CHAPTER ONE: "Misty,s Problem"

9 0 0
                                        

"Hay,salamat ! Makakapagpahinga na rin ako."wika ko nalang matapos maitupi ang sang katirbang mga damit.

Tumayo ako at pumasok sa kusina para maghanda ng aking hapunan,at naglabas ng de lata at saka ito binuksan.
Matapos kumain ay naghugas na rin ng aking pinagkainan at nanood ng programa sa tv.
Kung pansin nyo ay
mag-isa na lang ako sa buhay.Walang kapatid,only child lang ako ng Papang at Mamang ko.
Mayroon naman akong ibang mga kapamilya,pero di naman ako welcome sa kanila.I was 3rd year high school non ng maaksidente ang mga magulang ko sa sinsakyan nilang barko.Nalunod ang sinasakyan nilang barko habang nasa trabaho kaya ito ako ngayon ..mag isang kumakayod para mabuhay.

Malungkot ?

Oo,malungkot ang buhay ko.,malungkot mag isa.

Hanggang ngayon iniisip ko pa din na sana nakaligtas ang mga magulang ko non..sana di ako nag-iisa ngayon..hindi malungkot at nasasaktan sa mga sinasabi ng mga ibang kapamilya ko.

Walang gustong kunin ako,dahil baka daw malasin din sila dahil sa nangyari sa pamilya ko.Malas daw ako,kaya sila nawala sa akin..kaya umiiwas sila sa akin.Buti nalang may mga taong andyan pa rin para sa akin na kahit di ko sila kadugo,pamilya pa din ang turing nila sa akin.

Naputol bigla aking iniisip ng makarinig ako ng katok mula sa pintuan ng aking bahay.
"Hays----"saad ko nalang at humakbang patungo sa pinto.

*knock ! knock !

"Ice ! andyan ka ba !?"
Mukhang boses pa lang nito nalalaman ko na kung sino to."Hoy ! Ice !"tawag ulit nito sabay katok.

Binuksan ko kaagad ang pinto ng gate at nakita ang aking kababata.

"Oh,Misty..pasok ka."nakasimangot kong sabi sa kanya.Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa.
Mukhang wala ito sa mode dahil napakaasim ng hitura nito.May dala ito bagpack at isang eco bag na kulay lila na may lamang mga pagkain.Kagagaling lang siguro nito sa trabaho.

Mistealla Ibarra Hidalgo ang nag -iisang kaibigan ko at tumanggap sa akin bilang ako.Kung para sa iba malas daw ako,para sa kanya naman ay swerte ako sa kanya,ewan ko don kung paano ako naging swerte.Tsk !

May isa siyang kapatid pero di ko pa nakikita at tanging sa kwento nya lang ito naririnig.
Ang mga magulang naman nito ay nagtatrabaho sa ibang bansa..
Si Tito Night na Tatay ni Misty ay isang Professor sa kolehiyo samantalang si Tita Portia naman ay isang Doctor doon.Si Misty naman ay isang model.
Parehas matagumpay sa buhay.,kaya napakaswerte ni Misty.Ewan ko lang kung ano nakita nito sa kanya at ayaw na nito mahiwalay sa akin simula ng makita ako.

"Huh,ahm...anong nangyari sayo at ganyan hitsura mo ?" tanong ko ng papasok na kami sa loob.

"Ayoko muna sa bahay.Dito muna ako Ice ah"ani nito sabay suyod ng tingin ang loob ng bahay nya"..at least,dito magkakaroon ako ng peace of mind.."inilapag nito ang mga gamit sa isa pang upuan at tumungo.

"Anong meron ? --"hindi pa man natatapos ang tanong ko ay sumingit na sya.

"Wag ka mag-alala,magbibigay ako ng panggastos ko habang andito ako."ginala nito ang paningin sa aking likuran.
"Nanonood ka ?" pag-iiba ng usapan ng kaharap niya.

"Manahimik ka! ."inis niyang saad dito ng naiisip niyang wala itong balak sagutin ang mga tanong nya.Kaya naman ng tumingin ito sa kanya ay tinaasan nya ito ng kilay at sumeryoso sya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 11, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tears Of A Broken HeartStories to obsess over. Discover now