"Hindi totoo yan... Mark, hindi totoo yan. Please, believe me."

Paulit-ulit niyang sinabi ang mga salitang 'yon hanggang sa sumuko na lamang ako sa pagpupumilit na kumalas sa kanya. Napasubsob ako sa kanyang dibdib at doon nilabas ang kirot na nararamdaman ko.

Ramdam ko ang kanyang paghikbi habang nakayakap sa akin. Paulit-ulit niya lang sinasambit ang mga 'yon at pilit na pinaniniwala ako.

"Ayoko na. Masyado na akong nasasaktan, Tale. Itigil na natin 'to." sa wakas ay nagawa kong ikalas ang braso niya at nagawang makalayo sa kanya.

"Ni minsan ay hindi ko ginawang paglaruan ka. Walang pagkakataon na inisip kong paglaruan ka."

"Pero bakit? Bakit ako nasasaktan ngayon ng ganito? Bakit pilit akong nababahala sa mga taong dumaan sa buhay mo?"

Natahimik siya. Tanging mga hikbi lamang namin ang lumilikha ng ingay sa bawat sulok nitong kwarto. Napahawak ako sa pader dahil sa labis na panginginig ng aking tuhod.

"Mahal kita pero ayoko na."

"You can't." biglang dumagundong ng malakas ang aking dibdib dahil sa pag-iba ng emosyon ng kanyang boses. Aksidenteng napatingin ako sa ngayong nag-aalab nang mga mata niya. Napansin ko rin ang pagkuyom ng kanyang kamao marahil dahil sa nasabi ko.

Napaatras ako nang bahagya siyang humakbang palapit pa sa akin. Ngunit dahil sa nanghihina pa rin ang aking tuhod ay mariing napakapit na lang ako sa gilid nitong pinto.

"I already own you, Mark and you can't leave me just because you want to."

Napipilan ako. Nilukob ako ng matinding takot dahil sa galit na boses ni Tale. Hindi ito ang unang beses kong makita siyang magalit ngunit hindi pa rin ako sanay na ganito siya.

Unang beses ko siyang makitang magalit ay noong minsang magkita kami sa bar. Sumunod naman ay noong umalis ako ng hindi nagpapaalam. Ngayon naman ay dahil sa sinabi ko.

"Hindi ako papayag na iwan mo ako tulad ng ginawa niya sa akin."

Niya? Sino ang tinutukoy niyang 'niya'?

Bawat hakbang niya papalapit sa akin ay 'yon din ang paglakas ng kabog ng aking dibdib. Hindi ko magawang magalaw ang aking katawan dahil sa labis na takot. Hindi ko rin magawang makapagsalita.

"Anong ibig mong sabihin?" kung kanina ay siya ang walang ideya kung ano ang sinasabi ko, mukhang bumaligtad naman ang sitwasyon ngayon.

Ako naman ang walang ideya sa nangyayari.

Bakit bigla siyang nagkakaganito?

"Don't let me do this, Mark."

Kapansin-pansin ang mabilis na pagtaas-baba ng kanyang dibdib dahil sa malalim niyang paghinga. Napapansin ko rin ang pagtangis ng kanyang panga habang unti-unti niyang paglapit sa akin.

Malakas akong napadaing nang mahigpit niya akong nahawakan sa aking braso. Tila tinamaan ako ng malakas na kidlat dahil sa gulat sa ginawa niya.

"Tale, nasasaktan ako..." hirap akong kalasin ang paghawak niya sa braso ko. Parang madudurog ang buto ko dahil sa higpit ng kanyang pagkakahawak.

Walang hirap niya akong binalibag sa ibabaw ng kama at pilit na ikinulong sa pagitan ng kanyang mga braso. Nagpumilit akong kumawala sa kanya ngunit balewala lamang ang lakas ko kumpara sa malaki niyang katawan.

Nanlaki ang aking mata nang maramdaman ko ang pagkapunit ng suot kong tee shirt. Kasunod ay ang walang hirap niyang pagpunit rin sa suot niyang polo. Malinaw sa aking paningin ang mga natanggal na butones nito. Saglit lang niya ring naikalas ang kanyang sinturon. Mas lalong binalot ako ng matinding takot. Hindi ko inaasahan na magkakaganito siya.

Halos bumaon na ang kuko ko sa hubad niya nang katawan ngunit tila hindi niya ito inda dahil abala siya sa paggalugad sa leeg ko. Ramdam ko ang kirot sa ginagawa niyang pagsipsip at bahagyang pagkagat sa parte kong yun.

Basang-basa na ang buo kong mukha dahil sa kaiiyak ngunit kahit umiyak na ata ako ng dugo ay wala pa rin itong magagawa sa dinadanas ko ngayon.

Marahas niyang binaling paharap ang ulo ko nang sinubukan ko itong ilayo sa kanya.

"You're only mine, Mark. No one can ever own you but me." halata ang panggigigil sa kanyang boses. Nagmukha siyang isang demonyo na nakaibabaw sa akin at balot na balot ng itim na usok.

Halos kapusin na ako ng hininga nang marahas niyang hinalikan ang aking labi. Pinilit kong itikom ang aking bibig ngunit mas naging marahas pa siya at napagtagumpayang galugarin ng kanyang dila ang aking bibig. Naging abala ang kanyang dila sa paghahanap ng akin samantalang ang isa niyang kamay ay walang hirap na naitaas ang pareho kong kamay.

Gusto kong sumigaw sa takot.

Gusto ko siyang saktan dahil sa pambababoy na ginagawa niya sa akin.

Gusto kong sisihin ang sarili ko.

"Tama na, Tale! Nagmamakaawa ako sayo... Tama na..." hinugot ko ang buong lakas na natitira sa akin sa sigaw na yun nang tigilan niya ang aking labi. Ramdam ko ang panhahapdi nito dahil sa rahas ng kanyang paghalik.

Natigilan siya. Hindi ko makita ng malinaw ang kanyang mukha dahil sa nakayuko siya. Hangos-hangos siyang napabitaw sa pareho kong kamay. Napahilot ako sa mga ito at mabilising tinakpan nito ang katawan ko kahit alam kong walang magagawa ito dahil sa ginawa niya.

Nanatili siyang nakadagan sa akin. Tanging mga hikbi at pag-iyak na lang ang kaya kong gawin dahil sa sobrang pagkagimbal sa nangyari.

"I'm sorry." halos pabulong na sabi niya.

"I'm really sorry... I-I just got carried away."

Sa wakas ay umalis na siya sa pagdagan sa akin at nakatalikod na naupo sa gilid nitong kama. Kahit nanghihina ay nagawa kong ilayo ang sarili sa kanya at pilit na isiniksik ang sarili sa kanto nitong kama. Hinila ko ang comforter nitong kama at itinakip ito sa aking hubad nang katawan.

Bumaling siya sa akin. Nawala na ang kaninang galit sa kanyang mukha pero ang pamumula ng kanyang mata ay nababakas pa rin. Susubukan niya sanang ilahad ang kanyang kamay upang abutin ako nang naging maagap akong pigilan siya.

"H-huwag mo akong hahawakan..." halos pabulong kong pigil sa kanya.

"Mark, hindi ko sinasadya... Please, believe me." pilit siyang lumalapit sa akin. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Pinipigilan ang sariling huwag maiyak muli dahil sa takot.

Bakit ganito? Bakit biglang naging ganito?

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

"Hindi na mauulit. Please, patawarin mo ako, Mark. Hindi ko talaga sinasadya. Nadala lang ako ng emosyon ko." pagpapatuloy niya.

"Huwag... Tama na... Ayoko na... Maawa ka sa'kin." tila isang bangungot ngayon ang mahawakan ang aking katawan. Tumitindig ang aking balahibo dahil sa pangamba. Pangamba na baka ito na ang katapusan ng lahat ng ito.

"Please, huwag mo akong iwan... Huwag mo akong iiwan, Mark. I'm begging you..." pasinghot-singhot siya habang binibigkas niya ang mga katagang yun.

Napailing-iling ako nang maramdaman ko ang pagyakap niya sa akin mula sa labas nitong kumot. Mahina akong napaigik dahil sa pandidiri sa sarili ko. Pakiramdam ko ay ang dumi-dumi ko na.

Bakit Tale? Bakit kailangan mong gawin sa'kin ang lahat ng 'to?

Bakit kailangang ikaw ang maging dahilan ng pagdurusa kong 'to?

ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ

Feel free to comment your thoughts below and don't forget to hit the 'star' button. Thank you!

The Playboy's Toy (Dangerous Man Series)Where stories live. Discover now