February 1
Morisette's POV
Titig na titig ako sa freedom board na nasa harap ko .Love month na pala at bilang pakikiisa ng student council ay naglagay sila ng bulletin board,where you can post anything especially about love.
"Ui Morisette ! Wag mong sabihin na mgpopost ka rin dyan ?!?"
Nasa likod ko na pala ang bestfriend ko simula pagkabata si Rafael
" oh! Bakit naman anong masama !?!?"
Kunot noo kong tanong sa kanya"
"Nakukulangan ka pa ba sa facebook .??.ang corny naman niyan"
"Ay nako!,corny ako ..ikaw kj!"
Kahit ganon ang sinabi niya sakin ,kumuha pa rin ako ng sticky note sa bag ko at nagsulat.
After ko masulat ay agad ko itong idinikit.
"Ha??ano naman yang sinulat mo ??ampalaya festival dis february...from missmonday..sabi sabi ka sakin na ako kj ,yun pala ikaw bitter..hahaha..bitter ka pa din sa ultimate crush mo na may gf na ngayon !!hahaha"
Pang aasar pa niya sakin
"Hay naku!!di ko alam pano kita naging bestfriend !!eh wala ka naman alam kundi asarin ako!!"
"Magpasalamat ka na lang kamo at my bestfriend kang gwapo!"
Kinindatan niya pa ko ..habang sabay kami naglalakad sa hallway.
"Iwwwww!!!"
"At bakit missmonday?"
"Simple lang dahil monday ngayon"
Tawa tawa lang siya at inakbayan ako.Inalis ko naman..Ginulo niya naman ang buhok!sabay takbo
Tss tagal ko inayos to !!!grrrr!!!Nagpapadyak ako habang sinusundan sya ng tingin.
February 2
Napadaan ako sa hallway kung nasan ang freedom board,inutusan kasi ako ng Prof. Namin.Napatigil at nagbasa basa ng konti ng biglang my napansin ako,hmmmmm...teka parang may sumagot sa note ko ha.
@missmonday Ampalaya festival??pwede namang hindi :) from mr.hunk
Haha..natawa naman ako ..mr. hunk talaga ...sino kayo to..
Kinuha ko ulit ung sticky note ko at nagsulat
@mr. Hunk..hunk ba talaga??LoL!
Missmonday
Naiiling na lang ako pagkatapos ko idikit yon.Natatawa na rin sa sarili ko dahil pinatulan ko yon.
After klase ko ay agad akong nagtext kay Rafael.
>ui best!san ka??<
Agad naman itong nagreply
>Dito sa fave. Place natin<
Pagkabasa ko nun ay tumungo na ko sa tambayan namin.
Naabutan ko siyang nakaupo at nagbabasa.Di niyo natatanong matalino ang bestfriend ko..naku lalo sa math kaya wagas din akong mangopya sa kanya mula elem.hehe
Dahan dahan akong lumapit gusto ko syang gulatin,malapit na ko ng bigla syang nagsalita
"Morisette wag mo ng tangkain,di ka magtatagumpay nakita na kita."
Nakaharap pa rin siya sa libro
"Tsk!ano ba yan ...!!
Padabog naman ako umupo patabi sa kanya.
"Anong subject ka na naman nahihirapan?"
Tanong niya agad sakin
"Grabe ka naman sakin best!!feeling mo may kaylangan agad??agad agad???"
"Siguro nagugutom ka??himala kasi na nagtext ka kagad pagkatapos ng klase mo,wala ka atang chika minute sa mga kaklase mo??"
"Oy! Sobra ka na ha!!may sasabihin lang naman ako sayo!!"
saka ako parang pusa na humilig sa balikat niya.malambing kami sa isa't isa ..pero wagas din mag asaran at malaitan
"Ano yon??kinakabahan ako??"
Hinampas ko siya sa braso
"Ano kasi !nakakatawa kasi may nagreply sa note ko sa freedom board!"
"Oh tapos?"
"Nakakatawa kasi mr.hunk yung ginamit niyang code name!"
"Ahhh"
Walang kagana ganang sagot ni Rafael sabay bumalik na sa pagbabasa
"Nako!kaasar ka talaga kwentuhan..wala man lang kaemosyon emosyon!!"
Sabay walk out ako
Maya maya lang nakasunod na siya sakin at nagsalita.
"Tara kaen muna tayo" sabay hila sakin
Hayyy..alam na alam niya talaga pano mawala toyo ko..haha ..pagkaen lang ..ang saya kaya libre eh..!haha
![STICKY LOVE[completed]](https://img.wattpad.com/cover/32543829-64-k988547.jpg)