Chapter 4 (Meet Him)

49 2 0
                                    

Chapter 4 - Meet Him.

Tom's POV

Hi. Ako nga pala si Tom Doromal. Matalino, mayaman at may itsura. Ngunit wala akong masyadong nagiging kaibigan. Hindi kasi ako masayahin at may pagka snobber. Kaya naman lahat ng babae na naghahabol sa akin ay hindi ko pinapansin. Mataas din ang aking ego or pride. Sabi nga nung isa kong kaklase na si Amy na wala daw akong humility. Okay lang naman sa akin yun. Ang mahalaga eh okay ako at ang aking image. Meron akong bestfriend, ang pangalan niya ay Daniel. Mabait yan at palatawa. Siya lang ang tanging tao na naiintindihan ako. Kaya nga kami nagkakasundo sa mga bagay-bagay eh. Ang pinagkaiba nga lang namin ay masyado siyang active sa iba't-ibang activities. Samantalang ako eh paupo-upo lang.

Ngayon eh third week na namin ng pasukan. At nasa room 104 kami at naglelesson si Ma'am Araneta. Nakinig naman ako ng lesson habang nakataas ang paa. Sanay na sila sa akin kaya hindi na nila ako pinapansin. At sa wakas, nag bell na! At first time lang namin maka-encounter ng mga first year na naghihintay sa labas. Siguro ay dito sila magkklase.

At nagsilabasan na sila, samantalang ako ay hinintay ko pa si Daniel. Tsk, bagal magayos eh. At nang matapos na ay lumabas na kami..

ngunit may nakita akong isang babae...

....na nagustuhan ko kaagad.

--

It's A Secret Love (ToMia Fanfic)Where stories live. Discover now