"Mabuti naman kung ganun." kahit labag sa aking kalooban ay 'yon na lamang ang kusang lumabas sa bibig ko.

Hinayaan kong bukas ang pinto nitong kwarto at bumalik ako sa pagkakaupo sa aking kama. Natatakot akong tingnan siya ngayon ng diretso dahil baka makita ko lang ang emosyong nakita ko sa kanya kanina. Ang hirap tanggapin para sa akin na matingnan niya ng ganun, parang ang sama-sama kong tao.

"She said you smarted her out. Bakit mo naman kailangang gawin 'yon sa tao, Mark? She just wanted to help you carry those glasses." tila kada salita niya ay isang punyal na tumatarak sa aking dibdib. Ang hirap tanggapin na paratangan niya ako ng isang kasalanan na hindi ko naman ginawa. Hindi niya man lang nagawang tanungin muna ako kung ano ba talaga ang nangyari.

Kusang nang-init ang gilid ng aking mga mata at kusang dumaloy muli ang sariwang luha mula dito.

"Look at me, Mark. I am talking to you."

Sadyang nakakabingi ang mga sinabi niya. Hindi ko na alam kung ano nga ba ang dapat kung sabihin para ipagtanggol ang sarili ko.

"Sinabi niya sa akin na kaibigan mo na siya noon pa man." pinaglalaruan ko lamang ang aking mga daliri at doon lang nakatuon ang buo kong atensyon.

"What do you mean?" bakas sa kanyang boses ang pagtataka.

"Sinabi niya rin sa akin na siya ang unang taong minahal mo, Tale."

"What are you talking about, Mark?" narinig ko ang paghakbang niya papalapit sa akin. Naramdaman ko ang kanyang bulto sa harapan ko. Hindi ko na sana 'yon papansinin nang kasunod ay lumuhod siya sa harap ko.

"Look at me." kusang umangat ang aking mukha nang maingat niyang alalayan ito. Kahit ayaw ko man, ay muling nagtagpo ang mata naming dalawa.

"You know that she's not my first love. You know that." amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga dahil sa sobrang lapit ng kanyang mukha sa akin. Kitang-kita ko ng malinaw ang bawat parte nito, maging ang nagsisimulang tumubong balbas niya ay napansin ko.

Isang pangalan ang pumasok sa isip ko.

"Si Veronica."

"But I don't love her anymore."

Nabalik ang tingin ko sa mga mata niya sa naging sagot niya.

Nakita ko ang paggalaw ng kanyang adams apple nang lumunok siya. Naramdaman ko rin ang pagpunas niya sa panibagong luha na dumaloy pababa sa aking pisngi.

Ayoko nang umasa.

Ayoko nang masaktan pa ng dahil sa kanya.

Marahan kong tinabig ang kanyang kamay at pilit na inalayo ang aking sarili palayo sa kanya.

Alam ko na kung saan 'to papunta.

"Sinabi sa akin ni Natalie na naging laruan mo siya noon." pakiramdam ko ay may bumarang kung ano sa lalamunan ko. Mahirap aminin ito sa kanya ngunit kailangan kong gawin.

"What? Is she out of her mind?"

"Hindi Tale. Simula nang may namagitan sa atin hanggang ngayon ay hindi ko alam kung ano bang merong relasyon tayong dalawa. Pero dahil sa mga sinabi ni Natalie, sa tingin ko kung ano nga lang ba ako sa'yo..." tumigil ako saglit sa pagsasalita at pilit na kinalma ang sarili.

"...na isa lang rin ako sa mga naging laruan mo."

Paulit-ulit siyang umiling sa harap ko. Sinubukan niyang lumapit sa akin ngunit naging maagap ako at mabilis na nakalayo mula sa kanya.

"Don't say that." halata sa kanyang boses ang pamamalat nito tulad ko.

"Tama na, Tale. Tama naman ako diba? 'Yon naman talaga ang tingin mo sa akin, diba?" humakbang siya muli papalapit sa akin at muling sinubukang yakapin ako. Napagtagumpayan niya akong ikulong sa kanyang bisig ngunit nagpumilit akong kumalas sa yakap niya.

The Playboy's Toy (Dangerous Man Series)Where stories live. Discover now