eight

3K 224 99
                                    

Our Operation: Dan's Bachelorhood was progressing well according to my plan. In less than a week, nakumpleto namnang Phase 1 ng evil plan: ang papaniwalain ang mga ka-opisina ko na boyfriend ko na si Dan...finally. After kong i-confirm sa close office friends ko ang kaganapan, ayun, mabilis pa sa alas kwatro kung kumalat ang balita sa HR at sa iba pang departments. Iyon ang effect na gusto at expected namin ni Dan, given na puro chismoso at chismosa ang mga nasa opisinang 'to. But...just wow. Sobrang bilis talaga ng mga pangyayari!

The only downside of this was....man, hindi ko ine-expect na marami pala sa kanila ang nag-aabang for this news? Napagod ako sa pagsagot ng mala-Beau Perez na katanungan every time makakita ako ng curious officemate sa kahit anong floor dito sa building. As in every floor may magco-congratulate sa 'kin. From the most common Madam Kesh omg congrats!! Sabi na nga ba bagay kayo no'n eh! to the outrageous Yes naman, Kesh! O kailan kasal niyo? Dapat mas bongga kaysa kina Andreau, ha! Invited dapat kami!, lahat 'yan, nakuha ko. Nakakarindi, to be honest.

On the lighter side of things, it's good to know na effective ang Phase 1 ng plano ko. Now that part was done and over with, time to move on to Phase 2, one of the trickier phases in my plan.

Ang papaniwalain si Mars.

We were kinda disappointed (Dan more than me, actually) na hindi si Mars ang unang bumigay sa pagpapanggap namin. Akala ni Dan magco-comment ng kahit ano si Mars sa pinaka-unang IG story naming dalawa. Kahit ako, hinintay ko na magreply siya sa breakfast IG stories namin kaso puro seen lang siya for two weeks. Ni emoji reacts wala. I found that a bit strange dahil si Mars 'yung tipo ng kaibigan na magre-reply ng kahit ano sa stories mo, mangangamusta o mangungulit lang gano'n. Ganyan siya nagpaparamdam lalo na ngayong busy na siya sa kanyang two-year old (na inaanak namin nina Dan at Zadreau) at bihira namin siyang makasama sa hangouts and stuff.

I'm not gonna lie, buong linggo kaming kabado sa no reaction ni Mars. Crucial kasi na mapaniwala namin siya dahil kung hindi, walang maniniwala sa friend group namin na totoo itong relationship namin.

Out of all our friends kasi, si Mars lang ang may gusto na magkatuluyan kami ni Dan. At siya lang din ang pinaka-vocal about this for a decade, really. From the moment na nakita niya kaming magkausap ni Dan sa 21st birthday ni Andreau, hindi na tumigil si Mars sa pagpi-pair sa 'ming dalawa. Nagsimula lang siya sa pabirong Alam mo Dan, kung ako sa 'yo makipagbreak ka na kay Dianne at kay Keisha ka na lang. Bagay kayo!, hanggang umabot na sa seryosong annual heart to heart talks-slash-interventions (Seriously, single naman kayo pareho! And you guys fuck whenever it's convenient! Ba't ayaw niyong totohanin 'yan!?).

Ewan ko ba kung anong nakita niya sa 'min ni Dan at gustung-gusto niya kami para sa isa't isa. I guess worried lang siya na tumandang binata kaming dalawa at feeling niya na napag-iiwanan kami sa friend group namin. Kung sabagay, kami na lang ni Dan ang single sa aming lima at ang pinakamadaling solusyon sa problema na 'to ay ang magjowaan, 'di ba?

O ayan, ito na nga ang ginawa namin kahit pagpapanggap lang ang lahat. Pero bakit parang hindi man lang siya masaya? No reaction? Mali ba kami ng assumption? Kailangan namin siyang mapapaniwala dahil sigurado kami na si Mars ang unang tatanungin ni Marianne tungkol sa "relationship" namin. Kung hindi namin mabenta kay Mars ito...paano na sa iba?

Ang hassle naman. Bakit nga ba ulit ako pumayag dito?


**


Two days later, a Friday, napawi ang kaba namin ni Dan.

Naka-receive kaming dalawa ng invite from Mars na may naka-attach pang picture ng cute na inaanak naming si Ezra. Bumisita raw kami sa bahay nila the next day kasi walang kasama ang mag-ina. Her husband's away for a business trip that weekend at halos two months na rin kaming hindi nagkikita kaya...why not?

Too Busy Being YoursWhere stories live. Discover now