.Pumasok na nga rin kami sa loob at umorder.Pana'y parin ang tanong ko kay Danielle kung ayos lang siya,natawa tuloy si Sia masyado raw akong concern.Nailang tuloy ako kaya nanahimik na lang ako.

"Ilang days kaya bakasyon natin?"usal ni Gab habang kumakain na kami."Anong bakasyon?"tanong ni Sia.

"Walang pasok syempre,"pamimilosopo ni Veejae kay Sia,inirapan siya nito saka sa 'kin naman bumaling."Anong bakasyon 'yon?"tanong niya sa 'kin."Ah para sa mga empleyado 'yon,gaya natin.Bilang dagdag regalo siguro sa pagtatrabaho natin para sa kanila.Every March ay mag-aanounce sila ng number of days ng vacation.Minsan kung swerte,mga isang buwan ang pahinga.Pero kung wala silang nakitang pamalit sa mga magbabakasyon,mga five to one week lang ganon,"mahabang paliwanag ko.

"Seryoso?"tanong ni Sia,nakangiti akong tumango."Kasali na kaya kami ni Sia doon?"napalingon ako kay Danielle nang magtanong siya."Oo ah, February naman kayo pumasok,"sagot ko.

"What if mag out of town tayong lahat 'no?"sabay sabay kaming napalingon kay Sia ng sabihin niya iyon."Sia ano ka ba?"tutol agad ni Danielle kay Sia."Why?Wala namang masama don!Friends naman na tayong lahat dito ah!"

"Wala namang masama pero nakakahiya kasi—"

"Bakit ka mahihiya Dani girl?Tayo tayo lang naman..."lumingon sa amin si Sia."Bakasyon naman 'yon so dapat wala kayong gagawin,dapat pahinga lang right?"tanong ni Sia,nauna akong tumango.

"Ay ako hindi ko sure marami akong raket e,"tanggi ni Gab,ngumuso si Sia sa kaniya."Kj naman nito,getting to know each other stage na nating pare-pareho 'yon 'no since fresh tayong magkakaibigan!"sabi pa ni Sia,naiiling na natawa si Veejae.

"Game ako,tapos sama natin si Nicka at Letlet!"gulat akong napalingon kay Joshua."Oh bakit naisama mo na naman si Nicka ha?"nakataas ang kilay na tanong ko."Kailangan din niya ng pahinga duh!"sagot niya,parang siya pa ang kapatid kung makapag-care ah.

"Sino 'yon kapatid mo?"tanong ni Sia,tumango ako."Great,isama na natin sila,the more the merrier!"tuwang-tuwa pang nag-apir sila ni Joshua,akala mo naman matutuloy ang plano nila.

"Ako hindi ko sure,madami akong ginagawa e."

"Sus, di'ba isasama na nila Papa mo si Rhianna,edi wala ka nang aalagaan!"usal ni Joshua."Hindi ko pa rin sure, pero try ko rin.Gusto ko rin muna mag-chill."

"Ikaw Danielle,sasama ka kung sakaling matutuloy?"napalingon ako kay Danielle nang tanungin siya ni Joshua.Lumingon muna siya sa akin bago kay Joshua."Kung sasama si Sia,"sagot niya."Sasama 'yan,sasama ako e,"tumatawang sagot ni Sia.

Matapos namin magkwentuhan ay bumalik na rin agad kami sa building.Gumaan ang pakiramdam ko sa hindi malamang dahilan.Sa tingin ko dahil 'yon sa hindi ko na pag-iwas kay Danielle.Magaan sa pakiramdam.

"Bakit wala ka bukas?"bulong na tanong ni Tutoy sa'kin,nagtatanggal na kami ng apron."Ah recognition ng kapatid ko,manonood ako."

"Naks! Supportive kuya."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 13, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HE'S INLOVE WITH THE PRESIDENT'S  DAUGHTER (ON GOING)Where stories live. Discover now