Nakakaimbiyernang Victoria!

“Ang sweet naman po ninyo. Sige po, ako na  po ang bahala. Wala naman po kayong meeting ngayon.”

******************************

“Kumusta ang trabaho, Sinta? Akala ko hindi ka rito mag lu-lunch kaya nauna na akong kumain.” Ipinaghahanada siya ni Kathryn ng makakain. Nagulat kasi ito nung umuwi siya.

“Akala ko rin nga, Sintas, kaso biglang na miss kita at ang kambal kaya napauwi ako.” Hindi pa rin siya maka get over kay Victoria Andrews, hindi rin siya makapag beki words dahil nasa tabi nila si Inday at binabantayan ang kambal, ngingisi-ngisi na parang timang. Kung hindi lang mahirap kumuha ng kasambahay at kung hindi lang ito mabait, matagal na niyang pinalitan.

“Sweet naman ng asawa ko, naiintindihan ko naman kung bakit hindi ka makakasabay sa amin sa pananghalian, Sinta.”

Naupo siya sa tabi nito at pinagmasdan ang asawang kumakain.

“Na meet mo na ba ang team mo? I’m sure magagaling silang lahat.”

Kinuha niya ang tubig na nasa tabi niya. Naalala na naman kasi niya si Victoria, hindi dapat ito makilala ni Kathryn.  Ito na ang tinatawag na i-victoria’s secret niya muna, hindi niya kasi kayang hulaan ang gagawin ng asawa niya kapag nagkataon.

“Yah, kanina.” Tipid niyang sagot.

“Okay naman ba, Sinta? Sana kasing galing mo sila. Kasing edad mo rin ba o mas matanda? I wanna meet them.”

“Mukhang magagaling naman, Sintas. Mga halos magkakalapit lang kami ng edad, sige, ipapakilala kita sa kanila one of these days.”

“May pogi at binata ba sa kanila, Ser? Ipakilala mo rin ako, ipaghahanda kop o ng asarap ng meryenda.” Biglang singit ni Inday.

Tinignan ito ng masama ni Elvin, papatulan niya ito.

“Ay, sige Ser, wag na lang. Mga magagandang babae siguro sila.” Napahagikhik pa.

“Ikaw ba Inday gusto mong magpasko sa amin?”

“Ay oo naman, Ser!”

“Pwes, itikom mo yang mala Steven Tyler mong bibig!”

“Sinta, ang init ng ulo mo kay Inday, hindi ka na nasanay. May magaganda bang kasama sa team mo?” Tanong nito sa kanya. Nagkaideya tuloy ang asawa niya.

“Maganda? Define maganda? Kung ikukumpara sa iyo, Sintas, magsasayang ako ng effort.” Totohanang sabi niya. Alin, kung si Victoria lang, walang-wala kay Kathryn, sa boobs na alam niyang puro silicon, sa kilay na hindi perfect ang pagka pluck, sa lips na pinaganda lang ng mamahaling lipstick, sa ilong na halatang na enhance lang, at sa mga matang kolorete lang ang nagpaganda. Saan ang maganda dun?

“Talaga, Sinta?”

“Oo naman! Kaya don’t worry, ikaw pa rin ang pinakamagandang babaeng nakilala ko, pinakakakaiba, at pinakaminahal ko at mamahalin kahit pa sinasabi nilang walang forever.”

“Ang taray ng sagot mo, Ser! Winner! Fan ka ng ABS-CBN?”

“Inday! Lumayo ka sa akin, ngayon din! Nagmomoment ako, sinisira mo!”

Tawa ng tawa si Kathryn sa dalawa.

*******************************

Malalim na ang gabi pero subsob pa rin sa trabaho si Elvin, inaaral niya kasi ang mga designs na isinumite ng kanyang team kanina. Magaganda pero parang may kulang pa, may hinahanap siyang hindi niya maintindihan. Kasalukuyan siyang nag-iisip ng tumunog ang kanyang cellphone. Business phone niya ito, hindi niya pala nai-off.

“Hello.” Wala sa sariling sagot niya.

“Hi Elvin.” Napakunot noo siya. Elvin?

“Yes.” Bahagya niyang inilayo ang kanyang cellphone, hindi nakarehistro ang numero.

“Hey! Ang bilis mo namang makalimot, it’s me, Victoria.”

“Victoria?”

Napatuwid siya ng upo, nawala ang antok niya. Kaya pala parang kinikilabutan na naman ang pakiramdam niya.

“Yes, it’s me, Vickie Andrews, am I disturbing you?”

“Ha? Hello? Hello? Victor, I mean Victoria. Hello, hindi kita marinig, choppy. Krack kruck kruk! Hel-lo.” Dali-dali niyang pinutol ang tawag, nagkunwaring hindi naririnig ang kausap, dali-dali ring ini-off ang cellphone.

“Whew!”

“Sinta? Napano ka?”

“Ay chipipay na mujer na makapal ang fezlak!” Gulat na sabi niya ng biglang lumitaw si Kathryn. “Sorry, kagulat-gulat ka naman, Sintas!”

“Tama na yan, tulog na tayo.” Inaantok na sabi pa nito, hindi pinansin ang pagkagulat ni Elvin.

“Yes. Enough na, Sintas. Halika na.” Iniwan niyang nagkalat ang papeles, bukas na niya ililigpit, pero biglang bumalik at nag-iwan ng sulat sa mesa.

Inday,

Kapag ito pinakialam mo, kahit hawak lang, ina-nailcutter kita bukas!

Ang Ser mo To (wala ako sa mood)

**********************************************

Dear Readers,

Straight from my brain cells ang update, super badtrip ako, kaya pag ako hindi natuwa sa iiwan ninyong comment, kayo ang ine-nailcutter ko pag open ko ng email bukas. Namiss kong mag-iwan ng walang kawenta-kwentang  author’s note.  

Xian

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon