Chapter 11. I've Fallen In Love With My Angel

7K 114 0

Believe Me I'm An Angel || CHAPTER 11

~ I've Fallen In Love With My Angel ~

BLAKE’S POV.

“Kat? Okay ka lang ba? Ayaw mo ba talaga kumanta? Okay lang naman sa amin e”

Andito ako sa labas ng kwarto ni Kat ngayon. Bigla na lang kasi siyang tumakbo kanina e.

“Oo nga, Kat. Hindi ka naman namin pinipilit” kasama ko si Chase ngayon.

“Ako na lang, Blake. Wag ka na magsalita”

“Okay pa naman ako. Kaya ko pa”

Sinenyasan ko si Chase na hayaan na lang muna namin siya. At bumalik kami sa may music room na pinagpa-practisan namin.

“Sayang, pare. Ang ganda pa naman ng pagkakakanta nya kanina” sabi ni Enzo.

“Oo nga, ang hirap kaya ng kantang binigay ni Zeke. Pero nakaya nya” sabi ni Gray.

“Alam ko kasing kaya nya” sabi pa ni Zeke.

Naglalaban ng tongits yung 3 nung bumalik kami.

“HOY! Mga gung-gong kayo! Ginawa niyo pang sugalan ang bahay ko!” Syempre, medyo mahina. Hehe. Kainis kasi ‘tong lalamunan kong to!

Hindi na talaga ako magta-try ng screamo next time! Si Chase kasi.

“Pare, ano ba kasi talagang nangyayari sa’yo? Hindi ka na nagmumura, hindi ka na nambababae. Ikaw ba talaga yan Blake?” sabi ni Chase na nasa tabi ko.

“Ganyan talaga, pare pag in love!” sabi ni Zeke. “Tong its!” at tumayo na.

“Sinong in love? Ako? Hindi ah!”

“Sus! Deny ka pa, pare! In love ka kay Kat!”

“Hell no!”

Believe Me I'm An Angel (Complete)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!