Prologue

16 8 3
                                    


'June 11,2010'
*Elyss is 10 y/o

"Anong ginawa mo?!"

"N-nay w-wala po"

"Bakit nasunog yung bahay?!!!"
Alog sakin ni nanay habang galit na galit na naka-tingin saakin.

"M-may mga l-lalaki pong pumasok sa bahay tapos hinahanap po si tito"
Nauutal na paliwanag ko dahil sa nangyari.

"Nay.. tama na ho, walang kasalanan si Elyss dito."
Pahinahon ni Panong kay nanay sabay kuha sa braso ko at niyakap niya ako ng mahigpit. Yumakap ako pabalik at nginitian siya.

"Wala nga ba?"
Nagsususpetiyang tanong ni nanay habang naka-tingin saakin.
Hindi nalang kami umimik at tinitigan nalang ang bahay naming nasusunog.

Wala na..wala na ang mga alaalang naiwan namin sa bahay na iyon, hindi ko manlang naisipan na iligtas ang mga gamit namin nang biglang magkasunog. Ang ipinagtataka ko lang.. bakit itong diary ko lang ang naisipan kong iligtas? Ni pati mga gamit ko sa eskwela eh hindi ko nailigtas, pati na ang mga litrato namin nila mama.. hindi rin.

; March 3 2016

"Lis! Ycia! Bangon na diyan!"
Malakas na sigaw ni tita habang kumakatok sa pinto ng kwarto namin ni Alicia.

"Opo."
Sagot ko habang nag-tutupi ng kumot na ginamit ko. Tinignan ko naman ang katapat ko na si Alicia.

"Nag-puyat nanaman ata to eh."
Bulong ko sa sarili ko at tumayo na para gisingin si Alicia.

"Huy.. gising na"
Alog ko sakaniya sabay tanggal ng kumot sakaniya.

"Anong oras na?"
Mahinang tanong niya sakin habang nag-uunat.

Tinignan ko naman ang wall clock na nasa gilid namin.
"6:00. Labas na ako."
Paalam ko sakanya at tumango naman siya sabay bangon na rin. Lumabas na ako sa kwarto namin at nakita si Panong na kakalabas lang ng banyo habang pinapatuyo ang buhok niyang basa.

"Oh, gising ka na pala. Iiwan na sana kita eh."
Ngisi niya at dumiretso na sa kwarto nila ni Kuya Patrick.

"Jeez.. anyari don? Umagang umaga ngumingisi eh."
Bulong ko sa sarili ko sabay suot ng tsinelas ng pang banyo at lumoob na.

"Ay--teka naiwan ko twalya ko."
At lumabas ulit ako ng banyo sabay punta sa kwarto namin ni Alicia.

"Akala ko nakaligo ka na."
Sabi sakin ni Alicia habang nag aayos ng uniform niya.

"Ahh-- hehe.. ano kase..naiwan ko tuwalya ko."
Sabi ko sakanya sabay kuha ng tuwalya ko at kamot batok na lumabas ng kwarto.

Pumunta na agad ako sa banyo at naligo na. Pagkatapos ay lumabas na ako ng naka tuwalya lang. Tumakbo ako agad sa kwarto namin ni Alicia para walang makakita saakin, mahirap na baka makita yung maputi kong balat. Charot.

Pagkapasok ko sa kwarto ay wala akong naabutang tao.
"Kumain na ata sila."
Bulong ko sa sarili ko habang nagaapurang mag-bihis. Pagkatapos ay nag suklay na ako at lumabas na ng kwarto.

Dumiretso ako sa kusina at naabutan sina Alicia, Panong, at Tita na patapos nang kumain.
"Kain na Elyss."
Aya ni tita at tumango lang ako.

Kumuha na ako ng plato at nag sandok na ng pagkain.
"Ikaw na sunod hehe."
Bulong ko kay Alicia sabay upo sa tabi niya. Tumango lang naman siya sabay subo ulit ng pagkain.

Their Unique Love StoryWhere stories live. Discover now