Chapter 06

192 6 0
                                    

Pumasok ako ng may sama ng loob kay Bambam. Sineen niya ako mula pa kahapon, nakabusangot nanaman tuloy akong pumasok sa campus. Kaunti palang ang mga estudyante kaya pagkatapos kong ilagay ang bag ko sa upuan ay pumunta ako sa library.

Sobrang tamad talaga ako magbasa, hindi ko alam kung bakit ako napunta dito.

Tahimik akong nagbabasa. Bigla akong nailang, pakiramdam ko ay mayroong nakatingin sa'kin. Itinigil ko ang pagbabasa at ibinalik sa shelf ang libro.

----

Lumabas ako ng library pero hindi padin nawawala ang kaba ko, hindi ko alam kung saan ako titingin. Nagulat ako ng may magtakip sa bibig ko at binuhat ako.

Dinala niya ako sa isang abandunadong room malayo sa library. Pinaupo niya ako sa upuan pero dumiretso ako sa gilid. Nakayuko ako at niyayakap ang tuhod. Natatakot ako.

Naramdaman ko ang mga yapak papunta sakin. Marami. Dahan dahan kong iniangat ang ulo. Anim na hindi pamilyar na mga lalaki ang nasa harapan ko. Yung nasa unahan ay lumuhod para magkapantay kami.

Nagsimulang pumatak ang mga luha ko.

"Hi miss sexy." Nang-aakit na saad niya at hahawakan sana ang pisngi ko ng itulak ko siya. Mas lalong idinikit ko ang likod ko sa pader.

Nagpakawala siya ng ismir. "Miss sexy, wag ka namang masyadong pa hard to get. Mapapagod ka nyan. Pero alam mo ba kung anong mas makakapag papagod sayo?" Nakangising saad niya. Naikuyom ko ang mga kamao ko. Hindi ko sila kayang labanan, anim sila at mag-isa lang ako.

Itinulak ko siya at sinubukang lumabas ng hablutin ng isang lalaki ang kamay ko papabalik sa dati kong pwesto. Yung nasa unahan ang pumalit sakanya at hinawakan ang dalawang kamay ko. Inilagay niya iyon sa pader. Nagpupumiglas ako habang naiiyak. Jusko, ayaw ko pang mabuntis. Pinangako kong kay Suga lang pero...

Inilapit niya ang ulo niya sa leeg ko. Pilit kong umiwas pero bago pa dumikit ang dila niya sa leeg ko ay biglang may bumukas ng pinto. Nakapikit ako at hindi alam kung sino iyon. Patuloy parin ang pag tulo ng luha ko hanggang sa biglang napabitaw ang lalaki sa pagkakahawak saakin. Akala ko ay mahuhulog ako pero may mga bisig na sumalo sa'kin.

Agad ko iyong niyakap. Naiiyak padin ako. Hindi alam kung anong gagawin. Naramdaman kong niyakap niya ako pabalik.

"S-salama--."

"Shhh. I'm here now, your safe baby."

Nagulat ako sa boses ng lalaki. Napamulat ako at kumalas sa pagkakayakap at doon kong nakumpirmang si...Suga iyon.

Magsasalita pa sana ako ng hawakan niya ang labi ko. "Did he kiss you?" Tanong niya habang nakatingin sa labi ko.

Umiling ako, kinakabahan dahil sa nangyayari ngayon.

"Good. From now on, be always at my side. Baby. I'll protect you."






«•»

•|02•01•21•|
@love_rx

Protecting My Jimin || YOONMINWhere stories live. Discover now