A R T I C L E 3 - S E C T I O N 9

Comincia dall'inizio
                                        

Naluluha na ako habang pilit na hinahanap ang singsing sa paligid.

"What's wrong?" hindi ko pinansin ang tanong nang kung sino mang lalaki na kasama ko ngayon sa fire exit. My head was just filled with thoughts of finding the ring. Iyon na lang ang meron ako!

I can't lose it too!

"Lauren?" 

"Shut the hell up!" singhal ko sa kanya bago mabilis at pilit pa ring hinahanap ang singsing sa paligid habang tuloy-tuloy na tumutulo ang luha ko.

"Lau—" 

"Ano ba?!" muli kong sigaw sa kanya sa basag na boses. Sobra akong nafu-frustrate na hindi ko mahanap ang singsing tapos ang kulit-kulit pa ng isang 'to!

"You took a picture? The hell I care. Sige! Post it! Nang magkarason na rin ako para itigil na ang kabaliwan kong 'to!" angil ko sa kanya bago siya tinalikuran.

Pero ganoon na lang ang gulat ko nang mamali ako ng hakbang at dire-diretso akong bumulusok pababa ng hagdan. I heard someone calling out my name before I completely lost consciousness.

Nagising ako sa matapang na amoy ng disinfectants at puting kisame. I laughed humorlessly with the thought that I was still alive.

Bakit ba hindi nalang ako natuluyan?

Sinong siraulo ba ang nagdala sa'kin sa ospital?

"Gising kana?" nilingon ko ang pinanggagalingan ng boses ni Roselle.

She was comfortably seated on the couch by the window. Bored na bored niyang inililipat ang bawat page ng magazine na binabasa.

"You think you could stop working because you're injured?" malamig niyang tanong nang hindi pa rin ako tinitingnan.

Mas pinili ko ang manahimik at hindi na sumagot pa sa kanya. I heard her stood up from the couch, nage-echo sa buong kwarto ang tunog ng heels niya habang naglalakad siya palapit sa'kin.

"Mukhang lumalaki na ang ulo mo dahil masyado kitang pinagbibigyan, Lauren."

"Go away, I want to rest," ani ko bago siya tinalikuran. Tulad ng nakasanayan ko ay mabilis na hinanap ng mga daliri ko ang  singsing sa may dibdib ko pero mariin akong napapikit nang maalalang naiwala ko na rin iyon.

Lahat na lang naiwawala ko.

"Lauren, kinakausap pa—" Naputol ang sasabihin sana ni Roselle nang sabay kaming mapalingon sa pintuan ng kwarto nang makaranig kami ng pagkatok. She gave me a warning glare before she walked towards the door and opened it.

An unfamiliar face entered the room carrying a bouquet of sunflowers.

"Russel," pormal na bati ni Roselle sa kanya. I thought it was her boyfriend or something kaya hindi ko na siya pinansin pa.

"Thank you for bringing Lauren here. Mabuti na lang at nakita mo siya," mabilis akong napabaling sa direksiyon nila nang marinig ang sinabi ng manager ko.

So this was that guy. Mabilis na gumala ang tingin ko sa kabuohan niya.

I already hate him.

Dahil sa kanya ay nawala ko ang singsing na binigay ni Jasper.

"Roselle, can I talk to her? Uhm, alone?" sabay kaming natigilan ni Roselle bago niya ako binalingan ng mapagbantang tingin bago siya lumabas ng kwarto, leaving me alone with this Russel guy.

"Anong kailangan mo?" mataray kong tanong sa kanya.

"Flowers for you," nakangiti niyang sagot sa'kin na inirapan ko lang.

"Why were you crying?" natigilan ako sa tanong niya. Kalalaking tao ang chismoso.

"Paki mo?!" nagulat ako nang imbis na mainis siya dahil sa pagiging ma-attitude ko ay tumawa pa siya.

"I'm Russel Quintos," pakilala niya sabay lahad ng palad sa harapan ko.

"May nagtanong?" taas kilay kong tanong sa kanya pero nginisihan niya lang ako bago dumukot ng kung ano sa bulsa niya.

Halos malaglag ang panga ko nang makita ang singsing na nakapaloob na ulit sa kwintas. Agad na nanubig ang mga mata ko habang nakatingin doon.

"I'm Russel Quintos," nakangiti niyang pagpapakilala ulit sabay mwestra sa kamay niya na nakaabang pa rin. Sandali ko lang iyong tinignan bago muling lumipad ang tingin ko sa kwintas na bahagya niya pang nilalaro sa harap ko.

Huminga ako ng malalim at nakipagkamay na sa kanya.

"Lauren Ignacio," sakay ko sa trip niya kahit na halata namang kilala niya na naman ako.

I saw him grinned before he finally gave me the necklace and the ring.

"Remember my name, Lauren," nakangiti niyang saad habang diretsong nakatingin sa akin.

Afflicted (TLS #3 - COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora