"Okay thanks for all of that. Pero binoto mo ba ako?"



Dahan-dahang nawala ang ngiti sa labi ni Gracie at parang makahiyang tumiklop sa lamesa niya habang nakayuko.



"Hindi."



Halos mapanganga ako sa sinabi niya pero pinigilan ko nalang. Dapat nagsinungaling nalang si Gracie para lang maligtas kami sa kalahi ni Gloria!



"So you're only praising me para makalusot kayo nitong kaibigan mo?"



Halos magkasabay kaming napaubo ni Gracie dahil alam namin ang sagot dun. Talaga nga namang sinubukang bolahin ng babaeng to si Macapagal kaya naman wala na kaming lusot dun.



Nanahimik nalang tuloy kami at hinayaan si Macapagal na isumbong kami sa kararating lang na si Ms. Olivia. Hindi namin napigilan ni Gracie na yakapin ang isa't-isa habang pinapanood ang sunod na magiging reaction ni Maam sa sumbong ng presidente. Pero sabay kaming nagulat nang lumaki ang ngiti nito at tumango-tango pa kay Macapagal.



"Ano kayang sinabi ni Zoren kay Maam?"



"Aba ewan ko!" Sumimangot si Gracie at agad na humiwalay sa akin para batukan ako. "Kasalanan mo to eh! Nakipagchikahan ka pa kasi sa akin tungkol kay Zoren! Narinig tuloy tayo!"



"Sorry naman! Di ko naman inaasahang may pagkalahing Marites din pala yong si Zoren bukod sa kalahi niya si Gloria!" Napangiwi si Gracie bago siya pumadyak at pabiro akong sinakal.



"Wala na tayong magagawa! Kaya maghanda ka nalang at baka may gawing kakaiba sa atin si Zoren dahil sa nangyari ngayon."



Hindi ko alam kung may powers ba si Gracie o sadyang kilala niya lang talaga si Zoren para malaman niya ang sunod na mga pangyayari.



Kinausap kami ni Ms. Olivia bago mag-uwian at sinabi sa amin ang magiging role namin para sa acquaintance party. Kami lang naman kasi ang in-assign ng bwiset na Zoren Macapagal na yun para bumuo ng isang performance kasama ang buong HUMSS sa acquaintance party!



At alam niyo kung ano pa ang mas nakakabwiset? Napaka demanding ng lalaking yun dahil sinabi niya kay Maam na sayaw dapat ang iperform namin sa party!



Aaminin ko na talagang excited ako nung una! First time in the history na magkakaroon ng Acquaintance Party ang ACHS!



Pero simula ng malaman ko kung anong giyera ang kailangan kong pasukin bago ang party, hindi na ako natuwa. Busy na nga kasi ako sa pagpractice sa cheering squad tapos dadagdag pa talaga ang lecheng party na to?



Dahil sa konsumisyon, parang naging lantang mga gulay kami ni Gracie sa pagpaplano. Pero naging magaan din naman ang trabaho namin dahil tumulong naman ang mga president ng other sections na sina Leander, Orly, Harley, at Jeff sa pagmamanage ng buong HUMSS.



Mabilis na dumating ang araw ng rehearsals at lahat ng presentors ay present na sa ACHS gym. Nakahanay naman sa isang mahabang table ang mga SSG officers na para bang mga panel of judges sila ng isang talent show.



Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang mukha ng bwisit na presidenteng nagdala sa akin sa posisyong to. Nagkatama ang mga mata namin at hindi ko inaasahang aangat ang isang gilid ng labi kasabay ng pagtaas baba ng kilay niya sa direksiyon ko.



Anong nginingiti ngiti ng isang to? Close ba kami?



Agad na umarko ang kilay ko at hindi nagpatalo sa pagtitig sa kanya. Kung pwede lang siguro magkaroon ng electricity, kulog, at kidlat sa pagitan ng mga mata namin ay paniguradong may lalabas dahil sa sama ng tingin ko sa kanya.



A Little Bit of SunshineWhere stories live. Discover now