Chapter 1

18 1 0
                                    

Shwyn's POV

basketball court

Tumunog ang bell kung nasaan ang kinaroroonan ng track and field, sign na natapos na ang laro nila.

Papunta ako ngayon sa basketball court para dalhin ang mga mineral water ng basketball players, kasama ko si Carlos ang kaibigan kong bakla. Siya naman talaga dahilan kung bakit kami nagdedeliver ng tubig sa mga players.

Agad nagtinginan ang mga players sa pagdating namin. Of course hindi mawala ang pagbibiro ng bb players ng school namin saamin ni Carlos, magkakilala naman kami. Inabot kaagad ni Carlos ang tubig para kay Kobie, crush niya na crush ako.

Kumindat ito saakin and I rolled my eyes. Pinagpatuloy ko ang pagbibigay ng tubig sa ibang players ng ibang school.

"Si Shwyn, hindi na ako pinapansin. Parang hindi nag I miss you too sa'kin noon," pagbibiro ni Kobie.

Malakas na tumawa ang mga kaibigan niya, nakitawa naman 'tong si Carlos na pinagigitnaan na ni Joven at Gerald. Nagca-catcall naman ang iba. I raised my middle finger at them.

"Tubig. Tubig. Tubig. Tubig." Nasa panghulihan na sana ako na player nang maubusan ito. Tumitig ako sakaniya at ngumiti, "teka, babalikan kita kukuha lang ako ulit".

Tumakbo ako pabalik kay Carlos na malanding nakikipagkuwentuhan sa mga boys. "Hoy, may tubig ka pa riyan?"

"Ako, Shwyn. Share na tayo oh," pangungulit ulit ni Kobie. I rolled my eyes at him.

"Wala na bakla. Bakit, kulang?" Pinakita ni Carlos ang ice box niya na walang laman.
Tumango ako at umalis para kumuha ng bago.

Nang makabalik ay inilibot ko ang paningin ko para hanapin 'yong player na hindi ko pa nabibigyan. He's medyo chinito, maputi, matangos ilong at perfect ang lips niya.  Napailing ako sa naiisip ko. Agad ako lumapit nang makita ko siya, he's talking to his teammates.

Tinap ko ang balikat niya, napatigil tuloy sila pag-uusap. Inabot ko sakaniya ang tubig. Tumayo siya at ngumiti ng matamis sa akin, "Thank you." Ang tangkad niya! Hanggang tenga lang ata niya ako.

Infairness, cute niya. Tumango lang ako sakaniya at bumalik kina Carlos. Ngayon ay minamassage niya na si Chris. Landi talaga neto.

"Shwyn, pizza ka ba?" Panggugulo ulit ni Kobie sa'kin. "Crust kasi kita eh!"
Tinawanan naman siya ng mga kaibigan niyang mga kumag. Kung makasupport kala mo naman hindi bulok yung joke ng kaibigan.

"Bakit. Ikaw, halimaw ka ba?" Tanong ko pabalik.

"Hehe hindi, pero bakit?" Todo ngiti siyang naghihintay sa banat ko para sakaniya.

"Anong bakit? Dapat oo!" Inilagay niya yung isang kamay niya sa may heart niya at kunwaring nasasaktan ito.

"Oooooooh!"

"HAHAHAHAHA"

Nagtawanan mga kaibigan niya.

"Shwyn, kapag na shoot mo ito sasapakin ko na si Kobie," nagulat ako sa pagdating ni Gaten. Nakatayo siya malayo sa basketball ring at may hawak na bola.

"Hahaha sus, asa pa!" Kobie, underestimated me.

"Okay, sure" lumapit ako kay Gaten at pinasa niya naman sa'kin ang bola.

"Watch and learn, Kobie" sabi ni Gaten kay Kobie na walang tiwala.

Nagposition ako at humihiling na sana makisang-ayon ang bola kahit ngayon lang. Tumingin ako kay Kobie na agad nag-thumbs down.

I throw the ball and luckily nagshoot ito sa basketball ring. Agad akong chineer ng mga players lalo na yung mga nakikinood lang sa kulitan namin. Naki-high five naman si Gaten sa'kin na ngayon ay papunta na kay Kobie.

"Oh, paano ba 'yan bro. Masyado mong ina-underestimate si Shwyn," ano ba yan si Gaten! Nanadya ba 'yan, kinikilig ako sakaniya. Gosh.

"Weeeeh! Ulitin mo nga Shwyn, chamba lang 'yon eh," sumang-ayon naman sakaniya mga kaibigan niyang kumag. I raised my right brow at them.

I shrugged at kinuha ang bola. Mas lumayo pa ako sa pwesto ko kanina. Eyes on target. Tap tap sa bola then I throw the ball with my right hand only. Nagshoot ulit ito.

Mas lumakas cheer nila at pinagtulungan nilang upakan si Kobie. Lumapit sa'kin si Gaten.

"Hinahanap ka nila, Andrea. Tara" sabi niya sa'kin.
Muli niyang nilingon si Kobie na gulong-gulo na ang itsura. "May utang ka pa ah," inakbayan niya ako at umalis na kami.

When I Met Raden ColtWhere stories live. Discover now