Chapter 9

33 6 2
                                    

Shar's POV

Nakahiga ako ngayon sa kama ko. As usual nalock nanaman ako mag isa dito sa condo ni Donny. Nakaalis na si Donny. Ang sakit ng katawan ko pati ulo ko masakit. Nilalamig pa ko. Pinilit kong bumangon para kunin yung first aid kit sa bag ko. Pagkakuha ko ay bumalik ako sa kama ko at kinuha yung thermometer sa first aid kit. Nilagay ko sa kili kili ko yung thermometer at hinintay na tumunog ito.

Nang tumunog na ay chineck ko. 38.9 degrees celcius. Malas naman oh. Ang taas ng lagnat ko. Tapos wala pa kong kasama. Paano ako makakapagluto nito??? Hayyss.. Buti pa nung buhay si Jah kapag may lagnat ako siya nagluluto para sakin. Nakakamiss ka talaga Jah..

Nagugutom na ko..

Pinilit kong bumangon kahit nahihilo talaga ako. Lumabas ako ng kwarto at dahan dahan lang ang paglakad. Argh. Nahihilo na talaga ako. Parang anytime babagsak na ko. Narinig kong may nagbukas ng pintuan. Pero di ko na maaninag kung sino dahil sa hilo ko.

"SHAR!" Bat parang boses ni Jah yun? Ganun ko na ba siya talaga kamiss? Pati boses niya naririnig ko.

Naramdaman ko nalang bago ako mawalan ng malay may sumalo sakin.

"Justin..." Yun ang huli kong nabanggit then everything went black.




Napamulat ako ng mata. Grabe napanaginipan ko si Jah. Bat parang totoo yun?? Aish..

Huli ko na nalaman na hindi ito yung kwarto ko.

"Teka? Asan ako?" Pinilit kong umupo kahit nahihilo ako. Nilibot ko ang aking paningin. Tyaka ko lang narealize kung nasaan ako. Kwarto to ni Justin sa condo nila ng SB. Pero paano ako napunta dito?? Ang natatandaan ko lang lumabas ako ng kwarto ko at nakita ko so Jah at wala na. Weird.

Nawala ang pag iisip ko ng may pumasok sa pintuan.

"Oh gising ka na pala."

"Uy Ken, ikaw pala." Pumasok na si Ken na may bitbit na tray na may lamang sopas, gamot at tubig. Umupo siya sa gilid ng kama ko. Kinuha niya ang sopas at hinipan ito at sinusubuan ako.

"Bat hindi ka nagsabi samin Shar?" Halata sa tono niya ang pag aalala.

"Huh? What do you mean?" Takang tanong ko.

"Bat hindi ka nagsumbong samin na sinasaktan at kinukulong ka ni Donny??" Nagulat ako sa tanong niya. Bat niya alam?

"Huh? No." Tanggi ko. Patuloy niya pa rin ako sinusubuan habang naguusap kami.

"Wag mo ng itanggi nakita namin." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Ken.

"Wait? What? How?" Takang tanong ko.

"Kung hindi pa kami naglagay ng hidden CCTV sa condo ni Donny, hindi namin malalaman na sinasaktan ka niya."

"Hidden CCTV? Paano?"

"I have a friend na magaling sa mga ganyan. Nalaman niya ang passcode ng unit ni Donny. Kaya nakapasok siya. Ginawa niya yun nung time na nagsukat tayo ng mga damit para sa wedding nila Nash at Mika."

"Alam nila Mika??"

"Oo. Siya pa nga nagsabi samin na madami ka daw pasa eh. Tapos nanghinala kami. Kaya minakesure namin kung totoo ba hinala namin. And totoo nga. Actually galit na galit kami kay Donny ngayon dahil sa ginawa niya. Kung kami nga ayaw ka namin padapuan ng lamok eh siya pa kaya na sinasaktan ka na. Hindi pwede yun Shar. Dapat nagsumbong ka na samin. Buti at sakto lang ang dating namin kanina sa condo ni Donny. Buti at may nakasalo sayo."

"Sorry.." Yun lang ang nasabi ko.

