Chapter 14

149 3 0
                                    

Nagising ako ng saktong 4:30 am. Actually parang hindi ata ako natulog kakaisip sa sinabi ko kahapon. Umupo ako at tinignan ang picture ni Suga na nakadikit sa may kabinet ko. "Hoy, sorry. H-hindi ko sinasadya yung sinabi ko. N-nabigla lang ako k-kasi gusto mo din pala ako." "As if naman na sasagot ka." Napailing ako at pinunasan ang tutulo sanang luha sa mga mata ko.

Pumunta ako sa cr at ginawa ang morning routine ko.

-------

"Oh, napaaga ang gising ni Mrs. Min. At oh, nagluto ng breakfast. Pwede na talagang mag-asawa anak ko!"

"Eomma naman. Pang good luck ko lang to sayo. Sana matanggap ka ho sa trabaho mo." Nakangiti kong saad at inayos ang mga pagkain para saaming dalawa.

"Sus, palusot pa. Saka nga pala, kamusta date niyo? Aguy, may nangyari b--"

"Eomma!"

"Sus, si Mrs. Min naman 'di mabiro. Oh ano nga, kamusta date niyo?" Umupo siya at naghihintay ng sagot ko. Umupo din ako sa harap at nagsimulang mag sandok.

"Ayun 'di natuloy. May importante daw na gagawin."

"Tss, sabi ko na nga." Nagtataka akong tumingin kay Eomma. "A-ah ang ibig kong sabihin 'nak, intindihin mo nalang siya kasi alam mo naman ang mga lalaki. Madaming ginagawa. Hindi ka naman ang dapat UNANG I PRIORITY NIYA KASI MAY IBA SIYANG GINAGAWA DIBA?" Nakangiti niyang sabi. Napatingin ako sa sinasandok niyang fried rice. Halos mapuno na ang plato niya.

"Eomma, kaya niyo hong ubusin yan?"

Napatingin siya sa plato niya. "A-aba oo naman. Ano pa't naging nanay mo ako. Sige na dali na at baka malate ka!" Nagkibit balikat nalang ako sa inakto ni mama. Baka nasobrahan sa paglalaro ng candy crush.



«•»

•|02•02•21|•
@love_rx

Protecting My Jimin || YOONMINOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz