Prologue

39 1 0
                                    

Naranasan mo na bang magmahal, pero ang daming tutol sa inyong pagmamahalan?Pero kahit ganun ay ginagawa mo pa rin ang lahat?

Handa akong gawin ang lahat. Ipaglalaban ko siya. Kahit sino pa ang tumutol sa aming pagmamahalan.

Ang babaeng unang nagpatibok ng puso ko. Ang babaeng handa kong ipaglaban hanggang dulo.

"Mahal mo ba ako?" tanong ni Fatima sa akin. Kahit nagulat ako sa tanong niya ay sinagot ko pa rin.

"Oo naman, mahal na mahal." nakangiting sagot ko.

"Kaya mo bang ipaglaban ang pagmamahalan natin kahit ang dami ng tumututol sa atin?"

"Oo, Fatima, pangako, kahit na sino  pa ang tumutol sa atin gagawin ko ang lahat maipaglaban lang ang pagmamahalan natin. Hindi ako susuko dahil ganun kita kamahal." nakangiting sagot ko kay Fatima.

Ipaglalaban kita Fatima kahit na buong mundo pa ang tumutol sa atin.
Kahit na magkaiba ang estado ng ating buhay hindi magiging hadlang yun sa ating pagmamahalan.

"Ako rin, lahat gagawin ko. Ipaglalaban ko ang pagmamahalan natin. Mahal na mahal kita." sinserong sabi niya. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa sinabi ni Fatima. Parang sasabog ang puso ko sa sobrang saya.

Nagkatinginan kami ni Fatima at ngumiti sa isa't isa. Sabay naming tinanaw ang magandang kalangitan at mga magagandang bituin. Nandito kami ngayon sa park habang naka upo sa may bench.

'Sana ganito na lang kami palagi ni Fatima. Masaya lang at walang problema. Pero ganon na naman talaga kapag nagmamahal. Hindi lang puro saya. May sakit din itong kasama.'

"Oh bakit parang natahimik ka?" tanong ni Fatima. Napatingin ako sa kanya at ngumiti.

"Sobrang saya ko lang kasi ako pa yung napili mong mahalin na sa dinami daming lalaki na mayaman at gwapo dyan.. Ako pa yung napili mong mahalin.." sabi ko habang nakatingin kay Fatima. Humarap sa'kin si Fatima at hinawakan ang kamay ko.

"Sa dinami dami ng lalaki dyan.. sayo ko lang naramdaman ang kakaibang saya.. Kaya sana kahit anong mangyari wag kang bibitiw ahh.." ngumiti si Fatima.

"Hindi ako bibitiw pangako.." sabi ko habang nakataas ang kamay, tanda ng pangangako.

"Fatima!" natigilan kami ni Fatima ng marinig namin ang pamilyar na boses na yun. Tumayo kami ni Fatima at dahan dahang napalingon sa pinanggalingan ng boses. Kinabahan ako ng makita ko ang taong tumututol sa pagmamahalan namin ni Fatima. Ang daddy ni Fatima.

Walang ano ano'y lumapit sa'min ang daddy ni Fatima at pinaghiwalay ang kamay naming magkahawak. Inilayo niya sa'kin si Fatima. Itinago niya ito sa may likuran niya. Magkahalong lungkot, takot, at kaba ang nababasa ko sa reaksyon ng mukha ni Fatima. Galit namang tumingin sa'kin ang daddy ni Fatima.

"Tarantado ka! Hindi ka talaga marunong sumunod sa usapan! Ang sabi ko layuan mo na ang anak ko!" galit na sigaw sa'kin ng daddy ni Fatima. Hindi ako sumagot at nanatili lang akong tahimik. Baka kasi kapag sumagot pa ako ay mas lalo lang magalit sa'kin ang daddy ni Fatima sa'kin.

"Ikaw na hampas lupa ka! layuan mo ang anak ko! Hindi nababagay ang isang katulad mo sa anak ko!" kahit sobrang sakit na ng mga sinabi ng daddy niya pinili ko pa ring wag patulan. Mas gusto kong patunayan sa kanya at sa kanilang lahat na ang mahirap na tulad ko ay pwede pa ring magmahal.

'Mapapatunayan ko rin sa kanilang lahat na kahit mahirap ako kaya ko pa rin ipaglaban lahat ng karapatan ko, lalo na ang karapatan kong magmahal. Kahit ano pang sabihin nila na masasakit na salita sa'kin hinding hindi pa rin ako basta basta susuko. Hindi hindi ako susuko lalo na kung ang ipaglalaban ko naman ay ang taong mahal na mahal ko.'

My Dream is to love youWhere stories live. Discover now