Dito nga pala sa teacher's quarter 1. Taray no! Daming lugar mga teacher. Hindi din sila magkakasama by department kaya halo halo. Merong math, english, filipino, etc. teacher sa isang quarter. Parang section lang ng mga teacher.
Bakit nga ba ako nagdidiscuss ng tungkol sa mga teacher? Wala gusto ko lang malinaw ang lahat.
*knock knock*
"Come in"
"Good morning po!"
"Uh... Ms. Marasigan?"
"Yes sir"
"*This is not going to be easy*"
"Huh sir?"
"Nothing, just follow me"
Parang may kakaiba dito sa teacher na to. Naging mas abnormal pa ata yung school na to.
Naglakad na kami papunta dun sa klase ko at habang naglalakad nageexplain to si sir tungkol sa mga bagay bagay dito sa school.
Unang pumasok si sir sa room ako naman naiwan sa labas. Ano to pasuspense effect pa?
"So class, please welcome your new classmate"
Yun na yung cue ko para pumasok. Dahan dahan pa paglakad ko. Feeling vip ako dito. Nagfefeeling lang naman.
"Woooh!! *CLAPS*"
Pagkapasok ko nagpapalakpakan ang lahat. Nabigla ako kasi hindi to ang ineexpect ko pangaasar matatanggap ko. Pati mukha ni sir nagulat eh. Magrereact pa lang sana siya kaso biglang may tumawag sa kanya.
“Sige magpakilala ka na. Medyo matatagalan ako kasi tinawag ako ng head” sabi ni sir at umalis na.
Ngayon naman ako nandito sa harap at nakatingin sa mga kaklase ko na parang ang babait. Kasi nakangiiti sila sa akin. As in ngiti hindi yung natatawa. Iba na ba ngayon? Hindi na siguro ako mabubully tulad nung 1st year. Mature na ang 4th year students?
“Please introduce yourself” tumayo yung isang magandang babae. Ang cute nya. Straight at makintab ang buhok. Ang gaganda ng mga mata. Matangos ang ilong. Basta mukha syang doll. Ang sweet pa ng boses nya kaya naglakas loob na akong magsalita.
“Uhm, my name is Alzea Gizelle Marasigan. I studied here when I was in first year but I transferred in America. Now, we came back here nd decided to study here again. I hope we can be friends. Please take care of me”
Wew. -_-
Natapos na din. Buti hindi ako nautal at hindi ko nakagat ang dila ko. Nakakakaba kayanng magsalita sa harap ng mga taong di mo kilala.
--1-- It Started with a Can
Start from the beginning
