Chapter Thirty-Seven (F.E.A.R.S)

Start from the beginning
                                    

"Huwag kang mag-alala hindi ka namin sasaktan, may mga itatanong lang kami sa'yo," pahayag na naman ng lalaking nasa pintuan. Lumapit ito sa kanyang kama kung saan siya nakarating habang pumipiglas kanina.

"Sino kayo? Kunin niyo na lahat ng gusto niyong kunin, huwag niyo lang kaming sasaktan ng pamilya ko, parang awa niyo na," mangiyak ngiyak na pagmamakaawa niya.

"Hindi ka namin sasaktan, sagutin mo lang ang itatanong namin sa'yo," kalmado pa rin ang lalaki.

"Hindi ako miyembro ng drug syndicate o kaya ng mafia, simpleng magandang babae lang ako,"

Hindi siya nito pinansin bagkus ay may kinuha itong papel sa suot nitong coat, "Kung gayon saan nanggaling ang mga deposit na pumapasok sa iyong account?"

Nanlaki ang kanyang mga mata, "Sino ba talaga kayo?"

"Isa akong forensic accountant ng F.E.A.R.S, kami ang nag-iimbestiga ng mga irregularities sa mga electronic transfer especially kapag ang transfer ay hindi malaman kung saan nanggagaling,"

"Ano ulit F.E.A.R.S, ano 'yon? Parang wala namang ganyang organization sa mundo,"

"Kami ang nagmomonitor ng mga kakaibang pangyayari rito sa mundo, lalo na 'yong mga extraterrestrial phenomenon,"

Kinabahan siyang bigla, "Extra what? Wala akong alam sa mga ganyang bagay," pagsisinungaling niya.

"Of course you do, nasaan na pala ang kaibigan mong si Abenido Legarda?" tiningnan siya nito sa mga mata. Ngayon lang niya napansin na mga amerikano pala ang mga ito.

"Nasa ibang bansa, nagtatrabaho," pagsisinungaling niya ulit. "Ang galing niyo namang managalog, Fil-Am ba kayo?" pilit niyang iniiba ang usapan.

Ngumiti ito, "No, special agent kami, iba't iba ang alam naming language, pero h'wag mong ilayo ang usapan, saang bansa naroon ang kaibigan mo,"

"Ano bang kasalanan ng kaibigan ko?"

"Wala naman, malakas lang ang hinala namin na wala siya rito sa earth,"

Hindi siya nagsalita, ayaw niyang may makuha itong impormasyon sa kanya. Ano kayang intensiyon ng mga ito? Bakit gusto nilang malaman ang tungkol sa whereabouts ng kanyang kaibigan? Naniniwala rin ba ang mga ito sa alien? At ano nga ulit ang organization ng mga ito? F.E.A.R.S parang S.H.I.E.L.D lang katulad ng sa mga marvel comics na pinapanood ng kapatid niya.

"Si Nick Fury ka ba?" wala sa isip niyang tanong dito, parati niya kasing naririnig iyon sa kapatid niya na gusto raw nitong maging agent ng S.H.I.E.L.D na pinamumunuan ni Nick Fury.

"Para sa isang babae na katulad mo hindi ko akalain na mahilig ka sa mga superhero movies subalit nagtatagal lamang tayo sabihin mo na sa amin kung nasaan ang kaibigan mo,"

"Hindi ko alam, kung alam ko man, hindi ko sasabihin sa inyo, kung mga agent nga kayo, bakit hindi niyo na lang hanapin, ipahanap niyo kay Iron Man o kaya kay Thor, wala kayong mapapala sa akin," lalapitan sana siya ng kasamahan ng nagtatanong sa kanya pero pinigil nito iyon.

"Celeste, hindi ka namin pipilitin sa ngayon pero ito ang tandaan mo, mag-ingat ka dahil babantayan namin lahat ng kilos mo, aalamin din namin kung sino ang nagfufund ng mga account mo, mukhang may mga taong tumutulong sa mga alien na pumupunta rito sa mundo,"

"Naguguluhan ako sa inyo, bakit sinasabi niyo sa akin ang mga gagawin niyo, natural na mag-iingat na ako dahil sinabi niyo, hindi talaga iyon ang sadya niyo, alam kong may malalim pa kayong dahilan,"

"I like witty girl," kinindatan siya nito at umalis na lang bigla.

Napanganga siya sa mga sinabi nito. Hindi pa rin siya makapagreact kahit wala na ang lalaki sa harap niya. Dumaan ang mga ito sa kanyang bintana.

"Abby, umuwi ka na," hindi niya akalain na mayroon pala talagang mga nilalang na nagmomonitor ng mga kakaibang phenomena rito sa earth. Ang akala niya ay sa mga movies lamang may gan'on.

Kaya pala hindi nagbibigay sila Philcan ng kahit na anumang impormasyon tungkol sa kanila para protektahan na rin siya at ang kanyang kaibigan sa mga taong p'wedeng manakit makuha lang ang gusto ng mga ito.

_____

Bonus Scene

(Nagpapabalik-balik si Celeste sa kanilang sala)

Kapatid: (Nagkamot sa ulo) Ate! Ano bang ginagawa mo?! Kung naiihi ka nand'on ang cr! Nahihilo ako sayo eh!

Celeste: (Naka kunot-noong tumingin sa kapatid)

Kapatid: Bakit?

Celeste: Uy bagito! diba mahilig ka sa mga agent agent na 'yan sa mga movies na napapanood mo?

Kapatid: Oh eh ano naman!

Celeste: (Pinalo sa braso) Umayos ka! Kinakausap kita ng maayos!

Kapatid: Ano bang gusto mong malaman? Ang weird mo talaga ate, kagabi ka pa ganyan.

Celeste: Weird na kung weird, totoo ba 'yong sinasabi mo dati 'yong tungkol sa S.H.I.E.L.D ba 'yon? Sa tingin mo meron kayang katulad ng gan'on sa totoong buhay?

Kapatid: (Ito naman ang kumunot ang noo at nakataas din ang isang kilay)

Celeste: Ano! Sagutin mo ako! Tingin mo?

Kapatid: Kahit naweweirdohan ako sa'yo ngayon sasagutin ko pa rin 'yan, alam mo ate base sa napakatalino mong kapatid at ubod ng pogi may mga conspiracy theory na mayroon daw na organization dito sa mundo na katulad ng S.H.I.E.L.D, marami ngang lumabas na mga pangalan, sabi ng kaibigan kong si google, sikat daw 'yong mga acronym na A.R.M.O.R, H.AM.M.E.R, S.T.R.I.K.E pero ang pinakapopular eh 'yong F.E.A.R.S, maraming nagsasabi na totoo raw iyon.

Celeste: (Natigilan) ano 'yong sinabi mong huli?

Kapatid: F.E.A.R.S stands for Federation of Extraterrestrial Altered-reality Research and Study

Celeste: (Nanlaki ang mata at napanganga)

Kapatid: Ano ate?! bilib ka na sa kahenyohan ng pogi mong kapatid?!

Celeste: (Niyakap ang kapatid ng mahigpit)

Kapatid: Ate! magpacheck-up ka na! malala na 'yan! promise!

Celeste: (Binatukan ang kapatid) Che!

My Alien Soulmate (boyxboy) [COMPLETED]Where stories live. Discover now