Ngayon ko lang narealize na hindi dapat ako pumayag.

Siguro dapat kausapin ko si Nathan.

Baka mapursuade ko siyang baguhin yung mga sinabi niya kay Mama.

I just don’t want to pretend that we like each other.

Hindi naman kasi namin gusto ang isa’t-isa.

Lagi kaming magkaaway at nagaasaran.

“Ay alex----”

“ANO BA! Wag ka ngang nanggugulat kuya!” Sigaw ko kasi bigla niyang binuksan ulit yung pintuan sa kwarto ko.

“HAHAHAHA may tanong ako”

“Ano na naman?”

“Kaya ka ba naghihilamos kasi tinatanggal mo yung muta sa mata mo?”

“Ha? Hapon na ngayon kuya. Kanina pa ko nagising”

“Eh kasi diba, one year kang nacoma. Malamang sa one year may nabuong malaking bilog ng muta sa mata mo. Teka, nakikita mo ba ko ng maayos? Malabo ba paningin mo? Baka mas malaki na sa mata mo yung muta mo. Gusto mo pacheck up natin?”

“KYAHHHHH! GRRRRRRR!”

Tinalunan ko siya para sipain pero ang bilis ni Kuya.

Binuhat niya ko at tinapon sa kama ko.

“Kababaeng tao nito, wrestler!”

“Sino kaya nagturo sakin?”

“Ako! WAHAHAHAHA”

“Aish! Tigilan mo nga ko sa mga tanong mo kuya” Hinagisan ko siyang unan pero tinawanan niya lang ako.

After he caught his breath, parang nagseryoso siya.

“Type 2 myocardial infarctions na yung kay Mama”

Nawala agad yung sayang naramdaman ko sa kulitan namin ni Kuya.

Nagbago agad yung mood ko.

“Is that a bad thing?”

I don’t know medical terms kaya naman hindi ako makarelate.

“Kay Kuya Ethan inexplain ng doctor. Pero nagsearch ako, medyo hindi maganda na type 2 na yung sakit ni Mama. But I guess, we don’t have to worry too much. Basta wag na lang natin ulit bigyan ng problema si Mama ha. Alex, ayokong pasasakitin mo na naman ang ulo niya”

Stuck with the Past (Stuck Series Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon