Chapter 03

220 5 0
                                    

Lunch break na at tahimik kong binabaybay ang canteen. Antagal naman kasi ni Bambam, pinasulat siya ng pagkahaba haba ni sir dahil sobrang ingay niya. Nakabusangot tuloy ako ngayon. Kainis, wala akong kasabay kumain.

Halos mabingi ako sa tilian ng mga babae. Napatingin naman ako sa tinitilian nila. Si Kim Taehyung lang pala-- SI KIM TAEHYUNG!?

Shit. Bestfriend siya ni baby Suga, hindi ko alam kung nasan si Hoseok. Isa pang bestfriend nila. Sobrang gwapo nilang tatlo pero mas gwapo pa'din si Suga.

Ayun, nahagip ng mata ko ang papalabas palang sa room na si Suga habang... nakapulupot sakanya ang higad niyang girlfriend. Tss, nawalan tuloy ako ng gana makitili. Nagpatuloy ako sa paglalakad, wala. Nawalan ako bigla ng gana. Hindi ko pa pala siya napapakilala. Siya si Morrie, maganda siya pero mas maganda ako. Maputi siya pero mas maputi ako, matangkad siya pero mas-- nevermind.

Nagulat ako ng biglang may tumabi sakin. Akala ko si Bambam. Pagtingin ko ay si Kim Taehyung!?

"Hi." Bati niya, napakurap kurap pa ako ng ilang beses. Narinig ko naman ang mga bulong-bulungan ng ibang estudyante.

"H--." Magsasalita sana ako ng hilain bigla ako ni Bambam. Nakahawak siya sa kamay ko hanggang makapunta kami sa likod ng canteen.

"Nung ginagawa mo at parang may pinag utangan ka tapos ngayon ka siningil?" Takang tanong ko sakanya. Tinarayan ako ng gaga!

"Sabi kong huwag kang makikipag-usap sakanya." Saad niya na ikinakunot ng noo ko.

"Eh ngayon niya palang ako kina--."

"Kahit na." Kita ko sa mukha niyang seryoso siya.

"Nakalunok ka ba ng chalk?" Natatawang sabi ko. "Wag mong sasabihing nagseselos ka?"Tumawa ako pagkatapos kong tanungin yon.

"Pa'no kung oo? Oo na nagseselos ako?" Ang tawa ko ay dahan dahang humina. "Mapagbiro ka talaga Bam!" Pilit na tawa ko sakanya.

"Aish, ang manhid mong ugok ka! Tara na nga!" Ginulo niya ang buhok pagkatapos naglakad siya. Hindi pa din ako makapaniwala sa sagot niya kanina. Napakurap kurap pa ako ng ilang beses. Humarap siya at sinenyasang sumunod ako sakanya.








«•»

|02•01•21|•
@love_rx

Protecting My Jimin || YOONMINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon