"Ma ayan ka na naman, sige kapag nag-asawa ako pano kana?" wika ko, kumakain kami ngayon ni mama, lately lagi akong pinapangaralan ni mama patungkol sa pagbo-boyfriend at pag-aasawa as in halos araw araw basta makakuha sya ng tyempo hala sisimulan na naman nya ako haha
" Sinasabihan lang kita na habang bata ka pa mag simula kanang tumingin-tingin ng taong pwede mong makasama habang buhay ayokong tumanda kang dalaga, aba mahirap iyon" Sabi ni mama, nangangamba ata sya na hindi na ko mag-aasawa haha
"Ang buhay nang tao ay ipapanganak ka, mag-aasawa at magkakaanak ka din, ok lang naman kung mag aampon ka pero mas maganda sana kung galing sayo mismo, tanggap ko naman pagka nag kapamilya kana ay iiwan mo na ako, lahat ng magulang ay alam iyon dahil yun talaga ang buhay ng tao" sabi pa nya
"baket naman po kita iiwan eh love na love kita Ma, kahit mag-asawa ako isasama kita kahit saan ako di kita papabayaan" ika ko sabay yakap ng mahigpit sa kanya at balik ulit sa upuan ko para kumain ulit
"alam ko naman yun ang Ibig ko lang sabihin ay ayos na ako ayos na ang kapatid mo intindihin mo naman ang sarili mo ngayon, sa susunod na kumpanya na papasukan mo hala dun ka sa madaming boys baka sakali ay naroon na ang para sayo" sabi nya hahaha muntikan na kong mabulunan sa mga sinasabi ni mama
"Ma 25 pa lang talaga ako ang normal age ng marrying ngayon ay 30 plus na" sabi ko
"maganda na din na ngayon palang ay simulan mo na habang di ka pa napaglilipasan ng panahon at maganda ka pa para makapili ka pa at makilatis mo yung ugali ng tao na sasamahan mo, pumili ka ng taong di ka sasaktan di ka kayang saktan at lagi kang irerespeto" wika ni mama
"Ma sinasabi mo ba na pumapanget na ko?" sabi ko sabay poker face haha minsan talaga ang cute cute ni mama mangaral yung alam mong concern sya pero medyo naiinsulto ka hahaha XD
"Medyo papunta na dun hehe, at saka anak gusto ko pang ma abutan ang mga apo ko sayo para maalagaan ko pa sila" sabi nya ng natatawa
"MA!" sabi ko napahinga ako ng malalim dahil ayoko talaga na sinasabi nya yung mga katagang "para ma abutan ko pa" of course ma aabutan pa nya lahat ng apo nya sa aking kapatid.
Hays hindi nya talaga ko tinantanan nakain at naghuhugas na ko ay eto pa din si Mama nangangaral buti na lang sinalba ako ng paborito nyang teleserye XD nanunuod na sya ngayon XD matapos kong maghugas ng Plato ay tumabi na din ako sa kanya at nakinuod.
Nang antukin ako ay tumayo na din ako at nagtungo sa aking kwarto. Nakatulala lang ako ngayon sa kisame at nagmumuni muni, naiintindihan ko naman si mama kung san nang gagaling ang concern nya lagi ko din sya kasing binibiro na wala na akong balak mag-asawa haha well jokes are half meant right.
Hindi ko na kasi nakikita ang sarili ko na magpapamilya pa.
Siguro ay iniisip nyo na baka naloko ako before o sobrang na broken kaya ganito ang thinking ko haha
HINDI! NO! NO! NO!
NBSB AKO.
Never been kiss never been touch never been. Hahaha well sinubukan ko naman nung college ako pero di nag work mga ateng, hanggang sa nag work ako imagine 5 years ako sa company na yun pero hindi ako nagkalovelife haha
Iniisip nyo ba na panget ako? Haha Hindi ah average naman ang itsura ko sabi pa nga nila napaka charming ko haha
Sa ugali hmmmmm may pagkasuplada sa una pero mabait ako at responsable ganyan ako idescribe ng mga kaibigan ko.
Hindi ko din alam nacucutetan at nagagwapuhan naman ako madalas sa mga lalaki pero hanggang ganun lang.
Sabi nga ng mga kaibigan ko hindi daw ako mabilis mainlove.
Pero siguro mas tama ang "TAKOT AKONG MAINLOVE" takot akong magkamali ng pag bibigyan ng puso ko, takot akong baka ma reject ako, takot ako na baka hindi matanggap ang totoong ako, takot akong maiwanan dahil hindi ako sapat, takot akong malaman na madali lang akong bitawan na hindi ko kayang bigyan ng sapat na dahilan ang taong aking minamahal para akoy panghawakan at ipaglaban.
