Chapter 27

103K 2.2K 1.1K
                                    

Chapter 27

Alexandra’s POV

“Ayoko. Ayoko talaga! Aish!!”

I stared at the mirror.

Naghilamos ako sabay tinitigan ko ulit yung mukha ko.

“Bakit ka kasi pumayag?” I told myself.

“Ang shunga shunga mo talaga Alex!”

I groaned loudly.

“Magpapanggap kayong nililigawan ka ni Nathan? Nako nakikita ko na mangyayari! Masasaktan ka lang Alex kasi hindi sumeseryoso ng mga babae si Nate. Tapos ikaw, syempre lagi mo siyang kasama kaya ang ending, magugustuhan mo siya. Nabasa ko na yan sa mga stories eh! Napanuod ko na rin yan sa mga movies! Walang magandang maidudulot yan sayo! Okay sana kung si Tristan yung magpapanggap----”

“Panggap panggap ka diyan. Baliw!”

Napatingin ako sa may pintuan dito sa CR ko at nakita ko si Kuya Terrence na pinagtatawanan ako.

“Che!”

“Nakakatakot ka alex ah. Kausap mo na naman sarili mo. Halika, sumama ka sakin”

“Saan tayo pupunta?” Parang natatakot na tanong ko.

“Sa mental hospital. Kailangan mo ng tulong”

Seryoso pa talaga ang mukha niya kaya naman hinagisan ko siya ng tuwalya sa mukha.

“Heh!”

“Ikaw ah, magaral ka muna. Di puros boys yang nasa utak mo. Di porket boto ako kay Nathan eh lulubusin mo na pagiging maluwag namin sayo. Pag bumaba grades mo dahil sa panliligaw ni Nate---”

“Anong gagawin mo?” I even crossed my arms.

“Tatanggalin ko kilay mo. Bye”

Naghair flip pa siya tapos nagwalk out.

O____O

“Ang weird, feeling long hair”

Umiling na lang ako at lumabas na ng kwarto.

Ngayon lang gumana yung utak ko.

Siguro dahil na rin sa pagod at stress.

Stuck with the Past (Stuck Series Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon