Chapter 18

21.8K 2.7K 1.5K
                                    

Dedicated to Angelie Espiros Elle

Chapter 18

Call

Natigilan si Himeno at unti-unting nawala iyong masigla niyang awra. Hindi siya makasagot sa akin pero alam kong naintindihan niya ang sinabi ko.

Akala niya tapos na ako?

Marahan kong hinawakan iyong manggas ng damit ni Seiji. I tugged it a little and made myself looked troubled. 

"Bebe..." I said with my sweetest voice. "Can you translate it for Himeno?"

Akala ko ay susundin agad ako ni Seiji pero nanatiling tahimik ang magaling na hapon. Pilit kong tinanggal ang pagkakakunot ng noo ko nang sandaling lumingon ako sa kanya.

And there, Seiji's blushing again. Nakayuko siya at pilit niyang tinatakpan iyong mukha niya ng isang palad niya. "Ibu, kureiji..." bulong niya.

Just when I realized that it wasn't just Seiji who's flustered as of the moment. Kung si Himeno ay natigilan dahil sa kahihiyan niya at sa katotohanang malapit na kami sa hubaran ni Seiji, habang siya pilit pa rin lumalaban kahit wala nang pag-asa, iyong magpipinsang hapon ay nakitaan ko rin ng nakakatawang reaksyon.

Seriously, right after I saw the other Filipina girls yesterday, the first impression of innocence I had on them started to fade away. I told myself not to judge the book by its cover. At naniniwala ako na si Seiji lang talaga ang inosente sa kanila.

But right now...

I arched my right brow.

Kyohei tried to compose himself, but I saw the sudden blush on his face. Shin's sharp eyes started to falter, Kousuke coughed and patted his chest to make it more realistic, and Tadashi sunk more on the sofa and even hid his blushing face inside the collar of his thick jacket, still with his phone.  

They're still cousins, after all. 

"Gomen. T-That was rude of me." Ani ni Himeno na nakayuko habang maarteng kinakalikot iyong mga daliri niya. Naapi ka na naman, girl?

Silence overwhelmed us. Well, hinayaan ko munang mahiya si Seiji, iyong mga pinsan niya at si Himeno na dapat nag-artista na lang.

Ilakad ko kaya itong si Himeno sa manager ko? Siya iyong gaganap na bida tapos ako iyong kontrabida na pagsasasampalin siya.

Sa huli si Kyohei din ang bumasag ng katahimikan. He cleared his throat. Nang sandaling salubungin niya ang mata ko, pansin ko ang mas lalong pagkunot ng noo niya.

If he's planning to get rid of me, he should start now. Nagsisimula na ba siya? I can't feel it yet. Kahit magtulong pa sila niyang si Shin na iyan! Mga bitter talaga sila.

Inaasahan ko na hahaba pa ang usapan, pero may biglang dumating na lalaki at bumulong kay Kyohei. Pansin ko na lahat ng magpipinsan ay naagaw ang atensyon, kahit si Tadashi ay natigil sa kakapindot niya.

"Hai. Wakatta."

Kyohei just used his eyes to communicate with his cousins. Itinigil na ni Tadashi ang paggamit ng phone niya at nagsimula na siyang mag-inat. Seiji leaned on me, and he whispered.

"Ibu, we'll just talk. Can you stay here--" sumulyap siya kay Himeno bago muling bumulong sa akin. "Do you want to continue watching movie? You can stay inside my room."

Alam niya kasi na posibleng mag-away lang kami ni Himeno kapag iniwanan nila kami.

"Yes. Aakyat na lang ako sa taas."

"It will be quick."

I nodded at him. Tatayo na sana siya nang hilahin ko ang braso niya. Hindi ko na kailangan pang sabihin ang gusto ko, kilala na ako ni Seiji at alam niyang hindi ko bibitawan ang braso niya kung hindi niya ako pagbibigyan.

Trapped Hearts (Book 2 of Trap Trilogy)Where stories live. Discover now