Takot akong magmahal...
Lalo na sa panahon ngayon kung saan uso ang lokohan ang madaling palitan ng minamahal, parang napakababaw na ng mga salitang pagmamahal nakakalungkot isipin, siguro nga ay hindi na ko naniniwala na meron pang tunay na pag-ibig na ikaw at ikaw ang pipiliin hanggang sa huli :(
"Papa God ano na po wala na ba talaga? Papa God sige na please gusto kong maranasan magmahal at mahalin din ng sobra, gusto kong maranasan sumugal sa kabila ng lahat ng takot, gusto ko na syang ma kilala :( meron ba?"
Kinabukasan...
Nakasakay ako ngayon sa van patungong tagaytay meron kasing book sale na magaganap doon hindi naman ako pala basa pero may gusto kasi akong bilihin na mga libro nasa bucket list ko kasi yun ang mabasa ang mga libro na yun.
Nasa tapat ako ng bintana naka pwesto dito at minamasdan ko ang kapaligiran, sa kabila ng mabilisang pag-unlad ng tagaytay ay napanatili nila ang mapunong kapaligiran kaya nga ba napakasariwa pa din ng hangin dito kaya din isa ito sa unang choice ng mga taga Manila kung nais nilang takasan ng pansamantala ang maingay, matao at abalang lungsod.
"Miss nasa picnic grove na po tayo, ma'am paki gising naman ho yung katabi nyo" manong driver
Nakatulog pala ako haha buti na lang nasabihan ko si manong kung san ako ibaba haha.
Nakabili na ko ng ticket at kasalukuyang naglilibot libot, ang cute ginawang stall yung mga kubo <3 imagine pag nabili mo na yung book na gusto mo pwede ka nang pwesto sa kung saan at pagpagod kana kakabasa ay pwede kang magpahinga habang tinatanaw ang taal <3
Tumigil ako sa ilang kubo para hanapin ang mga libro na gusto ko pero di ko sila makita why! Huhu,
Oy teka sa pinakababa may mga binebentang memorabilia may dream catchers, necklace at kung ano ano pa mapuntahan nga haha
Dahan dahan akong bumaba kasi nga ateng medyo mataas ang daan baka gumulong tayo maagawan pa natin ng title ang taal as main attraction haha XD
Wooow! Ang gaganda naman nito! Waaahh! Yung engagement ring ni Bella 😍 magkano kaya to? Camille maghunusdili ka yung budget mo pang libro lang, nag ikot ikot na lang ako sa kubo nadudurog ang puso ko gusto ko sila bilihin lahat!
Napahinto ako saglit dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin napalingon ako sa parte ng Park na mapuno at doon nakita ko ang isang nakaputing babae na parang makaluma ang damit?
Nakatayo sya sa tabi ng isang malaking puno ang isang kamay nya ay nakahawak sa puno at ang isa naman ay may hawak hawak na libro na nakapatong sa kanyang dibdib, hindi ko gano makita ang kanyang mukha dahil sa itim na balabal sa kanyang ulo, ngunit ang lakas ng pakiramdam ko na parang sa akin sya nakatingin...
_____-----______-----_____-----_____-----____
Hello po 😊
Opo kayo po na katatapos lamang basahin ang unang kabanata ng Hourglass ❤️ nais ko lamang po na magpasalamat sa oras na iyong inilaan sa pagbabasa nito nawa'y nasiyahan kayo sa pagbabasa at sana ay patuloy nyo po kaming samahan hanggang sa huling kabanata 😊💕❤️
~Ateng Camilla
Paalala lang po:
Ang mga tauhan, pangalan, lugar, kaganapan, trahedya at pangyayari sa istoryang ito ay produkto lamang ng imahinasyon ng may akda at hindi nangyari sa totoong buhay o nasusulat sa kasaysayan. Mayroong pailan na totoong lugar ang nagamit sa kwento upang magbigay kaalaman lamang sa nakaraan ngunit inuulit ko po lahat ng kaganapan, tauhan at pangyayari ay pawang imahinasyon lamang. Maraming salamat po ❤️
Ingat po tayo palagi lalo na sa panahon ngayon 💕
Let's follow each other at Twitter 😊 Ateng_Camilla
YOU ARE READING
Hourglass
Historical Fiction"aklat ay baliktarin upang kapalaran ay baguhin, kahilingan ng pusong dumadalangin ay tutuparin sa pagwawakas ng dilim" Ano ang kahilingan ng iyong puso? Paano kung dinggin ito ni Papa God sa hindi mo inaasahang panahon? Susugal ka ba? Si Camille Mo...
