--1-- It Started with a Can

Start from the beginning
                                        

“Hahahahahaha!” nagtatawanan sila. Nagkakatuwaan lang siguro kasi wala si sir.

Biglang lumakad yung babae  kanina na tumayo papunta ditto sa harap at tumungtong. Naka parang stage kasi yung sa table ng teacher.

Aalis na sana ako kasi baka may iaanounce siya kaso..

“Wait! Come back here in front” na sinunod ko naman.

“I am Kathlea Mercado but please call me Kylie. Ang layo nu?” tumango lang ako. “President ako ng klase and as the one in charge sa pagwelcome sa mga bagong students may hinanda kami para sa inyo. Kaso wala pa ata yung isa kaya para sayo na muna”

Wow! Ang bait nila. Hindi ko ineexpect na magkaron ng ganitong treatment. Sana magtuloy tuloy

“Guys?” –Kylie

Or not! Ano to?!  TT_TT

“Sa tingin mo iwewelcome ka talaga namin?”

“Asa ka nerd!”

Pinagbabato nila ako ng kung ano ano. Ito na ba yung kanina ko pa ineexpect?

“Nagustuhan mo ba yung surprise? Happy staying!” nagiba yung tono ng pananalita nya. Yung kaninang sweet na boses naging mataray na ngayon at ang sarcastic.

Ngayon hiyang hiya na ako. Ang tanga ko kasi. Bakit ko pa kasi aasahang iwewelcome ako dito? Mali yung akala kong mababait na sila. Sa totoo nyan mas lumala yung ugali nila. Ano ba masama sa pagiging nerd. Masyado ba akong naiiba sa kanila? Pare-pareho lang naman kami ng karapatan. Lamang lang sila sakin sa itsura. Matalino naman ako hindi pa ba pwede yun? Sabagay may mga magagandang matalino din naman.

Ano na ba gagawin ko? Lalabas o hayaan na lang kasi matatapos din naman to kasi mapapagod din sila. Hindi naman ako naiiyak eh. Crying is for those who are weak. Malakas ako kaso mas malakas nga lanng sila sa akin. Hindi ako pumapatol sa mga ganyang ugali pero nasasaktan ako. Sanay na naman na ako kaya I’ll just give them the pleasure they’re longing for. Wala lang mapagtripan kasi puro magaganda mga tao dito.

*BLAG*

“Sino yung nagbagsak ng pinto?”

“Ako may angal?” sabi nung sigang lalaki. Teka. Ito yung si Sprite ah. Classmate ko din sya?

“W-wala” sagot nung isa.

O_O

Oops. Nakatingin sya sa akin. Naalala kaya niya ako? Siguro naman kasi kanina lang yun di ba. Wala pang isang oras yun.

“Ah—ano”

“What?!” yan na naman siya sa ‘what’ na yan.

“Ikaw yung kanina di ba?”

“The heck! Sino ka ba?! Anong kanina? Bwisit. Kung kukuha kayo ng trashcan pwedeng yung hindi nagsasalita!” tapos naupo na sya.

Joke! Bago sya umupo binato na naman nya ako ng lata ng Sprite. Favorite?

 

*SLAP*

Ouch! Nananampal tong Kylie na to?!

 

“Hoy sobrang nalalabag na karapatang pantao ko dito ha! Wala kang karapatang manampal”

“You creature dared to talk to Archanciel like that! Kanina you’re expecting for a warm welcome now you’re expecting Xiel to know you? My gosh! You’re irritating”

Irritating mo mukha mo! Saka problema nung taong yun? Ang hina ata ng memorya. Wala pa atang 1GB. As in wala talaga syang naaalala na nakita nya ako?!

 

*BLAG*

“Oh-lala“

At sino naman tong nakikibagsak din ng pinto? Isa to. Mala-anghel din ang face. Sino kaya sya? Mukhang di kilala ng mga tao kasi ganito din sila eh  O___O

“Is this Mr. Bernardo’s room?” nagtanong yung lalaki pero walang sumagot puro tango lang ng ulo.

“Okay” tapos naglakad sa at tumigil sa tapat ko.

Para magtapon ng lata ng coke.

AARRRRRGGGHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!

Ano ba problema nilang lahat:? Mukha ba talaga akong basurahan?

Pagkaupo nung lalaki sa isangn vacant seats, as in with letter s. Kasi by 2s ang upuan so sinakop sya yung dalawa. Ano to tatayo lang ako sa klaseng to? Discrimination much?

 

“ZZZZZzzzzz”

Hala! Natutulog?

Sa sobrang dami ata ng pumasok ditong gwapo nalimutan na nila ako at tuluyang naging basurahan sa tabi

Hello hellish 4th year high school!

[Author's POV]

Hayyy! Namiss ko pagsusulat! Nga pala bye MagicGoddess... Hehe. Mas trip ko mga ganting story. May pagbully kasi ako. Joke. Feel ko lang yun.

Sana may mga magsupport nito, Salamat po! Merry Christmas!

At isang munting regalo po ito kay MissCuriousCat, Ang favorite kong tao dito sa wattpad. Napakamatulungin nya sa nangangailangan kaya ibig sabihin nyan nangangailangan ako. Nangangailangan ng pagmamahal from da peoplets!

-OnlineChoco

Return of a NerdWhere stories live. Discover now