Chapter 41: The Coronation II

Start from the beginning
                                    

Makalipas ang halos dalawang minuto na nakaluhod ang mga tao ay dahan dahan lumapit sa akin ang Head Priest dala ang Royal Robe na kumikinang pa ang laylayan. Tumayo ako at humakbang ng dalawa palayo sa kinauupuan ko, marahan niyang inilagay sa balikat ko ang Royal Robe na iyon. May ilang salita siyang sinambit na hindi ko rin naintindihan masyado. 

Pagkuway ay hawak na niya ang orb at scepter na kapwa kulay ginto, habang iniaabot niya sa akin ang dalawang bagay na iyon ay may mga sinambit pa siya na halos hindi ko rin alam kung ano ang ibig sabihin, sa pagkakaintindi ko sumisimbolo iyon as Ruler and Sovereign. 

Bumalik ako sa pagkakaupo gayundin ang mga tao na nasa harap ng altar. Hawak na ng Head Priest ang Royal Crown, that represents Power, Legitimacy, Victory, Triumph, Honor, Dignity and Glory. Huminga ako ng malalim sa mga sandaling iyon. Hindi ko maigalaw ang aking kamay, paa, maging ang pagkurap dahil sa tensyon na nararamdaman ko sa mga oras na iyon.

"I bestow this crown with pleasure. God crown you with a crown of glory and righteousness, that having faith and manifold fruit of good works, you may obtain the crown of an everlasting kingdom by the gift of Him whose kingdom endure it forever. To this the guest, with heads we bowed." Dahan dahan niyang inilagay sa aking ulo ang korona, hindi ko magawang kumurap sa mga sandaling iyon. Nakatingin lang ako ng diretso sa mga taong naghihintay na lumapat sa ulo ko ang korona. 

Nang maramdaman ko ang korona ay narinig ko ang malakas na palakpakan mula sa mga taong nakatingin ang mga mata sa aking kinaroroonan.

Pagkuway ay tumayo na ako gayundin ang lahat ng naririto sa function hall. Sabay sabay silang lumuhod.

"Hail to our new Ruler of this country!" 

"Hail to Her Royal Highness!"

"Hail to the Grand Princess of Rallnedia!" Umaalingaw ngaw sa aking tainga ang mga salitang iyon mula sa mga taong nadirito ngayong gabi. 

Sabay sabay silang tumayo at yumuko sa aking harapan bilang paggalang.

Ito na 'yon Dia, ang kinatatakutan mo sa lahat. Ngayong gabi ako ay ganap ng Prinsesa ng bansang ito.  Hindi ko na maibabalik ang mga sandaling ito, at bukas na bukas kakaharapin ko na ang lahat ng problema ng bansang ito. Hindi ko alam kung sino sa mga taong ito ang pagkakatiwalaan ko, hindi ko masasabi kung sino ang may mabuti at may masamang intensyon. Hindi maiiwasan ang ganoong bagay pero hindi ko hahayaan na mawala lang na parang bula ang pinili kong desisyon. Kung anuman ang kakaharapin ko ay nasa kamay ko maging ng mga Noble na itatalaga ko sa aking kapangyarihan bilang kauna unahang Prinsesa ng bansang ito. Hindi pa ako handa sa darating na bukas ngunit sigurado na ako na hindi ko bibiguin ang mga salitang nabasa ko sa letter na iyon. 

Noong una ay nahirapan ako na pumili kung mananatili ba ako sa Gemolis City o babalik dito sa Rallnedia. Ngunit ng mabasa ko ang mga nakatala sa white envelope na ibinigay sa akin ni Doctor Sylvia ay naliwanagan ako, nagka-idea, nagkaroon ng dahilan upang bumalik dito sa bansang ito. Ngayong gabi ay namamaalam na ako sa pangalan ko bilang Diala Madrigal, ang babaeng lumaki sa lugar na simple lang ang pamumuhay, ang babaeng maarte sa paningin ng karamihan at ang babaeng mahina pagdating sa emosyonal na bagay. Bukas na bukas ako na si Gissela Dialaldi Rosales Wayler, Grand Princess ng Rallnedia. Ang babaeng hindi susuko, may paninindigan, dignidad, matapang, may kumpeyansya sa sarili, limitadong kabutihan, at higit sa lahat ang babaeng hindi iiwan ang responsibilidad.

.

.

.

Someone's POV

"At bilang pagtatapos ng koronasyon. Bukas na bukas  may bago kang kakaharapin, hindi lang diyan sa Rallnedia maging dito sa Pilipinas." Napahawak ako ng mahigpit sa cellphone ko ng banggitin iyon ni Maxryen. 

Hindi pwede Maxryen. Huwag mong sabihin sa akin na ilalabas mo sa publiko ang lahat ng ito. Hindi ako papayag, hindi.

"Aria may cup noddles pa diba sa inyo?"

"I'm sorry Maxryen pero uuwi ngayong gabi si Papa. Hindi naman sa ayaw kitang patulugin sa amin, pero ayaw ko lang makipagsagutan sa kanya ngayon."

"Ganun ba? Bakit hindi mo sinabi agad?" Sinabi ko sa'yo pero hindi mo narinig. Tanga ka kasi, no ako pala ang tanga. Masyado akong nagpakatanga sa'yo. 

"Sige kina SJ na lang ako tutulog. Basta bukas ng alas otso ng umaga iupload mo agad ang videong ito, okay?" 

"Sigurado ka ba dito? Hindi ka ba natatakot na baka mahuli kayo?"

"Anong kayo? Tayo. Kasama ka dito Aria, pero huwag kang mag-alala hindi tayo mahuhuli kung walang leak ang videos, okay? Kaya pagbutihin mo ang pag-aupload nito bukas, ikaw lang ang may copy nito, sa'yo nakapangalan ang lahat ng credits kaya ingatan mong mabuti."

"Okay, sige aalis na ako." Kinuha ko ang shoulder bag sa may sofa bago lisan ang lugar na iyon.

"Ihahatid ba kita o kaya mo ng umuwi mag-isa?" Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ang tanong niyang iyon.

"Ayos lang ba sa---

"Max hindi ka ba sasabay sa akin?!"

"Wait lang SJ! Sige ingat ka sa pag-uwi. Bukas ha? Iupload mo ng ayos, bye." Hinalikan niya pa ako sa noo bago umalis kasabay ni SJ na nakasakay na sa motor.

"Aria inform mo ako bukas kapag naiupload mo na ang video at ng article! Ingat!" Kumuway ako sa dalawang lalaki na parehong nakasakay sa motor.

Mga wala kayong kwenta, sino kayo para sundin ko? Sino kayo para utusan ako? Lahat ng gusto niyo ginawa ko, lalo ka na Maxryen. Akala ko lahat ng mga sinabi mo sa akin totoo, ngunit puro mga kasinungalingan lang pala. Pinagmukha mo akong tanga.

.

.

.

"Aria bakit gabi ka na?" Salubong na tanong sa akin ni Papa.

"Overtime po ako ngayon sa trabaho Pa. Pasensya na po hindi ako nagsabi sa inyo." Hindi ko pa naibababa ang dala kong bag nang lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"May problema ba sa trabaho mo?"

"Wala naman po Pa. Pagod lang po ako." 

"Ganun ba? Kumain ka na ba?"

"Yes po."

"Ihahatid na kita sa kuwarto mo, magpahinga ka na rin." Napangiti na lang ako sa pag-aalala ni Papa sa akin.

Pasensya na Pa. Kailangan ko munang itago sa'yo kung ano ang pinagkakaabalahan ko sa buhay.

Unexpected RoyalWhere stories live. Discover now