Chapter 12. Special POV.

6.6K 122 0
                                    

Believe Me I'm An Angel || CHAPTER 12

~ Special POV: Rachel’s POV ~

“Ang galing mo kanina bestfriend!! Idol na kita!”

“Wag ka ngang mambola, Rachooo. Hahahaha!”

“Oo nga pala, samahan mo ako sa photo shoot ko next week ha?”

“Sure thing”

“Sige, bestfriend. Dito na ako. Blake, thank you sa pagdrop ha! Ingat kayo”

Tapos pumasok na ako ng gate. Ang swerte nila  sa isa’t isa kung nagkataon. Pero pwede kaya yun magkainlove-an sila? Hayy. Sayang naman din kasi.

Nagulat ako at nakita ko si Mama Althea pagbukas ko ng ikaw. Nasa sala siya ngayon. Akala ko mumu. Joke! XD

“Saan ka na naman nanggaling!? Di ba sabi ko sa’yo, wag kang aalis ng bahay?”

Ewan ko ba! Napaka-paranoid ni Mama Althea sa totoo lang. Hindi ko alam pero parang napaka-protective nya. Ay, correction. Over-protective.

“Pumunta lang po ako sa gig ng bestfriend ko”

“Yan! Yang gig na yan! Hindi ka na natuto!” Hindi na natuto?!

“Sumasakit ang ulo ko sa’yo bata ka!!”

Anong meron sa gig? Hindi na ako natuto ng ano? Kumanta? Tumugtog?

******

Literal Flashback

“Ma, don’t worry po. Mabait pong tao si Luis. Kasama ko naman po siya sa gig ng banda nila”

“Sa totoo lang anak. Ayoko sa kanya. Pero ikaw ang bahala basta mag-iingat ka lang ha”

Pumunta na kami ng gig. Luis is my boyfriend. May banda sya. After nila tumugtog, pauwi na din kami. Saka ko lang napansin na parang iba yung way na dinadaanan namin ngayon. Gabi na din kasi.

Believe Me I'm An AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon