Chapter 24: She's Mine

Start from the beginning
                                    


Napapikit na lang ako ng mariin. Kasalanan ko ito. 


"There you admit it," Xander uttered while chuckling.


"Hindi mo alam kung gaano ko kamahal si Klay," Putol na saad ni Xander. Binalot ng kalungkutan ang buong boses niya. Napalunok na lang ako ng laway. I'm really sorry Xander. "Okay. This is enough." Xander added at napahilot sa sentido niya. 


"I plan to marry her"


Mas lalong nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig. Xero, papakasalan mo ako? Wah. It means gusto niya talaga ako? Bigla na lang uminit ang buong mukha ko. Ba't parang kinikilig ako?


"What?" Hindi makapaniwalang tanong ni Xander kay Xero.


Nakangiti naman akong nilingon ni Xero, ang ganda ng mga ngiti niya nakaka-inlove. "Klay, what do you think?" He asked me. Bigla naman akong kinabahan, is this for real? 

"A-Ano?" Gusto kong ulitin ang sinabi niya kanina. Gusto kong marinig ulit ang mga katagang iyon. "Will you marry me?" Hindi nagdadalawang-isip na tanong ni Xero sa'kin habang panay ang tingin niya sa'kin sa rear view.

Napalunok ulit ako ng laway. Nandito si Xander..ayokong marinig niya ang sagot ko. Pero gaya nga ng sinabi sa'kin ni Xero na mas mabuti pang masaktan ang kapatid niya sa katotohan kaysa magiging masaya sa kasungalingan.

"Yes or no?" Xero asked me again.

"Y-Yes" Sagot ko. 

After i answered him, naging tahimik na si Xander. I'm really sorry, ayokong masaktan ka Xander. Mas mabuti pa sigurong mapagtanto mong wala ka ng pag-asa sa'kin.

***End of Flashback***


"England?" Takang tanong ko kay Xero. He nodded at me, "Kailangan mong sumama sa'kin okay?" He said. Napatango naman ako. Teka, paano na sina Saira? Si lola Hilda? Ayoko silang iwan. Bumibigat ang pakiramdam ko. Kailangan ni lola ng gamot, kailangan niya ng suporta ko. Fine. Kailangan ko munang pag-isipan ng maayos 'to.


***


"Kawawa naman si Sir Xander..akala mo naman kung gaano kaganda ang babaeng 'yan."


"Oo nga, siguro..pera lang ang habol ng hipokrita na 'yan sa mga Fortesque."


"Ang bata-bata pa pero hindi marunong makuntento..naku!"


I swallowed my pride. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa flower vase. Pababa ako ngayon ng hagdan. Sari't saring bulungan ang naririnig ko. Kaunti na lang talaga at maubos na itong pasensya ko. Hindi ako mukhang pera. Masyado na bang mataas ang tingin ko sa sarili ko?

Oo, inamin kong pumayag ako sa kasunduan ni Xander noon pero hindi ko kagustuhan 'yon. He force me. Pinilit niya ako sa mga bagay na ayokong gawin. In the first place, hindi naman talaga ako interesado sa kaniya. Nasasaktan siya ngayon dahil lamang sa mga kinagagawan niya.

"Balita kong hindi na dito titira si Sir Xander." Napahinto ako nang marinig ko ang isa sa mga kasamahan kong katulong. Ano? 

"Tama..tama 'yan din ang naririnig ko. At ang mas malala pa ay hindi na siya babalik dito." Dagdag ng isa ko pang kasamahan. Biglang nanghina ang buong katawan ko.

Fortesque's Obsession Where stories live. Discover now