Ang una at huling chapter

71 0 0
                                    

Filipino 40 (WFR3)

Lee, Wynzyleen L.

23384

Isang araw, may tatlong lalaki desedidong umihi sa harap ng pader.

Ito ang kwento nila.

GUY 1 (Juan)

Hay. Grabe. Ganda talaga ni Baby. Shucks! Ang sexy niya! Kailan kaya niya ako sasagutin??? Kailan kaya niya iiwan yung jowa niya ngayon? Sabi niya pagkatapos niya ng project niya this month. Pero tapos na ah wala pa rin akong naririnig! Tapos di pa niya sinasagot yung phone niya! Ano nanaman dahilan kaya niya ngayon? Kakabigay ko lang siya ng bagong iphone ah! May load naman siya!

Hay. Baka busy talaga. Sabi niya sa akin sobrang hirap dawn g bagong client na nakaassign sa kanya ngayon eh. Ano ul- PUTIK! BOYFRIEND NI BABY ‘TONG KATABI KO!!! PAANO NA!!!!! HALA, HALA, HALA! Tapos di pa rin akong tapos umihi!!!! Patay!!! Mukhang bad trip pa naman mukha niya… Baka kung inunahan ko siya, di niya ko bubugbugin! Sige… Pero, teka! Paano kung magalit siya na nakipagbreak si Baby sa kanya???? OH CRAP…. Hindi, hindi. Kaya mo ‘to, Juan! Ikaw yung pinili ni Baby. Wala siya magagawa! Ayusin mo lang ‘to. Sige. Go na. Alam mo kailangan mo magsorry…. Sana marinig lang niya ko… Ang ingay kasi ng isa dun. Kanta kanta pa ng Taylor Swift, mali-mali naman ang lyrics….

 

GUY 2 (Julio)

Haaay. Paano na ‘to? Kailangan ko talaga makakuha ng trabaho. Tatlog buwan na ko walang matinong sweldo. Kung nalamn ni Baby ‘to, sigurado makikipagbreak sa akin yun! Lalo na kung nakita niya ko nakasuot ng ganito! Buti na lang busy siya these days sa trabaho kaya di pa niya ko pinagiinitan!

Kasi naman si Pedro eh. Sabi ko sa kanya wag niyang ipagtawanan si boss ng ganun. Tuloy, nahuli tapos nadamay pa ko!

Hay nako. Tapos ngayon naiihi pa ko. Hay. Maghanap nga ko ng CR. Pwes! Wag na! Dito na lang ako sa pader. Sa bagay, di lang naman ako iihi eh.

Hay. Maging actor kaya ako. Sige. Try ko! Easy money yan! Kahit extra lang sa TV series. Magaudition ako para sa yung parte ng lalalki na palaging tumatawa. Try ko nga….

GUY 3 (Danny)

Hmm… Ito pala yung feeling umihi sa pader… First time ko ‘to ah! Grabe, hot talaga si Taylor Swift! Ang galing pa niyang kumanta! Welcome to New York! It’s been waiting for you! Welcome to New York; welcome to New York! Welcome to New York! Welcome – ay. Sino ‘to? Ang dami palang mahilig umihi sa pader na ‘to!

Shucks! Ang galing mo, Danny! Kung saan ka pang umihi, dun ka pa sa pinakang sikat na ihian! Galing mo! Kailan kaya darating sila Josh? Sabi nila umihi ako hanggang dumating sila, eh, nakalipas na ng ten minutes… Sige! Bahala na! Bagalan ko na lang umihi! Kanta na lang ako ng Taylor para di boring….

“Uy, Brad, sana wala kang nararamdam nagalit sa akin-

“Screaming, crying, perfect storm! I can make all the tables turn!”

 “...dahil pinili ako ni Baby at hindi ikaw.”

“Oh my god, who is she?! I get drunk on jealousy!”

“... Alam ko naman na minahal mo siya ng totoo, pero mahal ko rin siya- “

“NIGHTMARE DRESSED LIKE A DAYDREAM!”

“... at alam ko rin na mahal niya ak–“

“GO DOWN IN FLAMES!”

“BWAHAHAHAHAHAHAHA!!! HAHAHAHAHAHAHAAH!!!”

Ito ang dahilan kung bakit nung dumaan si Sir Andrada at marami pang iba, di nila maisip kung bakit iba ang pattern ng ihi ng tatlong walang magawa.

Isip-isipWhere stories live. Discover now