Prologue

1.1M 20.7K 6.8K
                                    

There's a huge mansion sitting on top of the mountain, eerily surrounded by dark fog. The moonlight shone down and the shadow of the haunted-looking place covered the land before it. No matter how many times you look at it, it's not a good idea to roam around in this kind of place. No one would know what kind of strange things they'll see in this area.

"Young Master, sigurado po ba kayong tama ang naging desisyon ninyo na makihalubilo sa mga tao?" tanong ng isang butler habang sinasalinan niya ng pulang likido ang kupitang hawak ng kaniyang pinagsisilbihan.

"I've never been this sure in my entire life," sagot niya. "Humans are interesting; don't you think? Especially the girl that I've met today."

"Of course, Mr. Walker," magalang na sagot ng butler sa kaniya.

Walker...

Ang Walker Family ay pamilya ng mga Pure Blood Vampire at isa na lang ang natitira sa mga ito. Ang Pure Blood ay ang pinakamataas at pinakamakapangyarihan sa hierarchy ng mga bampira.

"Ah, Young Master, you're finally here." Sumulpot ang isang bampira sa harapan ng kanilang pinuno. Isa siyang Noble. Sila ang kalahating tao at kalahating bampira. Malakas sila at kinatatakutan, at nagsisilbi sila sa mga Pure Blood.

The pureblood smiled, "It's nice to be finally home," aniya bago uminom sa hawak niyang kupita na puno ng dugo. "When will you all follow me at the school I enrolled in?"

"Bukas na bukas din, Young Master," tugon ng isa pang Noble na kasama pa ng tatlong bampira.

Hindi na mapigilang mapangiti ng Pure Blood. Magiging masaya ang school year niya ngayon dahil nahanap na niya ang pakay niya sa eskwelahan na 'yon.

"Young Master, sigurado po ba kayong ang babaeng 'yon talaga ang hinahanap natin?"

"Oo nga, paano kung nagkamali ka lang?"

Tiningnan niya nang masama ang pangahas sa harapan niya. Ano'ng karapatan nila para kwestyunin siya? Ano'ng gusto nilang palabasin ngayon?

"Sigurado na ako at wala kayong karapatan para pagdudahan ang desisyon ko." Lumabas ang mahahaba niyang pangil at pumula ang mga mata niya. Tumungo na lamang ang dalawa at nagsisising sinabi nila iyon sa kanilang Master.

Sa mundo ng mga bampira, siya ang pinakamalakas dahil siya na lamang ang natitirang Pure Blood. Sinasamba siya ng lahat ng bampira at tunay na kinatatakutan, ang mga Noble naman ay mga bampirang ang misyon lamang ay maging tagasunod ng Pure Blood, at ang mga Insane, hindi man nila nabanggit, ay isang delikadong lahi ng bampira. Sila ang mga bampirang dating tao na nakagat lamang ng mga bampira; sila ang mga bampirang hindi macontrol ang kanilang sarili at kumalat na sa kanilang buong katawan ang masamang dugo ng isang bampira at sila rin ang mga madalas nambibiktima ng tao at pumapatay.

Tumayo ang binata at tumingin sa buwan. Buong-buo na ang kanyang desisyon.

"That woman is mine."

The Perverted VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon