Pangarap lang kita

22 1 0
                                    

Pangarap Lang kita
©pinkyswear
All Rights Reserved. No to plagiarism
1/30/15

"Yuri! Pwede pa ba akong grumupo sa inyo sa MAPEH, para dun sa Music?"- Leila

"Oh, Sure! Actually Sakto ka kase kailangan namin ng Drummer"
- Wala pa kase kaming nahahanap na Drummer eh, lahat may kagrupo na

"haha Salamat"
- Sabi nya at agad naman nyang kinuha ang Phone nya

"So heres my number text mo nalang ako kung anong oras yung practice"- Leila
Kinuha ko naman yung number nya at agad sinave sa phone ko

"Sige text nalang kita"

Agad naman din na sysang nagpaalam kase maggagabi nadin at kaylangan nya ng umuwi, napagpasyahan ko na ding umuwi matapos kong ayusin yung gamit ko mag aala-sais na din kase ng gabi kaylangan ko nadin umuwi

Habang naglalakad naman ako sa Corridor ay may agad na tumawag ng pangalan ko, Nilingon ko naman ito at nakita ko si lance ang Campus Hearthrob at ang Puppy love, Crush and I guess First love ko haha lande!

"Oh Lance, Bakit?"- Kunware di ako kinikilig, hayaan nyo na kunware lang naman eh
"Eh, Yuri, Pwede pa ba akong makigrupo sa inyo dun sa Music"- Sabi nya habang medyo hinihingal hingal pa , She tang pogi nya parin kahit naliligo na sya sa pawis nya; kinuha ko naman yung phone ko para tignan kung ilan naba kami .

"Wait!"-hmmm? Whattt? Hanubanaman yannnnn,
"Sorry lance, sakto na kase kami eh, Sorry talaga"- Sabi ko pa habang nakayuko haysss sayang naman Chance nayun eh Anubayan
"Haha hindi ok lang"- sabi nya at agad bahagya nyang ginulo ang buhok ko na para bang bata ako sa paningin nya *pout* nahiya naman ako bigla kaya

"Ah eh, l-lance, una nako baka hinahanap nadin ako nila mama eh"
- sabi ko, pwede naman talaga akong magtagal pa kaso baka di nako makilala ng mga magulang ko kase iba na yung kulay ko pag nagtagal pako
"Ah ganun ba? Edi ihahatid na kita"- Pag aalok sakin ni lance omaygash Ang aga naman ata ng pamasko ko... Lam na ang Sagot

"Di pwede eh hehe, Sige bye una na ko byeee"
- sabi ko sabay takbo kala nyo naman Oo ako, edi napatay naman ako ng Tatay ko, baka akalain boyfriend ko yun, pero pwede narin ayhahah

"yurriiiii!"- narinig kong tawag nya pa saki pero di na ko lumingon baka tuluyan nakong pumayag sa gusto nyang ihatid ako eh ay haha


*Day ng presentation sa music*

"Ok Class, nung nakaraang Monday ay binigyan ko kayo ng Group Activity sa Music, I gave you 1week for your preparation, Siguro naman sapat nayun?"- Maam Dominez
"Yes maam" sagot naming lahat
"So, Ngayon, Gusto kong iprisinta nyo na sakin ang mga pinaghirapan ninyo, inaasahan ko ang 100 percent ng Cooperation nyo at 101 percent ng pagigng creative nyo, but before you all start may sasabihin sana ako sainyo"- Maam Dominez, Hayss Makikipag chismisan pa ba sya samin haha just kidding

"Diba Grinupo ko kayo sa Dalawang Grupo but hindi nyo alam kung Sino ang mga leader nyo"
Maam; Yasss alam ko yun, At ako ang Leader ng Group 1 pero hindi ko alam kung sino ang leader ng group 2 pero hindi yun alam ng mga kaklase ko haha that was Secret, ewan ko ba dyan kay maam kaartehan haha kidding again

"At sa Dalawang grupo nayun, Ay nagbigay ako ng dalawang namuno Sina Ms. Yuri Lendez at Mr. Lance Castro at ang gusto ko sana eh, pagkatapos ng Pag p-perform ng bawat dalawang grupo eh Ang kanila namang mga Leader, I mean SOLO performance ang magaganap ok?"

WHAT!? Si Lance naging leader? Ang gulo eh bat gusto nya pang sumali sa grupo ko kung may grupo naman sya? Magaling sya sa mga instruments sa music, pero sa pagkanta No Comment Ang sama ko haysss, Magaling naman akong kumanta may banda kase talaga ako dito sa School at sikat naman yun, Pero Ang napagusapan kase namin ni maam yung mga leader ng mga grupo eh sila yung magiging lead vocalist pero pano sila lance? Im just Concern,

Pangarap lang kitaWhere stories live. Discover now