Chapter 38: Before She Born

Start from the beginning
                                    

"Akala ko nagbago ka na. Nagkamali pala ako, katulad ka pa rin ng dati. Ako lang pala ang nag-iisip na nagbago ka na sa mga ginawa mo before."

"Watch your mouth young lady!"

"Karapatan kong sabihin kung ano ang nakikita ko sa mga actions mo dito sa palasyo! Simple lang ang dapat mong gawin para bumalik ako sa'yo Ma, pero hindi mo nagawa!" Napakunok ako ng laway sa sinabi niya.

"Or should I say na ayaw mo talagang magbago, dahil kinakain ka pa rin ng isipan mo tungkol kay King---

*SLAP

"Don't you ever mention his name!"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko na sampalin ang anak ko sa mga oras na iyon. Ramdam ko ang pangangatal ng kamay ko sa mga sandaling nakatayo kaharap ang nag-iisa kong anak.

"Tama si Papa, at tama lang din pala na siya ang pinili kong makasama sa loob ng 25 taon kaysa sa'yo. At ngayon alam ko na kung bakit umalis si Dia."

"I-I'm sorry---

"I have to go now, mukha kasing mas mahalaga pa 'yang sinasabi mong appointment kaysa sa isang simpleng kahilingan ko para maayos mo ang relasyon mo sa amin ni Papa. Pasensya na sa abala."

Please don't say that dear, sinusubukan kong magbago para sa'yo. Please don't.

Ramdam ko ang pamumuo ng mga luha sa magkabila kong mata sa mga sandaling iyon. Nakatingin ako sa anak ko habang siya naman ay nakatingin sa labas ng bintana, ayaw niya akong tingnan sa mata sa mga oras na iyon. Pero mas better 'yon dahil ayaw kong makita na mahina ako sa harap niya.

"Gene---


"Don't call me with that name your grace."

No, not now Gene. Don't say that.

"And don't you ever try to block my way to help my cousin, ayaw ko ng maririnig ang mga dahilan mo."

Please don't, don't say anything like that. Please anak, I'm trying to change but---

"At hinding hindi mo na ako makakausap pa ng ganito after this, enjoy your fantasies with your lover."

No, Gene don't please!

"Ito na ang huling beses na tatawagin kita bilang Nanay ko, Goodbye Mom." Tila binagsakan ako ng langit sa mga binitawang salita ng anak ko, kasabay ng pagpatak ng aking mga luha matapos niyang umalis.

Bakit ngayon pa? Sinusubukan ko namang magbago, ginawa ko ang mga gusto niya para bumalik ang pamilya ko ngunit tila ang mga mali ko lamang ang nakikita ng anak ko.

Anak pasensya na sa mga nagawa ko, pinipilit ko namang magbago ang tingin mo sa akin. Ginawa ko ang mga hiniling mo, mula sa paghahanap kay Dia, ibigay sa kanya ang trono na dapat sa kanya lamang, ang mga nasira kong projects na ginawa ng Ama mo, maging ang relasyon ko sa lalaki na naging dahilan ng pagkawasak ng pamilya natin. Sana mapatawad mo ako anak.

.

.

.

Gene's POV

Akala ko babalik na ang lahat sa dati, akala ko nagbago na siya, akala ko makakasama ko na ang Mama ko nagkakamali pala ako.

For the past 25 years ngayon ko lang nakausap ng ganito si Mama. Matapos niyang umalis noong 4 years old ako at mas pinili na makasama ang kabit niya.

Matagal ko na siyang napatawad siya ginawa niya ngunit dinagdagan niya ng sama ng loob sa ginawa niya kay Dia. Simple lang ang kahilingan ko sa kanya, ayusin niya ang buhay niya at hanapin si Dia upang umupo bilang Reyna ng bansang ito. Dahil siya lang ang may karapatan sa trono, hindi si Duke Markus ng Dunnelbridge na pwedeng sumira sa kinabukasan ng Rallnedia, hindi si Duke Karl na kulang ang idea sa mga batas, hindi si Princess Catalina na nagtatago sa media at mas lalong hindi ikaw Ma na isang hamak na kabit ng Hari.
Ramdam ko ang luhang pumatak mula sa mata ko habang iniisip ang mga iyon.

Bago pa ipanganak si Dia ay may mga aligasyon ng nangyayari sa trono. Pinag-aawayan na ng mga Duke ang trono dahil sa issue ng Hari at ng kabit niya, ang bunga ng issue ay ang fantasies ng Ina ko na maging Reyna o asawa ng Hari.

Noong taon na iyon nagsimula ang pag-aagawan sa trono at doon din nabuo ang bagong batas tungkol sa trono. Noong una wala akong idea kung paano matutulungan si Papa sa projects na nasira ni Mama dahil ang alam ko lang ay ang mga alphabet at ibang lengguwahe na itinuro sa akin sa edad na 4, ngunit inaral ko ang lahat simula sa mga designs at mga business matter para ipamukha kay Mama ang lahat, kasama na ang mga batas.

Akala ko sapat na ang mga iyon ngunit hindi ka pa rin pala mananatili sa amin. Umalis ka pa rin at pinili ang kalaguyo mo kaysa sa amin! You're so unfair for giving a love that I need when I was a kid.

"My Lady may tawag po kayo." Agad ko ring pinunasan ang luha sa pisngi ko nang makalapit ni Mr. Aren, isa sa mga butler ko na tumayo rin bilang pangalawang magulang ko kapag abala si Papa sa mga appointment niya sa kompanya.

"Thank you Mr. Aren."

"Hello?"

"I need your help." Hindi agad ako nakapagsalita ng marinig ang boses na iyon sa kabilang linya.

"W-Where are you?" Nauutal kong tanong.

"You don't need to know where I am, just help me to get there. I'll send you the aircraft registration number of my plane, and meet me at the back of the port for exact 8'o clock in the evening."

"Sinong kasama mo?"

"Hindi na mahalaga kung sino ang kasama ko, ikaw pa lang ang nakakaalam tungkol dito at may tiwala ako sa'yo Gene, kaya sana pagkatiwalaan mo rin ako. I just need your power right now."

"Alright I get it. Take care and see you." Naputol din ang linya ng sabihin ko iyon.


Before you born I wished to have a little sister when I was young, and then you suddenly showed up in front of me holding by my mother in a time where everyone are arguing about the throne.

Unexpected RoyalWhere stories live. Discover now