That voice. That's too familiar.

Hindi ko maalala kung kanino pero pamilyar siya.

Pinili ko na lang na manahimik kaysa ang mapuna na naman nila ako at paglaruan.

I have to think of a better idea para makaalis dito ng hindi pa bangkay. Kailangan kong mahanap si America.

Ilang saglit pa ang lumipas bago ako ibinaba ng lalake. Iniupo ako sa isang upuan kung hindi ako nagkakamali. Muli akong tinalian at ngayon ay pati braso ko ay nakatali na rin sa upuan. Napakahigpit noon na para bang ayaw na nilang padaluyin ang dugo sa aking katawan.

"Finally! What took you so long?"

May isang malaking boses akong narinig na nagsalita. Mas kinabahan ako dahil mukhang mas dumami sila ngayon.

"Masyado kaming nahirapan na makapuslit sa CSLG agents, Boss. Mabuti na lang at naroon itong si Dos para malaman ang mga base ng Platoon Z."

Dos...

Si Two?!

Huh?

"Well, it's good to finally have you here, Two," the big voice laughed.

Kabang-kaba na ako at tila hindi na ako makahinga.

"My pleasure, Boss."

"Alisan n'yo na ng saklob 'yan nang masimulan na natin ang pahirap!"

Nang sabihin iyon ng kanilang boss ay kaagad na akong nagpanic lalo na nang hawakan na ako sa balikat ng isa at ang isa naman ay marahas na inalis na ang nakasaklob sa akin.

"Yan gan'yan nga— putcha!"

Nabitin ang malakas na hagalpakan ng mga kalalakihan nang tuluyang maalis ang saklob sa aking ulo at makita nila ako. Hindi ko naman magawang imulat ang aking mata dahil sa sobrang liwanag na sumalubong sa akin.

"Hoy gago, Pre! Hindi ba't 'yan iyong apo ni General Manzanilla?!"

At nagkagulo na sila.

"Shut the fuck up, you stupids!" malakas na sigaw ng kanilang boss matapos magpaputok ng baril. "Mga inutil! A-ano 'to?! Mga putcha naman!"

Gulat na gulat ang lahat nang makita ako. Nakatitig na lang ako ngayon kay Dos na halos mapanganga na dahil sa gulat.

Surprise, you stupid piece of shit!

"Of all people?!" gulantang pa rin na sigaw ng boss nila. Napakatangkad nito at maypagka mataba. "Dos, ano?! Apo ito ng general! Asawa ni Meiran! Asawa ng boss mo!"

His huge voice echoed around the room. Ngayon ko lang din nalinawan kung nasaan nga ba kami. Nasa isang abandonado na building kami. Puro makakalawang na bakal ang nasa paligid. Hindi ko mabilang kung ilang armadong lalake ang nasa paligid.

"I... I thought they got Noelle..." nganga na usal ni Two. Nanatili ang titig ko sa kaniya.

"Tang ina, hindi na natin p'wedeng basta ibalik yan!" galitn at problemadong usal ng boss nila. "Kapag ibinalik natin 'yan ay paniguradong magsusumbong iyan sa asawa! Or better yet, paniguradong hinahanap na tayo ni Meiran ngayon!"

Tama naman sila sa part na magsusumbong ako. Pero bakit sila takot na takot kay Payton?

"Patayin na lang natin, Boss!"

Naalerto ako nang may sumigaw. Umusbong muli ang kaba sa akin nang biglang nakita ko na napaisip ang kanilang boss.

Hindi pwede!

Kailangan kong may gawin para makaalis na rito!

"Pwede naman—"

"B-boss, huwag naman..."

Falling in Reverse (Saint Series #4) COMPLETEDWhere stories live. Discover now