Chapter Seven - The Third Party Occurrence

Magsimula sa umpisa
                                    

Pesteng Troy 'yun.

Nalaman ni Kiel, nakilala ito ni Tori rito rin sa resort three years ago at naging magkaibigan. Palagi raw silang magkasama kapag nagbabakasyon ang dalaga at tiyempong nandoon ang lalaki. Kaso sundalo na ang binata kaya bihirang mauwi roon. Ngayon nga lang sila natiyempong nagkita; naka-leave ang binata dahil sa injury nito. Nasalubong umano ng lalaki si Richard at nabanggit ng huli kay Troy na naroon nga sa resort si Tori. Iyon, nagtawagan, nagkuwentuhan at hayun. Ang ending, uuwi si Kiel nang mag-isa. Sasabay na lang daw ang babae sa kaibigan na paluwas din mamayang gabi.

Pesteng tsismosong Richard na iyon. Pesteng mukhang papaya na 'yun.

"Sigurado kang kaya mo nang umuwi, Pare? Ayaw mo talagang ipahatid kita sa terminal?" tanong pa ng hinayupak.

To be fair, mukha naman itong sincere. Nakakainis lang kasi gusto niya na talagang ma-insecure. Mas guwapo siya rito, sigurado siya roon. Baka mas mataas din ang IQ niya. Pero mas heroic ito, mas may sense of humor, at may sort of history sila ni Tori.

Tumango si Kiel. "Kaya ko na. Salamat. Sige, eto na 'yung tricycle."

Bago pa makakibo ang dalawa, sumakay na siya sa maghahatid sa kanya hanggang sa sakayan ng bus. Tahimik siya habang nagbibiyahe pero sa loob ay nagngingitngit siya.

Troy Caballero. Pucha, pangalan pa lang niyon knight-in-shining-armor material na. Idagdag pa na sundalo ito at isang tunay, real-life hero.

Eh, siya, hanggang dork knight lang. Ano ang panama ng (bukod-tanging) pinagmamalaki niyang 145 IQ? Wala.

Para na rin siyang nakipag-compete sa isang Man of Steel na di takot sa kryptonite.

Gusto kaya ni Tori si Troy? Limang beses daw itong binasted ng dalaga, pero hindi sigurado si Kiel kung joke lang iyon o katotohanang ayaw lang ipahalukay pa ng babae.

Ang sigurado siya, nawala ang lahat ng lungkot nito kahapon dahil lang sa tawag ni Troy. Masaya ito magdamag habang nakikipagkuwentuhan sa kaibigan. At naisip ni Kiel, iyon pala ang kailangan nito, hindi ang kanyang mga bisig.

At ang katotohanang iyon ay parang pinaghalu-halong alcohol at kalamansi at magaspang na rock salt na ikinaskas sa sugatan niyang puso.

Masakit na nga, ambaduy pa ng tunog niya.

Gusto niyang kausapin si Tori at itanong kung ano talaga ang score sa pagitan nito at ni Troy, pero natotorpe siya. Baka sagutin siya nang pabalang ng dalaga at sabihing wala siyang pakialam doon. Natatakot din siya na baka hindi niya magustuhan ang anumang isasagot nito.

Pesteng pag-ibig 'yan, oo.

*****

"Uy, andito si Tori o!" bulong ni Paul sa kanya.

Hindi kumibo si Kiel at nagpatuloy lang sa ginagawa sa computer na parang walang nadinig.

Naroon sila nang hapong iyon sa isang computer shop at gumagawa ng assignment. Mayroon naman siyang lumang laptop, pero walang Internet at printer sa bahay nila kaya lumalabas siya kapag may kailangang i-research.

"Uy, Kiel, papalapit dito!" ulit ni Kulit.

"Pabayaan mo siyang lumapit," ngitngit na aniya. "Matapos niya kong isantabi nang isang linggo dahil sa Troy na 'yun, lalapit siya ngayon,? Hah! Galit-galit muna."

"So nagseselos ka kay Troy, gan'un?"

Muntik na siyang mapatalon sa gulat. Napalingon siya at nakita ang nakapamaywang na si Tori na katabi na pala niya. Nakauniporme pa ito kaya alam niyang galing ito sa school.

The Dork Knight (Published by Bookware Pink&Purple)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon