Chapter 37: White Envelope

Start from the beginning
                                    

"So you mean walang break ups na nangyari?"



"Yes po, hindi kami nagbreak ni Dia dahil mahal namin ang isa't-isa."



"Ang kapal ng mukha diba? Naku talaga kung nandito ang lalaking 'yon baka namudmod ko na ang mukha niya sa tae!" Naiinis na sambit ni Mariel.


"Halimaw ang lalaking 'yan. Puro kasinungalingan ang mga pinagsasabi, akala mo naman nakapaperfect boyfriend niya."

"So kilala mo din siya, Shine?"


"Yes. Tama ang sinabi niya na high school pa lang magkasintahan na sila pero after 3 years nagbreak din sila ni Dia dahil nagloko ang lalaking 'yan."

"Yey story time!" Nakangiting sambit ni Mariel habang nakaupo sa tabi ni Shine.

"Okay, 2nd year high school nagsimula ang lahat. Nilagawan niya si Dia, pero ayaw ni Dia noong una dahil mas gusto niyang mag-aral dahil mahina siya sa academics, tsaka walang interest si Dia sa mga relasyon. Pero hindi sumuko si halimaw, araw araw niyanv sinasamahan at tinutulungan si Dia at dahil honor student ang lalaking 'yan nag excel ang grades ni Dia, lagi silang nasa library kaya hindi ko kailangan mag-alala. Lumipas ang isang taon, 3rd year high school na kami that time at sinagot din ni Dia 'yang halimaw na 'yan. Masaya naman si Dia dahil both academics at non academics subjects niya ay nag eexcel, and that time mabait, gentleman, magalang, may respeto ang halimaw. At ang isa sa mga nagustuhan ni Dia sa lalaking 'yon ay ang pagkahilig sa arts at designs. Syempre full support ako bilang best friend kaya hindi ko siya inaabala kapag may date silang dalawa, pero palagi akong to the rescue kapag nag-aaway sila sa maliit na bagay. There was a time na nag open si Dia sa akin tungkol sa halimaw na 'yon. Noong una daw wala siyang nararamdaman sa lalaking 'yon pero sa tuwing pinag-uusapan nila ang tungkol sa arts and designs bumibilis ang tibok ng puso niya at nagiging excited."


"You mean hindi talaga gusto ni Dia si Ryen?"


"Hindi ko din alam kay Dia, pero please huwag mong tatawagin sa pangalang Ryen ang halimaw na 'yon." Napatingin ako sa sinabi ni Shine.



"Bakit naman?" Tanong ni Mariel.



"Si Dia lang ang tumatawag sa halimaw na 'yon ng Ryen, Maxryen ang palayaw niya sa school."



"Oh okay. Then?"




"So naging official sila noong 3rd year high school hanggang sa magcollege kami. 2nd year college nang mapansin ni Dia na hindi na katulad ng dati ang oras ni halimaw para kanilang dalawa. Palaging maagang umaalis ni halimaw after ng klase kaya palaging nagpapasama sa akin umuwi ni Dia. Nahuli niya one time si halimaw na may kalandian sa snapbox, tatlong babae na mahaharot."



"Ang kapal ng mukha!" Pagrereact ni Mariel.




"At dahil marupok ang kaibigan ko pinagsabihan niya lang si lalaki, then binura ni lalaki ang account niya sa snapbox. Gumawa sila ng account na parehon nilang nabubuksan, which means couple account."


"Sana all may kacouple, hahaha."

"Kaya nga e, dyosa kasi ang kaibigan kong marupok. And that year din nagkaroon ng competition between other school, si Dia at ang halimaw na 'yon ang representative ng school namin. Nanalo kami bilang champion that time, but after the event may kahalikan ang puta na halimaw na 'yon at ito pa in public naghahalikan ng mga halimaw!"


Unexpected RoyalWhere stories live. Discover now