Prologue

4 0 0
                                        


Nagmamadali akong naglakad papunta sa parking lot dahil baka maabutan ako ng traffic papuntang hospital. Bitbit and white coat at stethoscope ko, binuksan ko ang sasakyan at agad pumasok. Pinaandar ko na to at dumaan munang coffee shop para bumili ng agahan.

"Shit!", ngayon pa umulan at wala akong payong, wala akong ibang magawa kundi lusungin ang ulan at tumakb ng mabilis. Binati ako ng mga nurse at guard ng pumasok ako sa surgical wing ng hospital. Nag bihis muna ako ng scrubs at sinuot ang white coat at stethoscope sa leeg ko.

Nag-simula na ako mag rounds, "Replace IV drip with 0.45 normal saline," utos ko sa nurse bago lumabas at tinapos ang morning rounds ko. Pumasok na ako sa office ko at kinain ang malamig ng breakfast na binili ko.

*beep beep* tumunog ang pager ko, senyales na may pasyenteng kailangan ang atensyon ko. Agad-agad akong bumaba sa emergency wing at ginamot ang mga pasyengteng may iniinda. "Page Dr. Suarez, head of neurosurgery" utos ko sa resident ko na nanonood at naghihintay ng utos ko, napatalon siya at ginawa ang utos ko.

Nang maayos na ang lahat, nag afternoon rounds naman ako, pagod na. Umupo ako sa bench sa hallway, "Pagod yarn", umupo si Ry sa tabi ko, at inabot sakin ang iniinom niyang strawberry milk, uminom naman ako. "uso pahinga the, di lang naman ikaw attendee noh." Singhal niya, napakasungit naman nito.

"Dala mo kotse mo?" tanong niya na tinanguan ko nalang, pagod. Hinila niya ko papuntang parking lot, pauwi na ng may nabangga ako, sa lakas nito, nalaglag ang stethoscope ko. Pinulot niya ito at inabot sakin, tumigil ang paghinga ko, nanlamig ang katawan ko at tumitig sakanya. 12 years, 12 years na mula ng huli ko siyang nakita. My first love, my first heartbreak.

Nagtama ang mata naming, ngumisi siya, "Long time no see, Ara. Ms. Or Mrs?" natauhan ako at nilagay ang stethoscope sa leeg ko at sinagot siya, "Doctor."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 10, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Enigmatic EndingsWhere stories live. Discover now