"Diba tama ako? Masama talaga ugali ni Donny sakin. Yan hindi ka kasi nakinig sakin eh. Tsk." Ken.

"Sorry naa.. Hindi ko naman ineexpect na kaya niya akong saktan eh."

"Aish matitiis ba kita? Atleast ngayon alam mo na. At way na wag ka ng babalik sakanya? Nagkakaintindihan tayo?? Dito ka muna sa condo namin." Tumango nalang ako bilang pag sagot.

Pagkaubos ng sopas ay pinainom niya na ko ng tubig at gamot.

"Oo nga pala Ken. Diba nabanggit mo may sumalo sakin? Sino yun?"

"Bakit?"

"Wala naman. Naaninag ko kasi parang mukha ni Jah. Siguro namiss ko lang talaga siya."

"Shar.."

"Hmm??"

"Matanong ko lang What if buhay si Jah magiging masaya ka ba?"

"Bat mo naman natanong yan?"

"Wala lang. What if lang naman."

"Oo naman. Magiging masaya ako kung buhay siya. Pero siyempre magagalit parin ako sakanya dahil nilihim niya pa sakin." Sagot ko.

"Paano pag sinabi kong buhay siya?" Nagulat ako sa tanong ni Ken.

"Impossible yun. It's been 3 years."

"Hindi impossible yun." Nagulat ako ng may nagsalita sa pintuan. Nanlaki ang mata ko sa gulat. It can't be..



"J-jah?? Bu-buhay ka??"

"Ehem. Maiwan ko na kayong dalawa." At lumabas na si Ken ng kwarto at sinirado ang pintuan.

"Shar..."

"Paano???" Hindi pa din ako makapaniwala sa nangyayari.

"Shar.. Nakaligtas ako.. Ilang araw din akong walang malay. Pag gising ko nabanggit nila Ken na may nagplano na alisin ang break. Pero dahil kailangan pa namin ng maraming ebidensya lumipad ako sa Canada. Actually sabay kami ni Ken pumunta dun."

"Pero 2 years ka ng patay nung umalis si Ken. So ibig sabihin buhay ka papala?!"

"Oo. Pinagplanuhan namin nila mama at nila mommy na magpanggap nalang akong patay para makakilos kami ng maayos sa pag aayos ng mga evidensya."

"Ano? Alam nila Mommy??!"

"Oo shar alam nila Mommy mo at ng SB."

"Bakit mo nilihim sakin yon?! Bakit ka naglihim sakin. Kinuntsaba mo pa mga magulang ko!" Inis na sabi ko.

"Shar please listen to me okay? Sila mommy mo na nagsabi na ilihim sayo. Dahil gusto din nila na makakilos kami ng maayos."

"Kaya pala hindi sang ayon sila mommy at sila Ken na maging kami ni Donny dahil buhay ka pa pala."

"Oo. Kaya sorry na. Wag ka ng magalit. Nandito na ko oh. Buhay na buhay. Diba namiss mo ko?" Pagpapacute niya. Napangiti nalang ako. Marupok na kung marupok. Basta ang importante nandito siya at buhay na buhay.

"Oo na." Sabi ko at niyakap siya. Niyakap niya din ako pabalik. Kiniss niya ko sa moo at niyakap ulit ng mahigpit. 3 years ko din hindi naranasan ang yakap at halik niya. Miss na miss ko talaga siyaa..

After ilang minutes bumitaw na kami sa pagkakayakap.

"Pero sino ang may gawa nun?" Tanong ko. Hinawakan ni Jah ang dalawang kamay ko. Ang tagal ko ng hindi naramdaman to. Yung tibok ng puso ko na para sakanya lang.

"Si Donny." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Si Donny?!" Gulat kong tanong. Tumango siya.. Natulala ako sa gulat. Hindi ko ineexineexpect na magagawa niya yun.

💚💚💚💚💚💚💚💚💚💚💚💚💚

BELATED HAPPY 13TH MOTMOT SHARTIN!! HERE'S MY UPDATE!! SANA NAGUSTUHAN NIYO PO!! THANK YOU PO SA SUPPORT! I LOVE YOU ALL!!

-FRANCINE G.

Come back to me, My Love (The Revelations) [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon