|°A Letter To You°|

30 10 6
                                    

************

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

************

Habang nagdidiscuss si ma'am sa harapan, ako naman ay nakatitig lang sa isang binata na nasa kabilang row messy ang buhok nito na itim na itim ngunit hindi naman magulong tingnan medyo matangos din ang ilong nito , may makapal na kilay , singkit na mga mata at mapulang labi , seryoso itong nakatingin at nakikinig sa aming guro kaya siguro sya ang top 1 namin dahil narin sa matalino talaga ito ngunit naputol ang pagpapantasya ko ng kalabitin ako ng kung sino kaya naman agad akong napatingin dito at nung paglingon ko ay bumungad sakin ang mukha ng pinsan kong babae na si Aina

" Ano okay ka lang ? "

" Wrong timing ka naman eh " nagkamot sa ulong ani ko

" Tama na yan masasaktan ka lang " kantyaw nito sakin sa nangaasar na tono

" kainis toh " pabirong ani ko sabay hampas ng marahan sa braso nito

" Ang mabuti pa pumunta na tayo sa canteen ng makakain na hindi yung nakatitig ka dyan eh wala ka namang mapapala dyan "

tanging tango nalamang ang nagawa ko dahil hinila na agad ako nito

Canteen*****

Sa ngayon ay nakapila kami ng pinsan ko sa canteen kaya matagal din kami naghintay dahil ang haba nung pila at sa wakas nung kami na ang oorder bigla ay napatigil ako ng marinig ko ang isang pamilyar na boses na nanggagaling sa may pintuan ng canteen kaya agad ko itong nilingon at bumungad sakin guwapong mukha ni Chris tila bumagal nanaman ang paglapit nito sakin at animo'y kaming dalawa nalang ang natira rito nung mahimasmasan ako ay agad akong umatras para paunahin sila.

" kayo ng mauna " nagpipigil ng kilig na ani ko

" Sure ka ? " Paninigurado nito

" O - Oo naman di naman kami nagmamadali eh "

" Salamat ng marami " ani nito ng makabili na ng pagkain

" We-welcome "

pagaalis nito ay agad akong hinila ni aina para makabili na kami

" pasalamat ka hindi ako masyadong gutom " Inis ngunit pabirong ani nito

" Sorinaaaahh " ani ko dito sa malambing na tono

" Ewan ko sayo , tara na nga "

At natapos ang araw na ito na nagtatampo parin si aina sakin pero sure naman ako na kinabukasan ay mawawala nadin iyon .

KINABUKASAN *****

Sa ngayong ay kagigising ko lang at halos binagyo na ang kuwarto ko dahil sa kahahalungkat ko ng mga gamit ko , di na ako nagabala pang ayusin ito dahil baka matagalan pa ako kaya nung nahanap ko na yung mga gamit ko dali dali akong lumabas ng kuwarto at nagpaalam kay lola na aalis nako

Makalipas ang ilang minuto ng pagsakay sa tricycle sa wakas ay nakarating nadin ako sa campus , agad akong nagbayad at bumabaa na saka patakbong pumasok sa gate at pumila sa linya ng mga kaklase ko .
Lunes kase ngayon kaya may flag ceremony at kaya din kami nakapila ngayon , habang nakatingin ako sa may stage bigla ay nakarinig ako ng mahinang pagtawag sa pangalan ko

A Letter To You ( One Shot )Where stories live. Discover now