Captive by an Impetuous River

16 0 0
                                        

Aliyah woke up in the heat of someone's kisses and skin. The pleasure was so tempting she reached glory with a stranger without a trace of resistance.

Kinuha ng lalaki ang ilang hibla ng buhok niya, hinalikan ito at bumulong,"Preciosa." Nakikita niya ang mukha ng ginoo mula sa bukas na lamp shade sa tabi ng kama. Napagod siya ng husto kaya wala na siyang nagawa kundi matulog.

Paggising niya ng umaga, pumasok sa silid ang lalaki mula kagabi na may dalang pagkain. Naglalaro sa isip ni Aliyah kung tatanungin ba niya ang pangalan ng lalaki. Ngunit sa pagkakatanda niya, nagdilim lang ang paligid at paggising niya kayakap na niya ang ginoo. Malabo. Napagpasyahan niyang hindi rin siya sasagutin nito.

Matapos kumain, tinatanong siya ng ginoo kung ano ang gusto niya sa tanghalian at kung may iba ba siyang kailangan.

"Hindi ako makatatagal dito."

"Hindi ka pwedeng lumabas."

"Kailangan ko ang gamot ko."

"Sabihin mo sakin at ikukuha kita."

Matapos silang kumain lumabas ang ginoo dala ang kanilang kinainan at nilock nito sa labas ang pinto. Natuon na lamang sa pag-aayos sa sarili si Aliyah. Kumpleto sa gamit pambabae ang silid.

Dumating ang tanghalian at nagsalo silang muli ng ginoo. Umalis ito at muling kinulong siya. Bumalik ang ginoo kinagabihan, magkasalo sila sa hapunan. Matapos maghapunan, tahimik silang magkayakap hanggang sa makatulog.

Isang buwang ganoon lamang ang routine nila. Madalas may mangyari sa kanila sa loob ng isang buwang iyon. Ngunit kahit kailan hindi naman siya pinilit ng ginoo, bukal sa loob niyang magpaubaya rito.

Isang gabi matapos nilang magniig.

"May asawa ka ba?"

"Wala."

"Ilan kaming bihag mo?"

"Ikaw lang. Marahil gutom ka na. Samahan mo ko sa baba."

Nagtataka si Aliyah noon lamang siya makakalabas sa silid. 

"Bakit?"

"Hindi ka naman mukhang tatakas."

Magmula noon nalilibot niya ang buong kabahayan, ngunit hindi siya maaring lumabas ng mansyon. Sinisiguro ng mga tauhan sa kabahayan na sarado ang bawat pinto. Wala namang intensiyon si Aliyah na lumabas. Hindi man niya alam kung anong kinasasangkutan niya dama niyang panatag siya sa ginoo. Señor ang tawag ng lahat sa ginoo at siya naman ay tinatawag nilang Señora.

Kasalukuyang nasa kuwadra ang ginoo kasama ang isang matanda.

"Hanggang kailan niyo planong ikulong sa iyong poder ang Señora, Señor River?" Hindi umimik ang ginoo. "Alam niyo na ang tama at mali. Naisip mo ba Señor na posibleng wala na siyang pwedeng balikan sa dati niyang buhay dahil sa kagagawan niyo Señor?"

"Sa piling ko na ang buhay niya mula ng gabing iyon, Fredo."

"Señor, yan ay hindi naman niya pinili."

"Maayos naman ang samahan namin."

"Pero takot kang bigyan siya ng kalayaan."

"Fredo, alam mong hindi na ko natahimik magmula ng masilayan ko siya. Hawig man niya si Ysabelle higit ang nadarama kong pagnanasa sa kanya. Sa kabila ng katayuan ko sumugal akong-"

"Gumawa ka ng krimen ginoo, para mapasayo ang Señora. Maling mali Señor River."

"Ayoko nang pagsisihan na wala akong ginawa para manatili siya sa akin."

Captive by the Impetuous RiverStories to obsess over. Discover now