🎪PROLOGUE🎪

169 15 4
                                    

Nagkagulo ang mga tao dahil sa pagsalakay ng kadilaman sa kaharian ng Astraea. Hindi inaasahan ng Hari at Reyna na sasalakay ang mga ito. Marami ng taong namatay dahil hindi nila kayang ipagtanggol ang kanilang sarali. Unang sinilakay ng mga kampon ni Haring Corvus ang pamilihan.

Tulong! Tulongan niyo kami! Sigaw ng mga mamayanan ng Astraea. Mahal na Hari, Mahal na Reyna tulongan niyo kami! Ang paghingi nila ng tulong sa palasyo. Bakas sa mga mukha nila ang takot at panghihina. Nabuhayan naman sila ng pag-asa ng makita nila ang mga kawal ng kaharian.

Maghanda sa labanan! Pumuwesto na kayo! Ang sigaw ng heneral sa mga kawal. Tulongan ang mga bata at matatanda, ilagay sila sa tagong lugar. Siguraduin ang kanilang kaligtasan! Yan ang utos ng mahal na Hari at Reyna. Ang pag-utos ng heneral sa ibang kawal. Dali dali na man itong kumilos at pinuntahan ang mga bata at matandang nakaligtas.

Humarap ang heneral sa babaeng naka tayo sa kanyang harapan. Lapastangan! Ang lakas ng loob niyong sumugod dito. Hindi na namin ito papatagalin pa. Ang lintaya ni heneral Julio sa babaeng nakaitim. Tuningnan niya ito sa mata. Kulay pula ang mga mata nito na parabang sinapian ng demonyo. Napangisi naman ang babae.

Tsk, Alam namin na ngayon isisilang ng reyna ang kanyang supling. Nandito kami upang patayin kayong lahat at ang bata. Ang pagtugon ng babae sa heneral habang tumatawa. Whahhahahah, at hindi niyo kami matatalo. Pinagkaluoban kami ng kapangyarihan ni Haring Corvus. Tikman niyo ito! Ang sigaw ng babae habang binato ang itim na bolang mahika. Sumabog ito, at maraming kawal na napuruhan.

Arghh, Kung ganon, humanda ang lahat. Patayin ang magtangkang papasok sa palasyo! Ang mando ni heneral Julio sa kanyang mga kawal. Nagsitakbuhan ang mga ito at sinugod ang mga kalaban. Maraming dugong dumanak. Tanging mga tunog ng mga espadang nag sasampokan ang maririnig dito sa pamilihan ng Astraea.

Magpakita ka dito babae. Labanan mo ako! Huwag kang duwag. Ang sigaw ng heneral habang pinugutan ng ulo ang kanyang kalaban.

Lumitaw ang babae sa kanyang harapan. Pumuwesto na si heneral Julio. Hinigpitan niya ng pagkahawak ang kanyang espada. Lingid sa kaalaman ng kalaban. Ang balute at espadang gamit ng heneral ay binasbasan ng hari at reyna. Hindi dali dali itong masisira kahit na gamitan ito ng mahika.

Handa ka nabang mamatay Julio? Ang mapangasar na tanong ng babae. Huwag mong minamadali ang iyong kamatayan.

Huwag ka purong satsat jan. Lumaban ka! Ipakita mo sa akin ang iyong lakas. Ang tugon ng heneral habang sinasalakay ang babae. Mabilis naman itong naka-iwas. Nagulat ang heneral sa liksi ng babae. Hindi niya namalayan na nasa likod niya ang babae. Dali daling nagpakawala ng ataki ang babae at tumama ito sa likod ng heneral.

Tumilapon ang heneral. Napadaing naman ito ng kaunti. Walang bakas na sira ang kanyang pandigmang kasuotan. Humarap ito sa babae at dalidaling sumugod. Binato niya ito ng espada. Hindi makapaniwala ang babae dahil hindi man lamang nasaktan ang heneral sa kanyang ginawa. Hindi na nakailag ang babae at tumama ang espada sa kanyang balikat. Nahiwa ito, napadaing ang babae at dalidaling hinawakan ang kaliwang balikat. Nagulat naman ito dahil bumalik ang espadang tumama sa kanyang balikat sa heneral. Hindi niya ininda ang sakit at linabanan ang heneral. Nagpalit palit ng ataki ang dalawa. Marami ng mga paninda ang nasira. Nasusunog na ang mga bahay.

The Gay MagicianWhere stories live. Discover now