Finally, Damien sighed, having enough of this...

"We can't wait for next month. Habang pinapatagal natin ang paghuli sa kataw, siguradong mas marami pang matutulad kay Julian," he said. "The less casualties, the better."

Nemesis knew he had a point, but wouldn't it beat the propose if they just go out there without any defense?

"And what do you suggest, Alcott?"

"We catch that creature, with or without a medallion to protect us."

Sa gilid ng kanyang mga mata, napansin niyang hindi rin kumportable sina Rio at Caelum sa ideya. At kung hindi sila sang-ayon dito, this could only mean this case is more dangerous than it seems.

"Damien, I know I'm suppose to be the reckless one here... but don't you think it's stupid to just attack a powerful water creature? Hangga't nasa teritoryo tayo ng kataw na 'yon, wala tayong magagawa..."

"I agree with Nemesis," Caelum announced. "Walang naitalang tiyak na kahinaan ang mga nilalang na ito. Our best shot is to acquire a protective charm or medallion."

Pero kalmado namang ngumisi si Damien. "We'll just take that monster out of its territory. Kapag nailayo na natin siya sa tubig, madali na nating mahuhuli ang kataw."

Nemesis crossed her arms over her chest. "At paano naman natin gagawin 'yon?"

"We'll lure it out." Damien shrugged, as if it was a basic question.

Doon na napanganga si Nemesis. 'Lure it out? Nababaliw na ba talaga ang rich kid na 'to?!' She thought in disbelief. Matagal na niyang alam na may masamang epekto ang pera sa tao, pero  ngayon lang niya napatunayan parang sinisinghot na rin 'to ni Alcott.

"Okay, now I'm convinced you're insane. Tsk! Baka imbes na mahuli natin ang kataw, tayo pa huliin nito!"

"Damn, Silverio. If it makes you feel better, then I'll even hire the entire military to back us up! Ano bang kinakatakot mo?"

"Hindi ako natatakot, nag-iisip ako! Magkaiba 'yon, Alcott. Naiintindihan ko naman na gusto mo nang huliin agad ang kataw, pero base sa kapangyarihan nito, wala tayong kalaban-laban. This isn't like that amalanhig we fought last week!" She snapped.

Sandaling nagtagisan ng tingin ang dalawa. Bakas sa mukha nila na pareho nilang ayaw magpatalo. Akmang magsasalita na sana si Damien nang bigla na lang pumagitna si Naythan at pumito na parang referee.

'Where did he even get that whistle?'

"O, awat na! Awat na! End of round one... Grabe. Sabihin ko sanang sa ganyan nagkatuluyan ang lolo't lola ko, pero naaalala kong ganyan din pala mag-away ang nanay at tatay ko. Hahaha! You two should really cool off, you know! Tara, swimming tayo sa lawa---"

"NAYTHAN!" Damien and Nemesis yelled at the same time.

Naythan laughed nervously and raised his hands up in defense.

Maya-maya pa, kumalma na rin ang lahat. Napahimas pa ang kanilang "referee" sa kanyang baba habang nag-iisip. Rionach and Caelum waited as Naythan finally spoke, "Hey, what if we do get back up? Mas okay nga naman kung may tutulong sa'tin."

Nemesis huffed. "What, the military? This is a paranormal case. Hindi nila tayo matutulungan kahit bigyan pa sila ng tig-iisang house and lot ng isa diyan."

Damien frowned at her.

"Nah. Let's get back up from someone else! 'Yong hindi nila tayo iisiping grupo ng mga baliw na teenagers na walang magawa sa buhay." Naythan replied.

Suddenly, Rionach's eyes brightened up.

"Oh! Alam ko na! Alam ko naaa!"

Napalingon tuloy sa kanya ang apat nitong clubmates.

Napangiti na lang si Rio. "Hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang sila naalala... Sila ang experts sa field na 'to! If there are people who'll be willing to help us, it's definitely them!"

"Sino?"

Nakita ni Nemesis ang paglawak ng ngiti ni Rionach sabay sabing, "Ang Eastwood Paranormal Experts Society! Have you heard of them? Tinatawag rin sila minsang 'The Society', but I always like to call them EPES. Mas catchy kasi pakinggan!"

Dahil dito, napangiti na lang si Nemesis. Damn. Oo nga pala! Sa Eastwood, ang EPES ang kaisa-isang organisasyong namamahala at nagbabantay sa anumang paranormal activities sa bayan. Marami na siyang nababalitaan tungkol sa kanila. They're the specialists in the field of anything-out-of-the-norm! Siguradong tutulungan sila ng mga ito.

Pero nang lingunin nila si Damien, napansin nilang para bang lalong dumilim ang mood nito.

"No, we're NOT asking any help from them."

Huh?

'May issue ba 'to sa EPES o talagang ma-pride lang siya?' Nemesis wondered. Maging si Naythan ay naguluhan sa inaasal ng kanilang lider. Nemesis couldn't believe this.

"Alcott, 'di ba ikaw na mismo ang nagsabing hindi dapat natin pinapatagal ang kasong 'to? It'll be easier if EPES backs us up during the---"

"We'll wait for the medallions next month. For now, we'll just use the Paranometer's long range feature to monitor any paranormal activities in that area," he finished before avoiding their eyes and walking out of the shop.

Kumalansig pa ang maliit na bell sa itaas ng pinto, hudyat ng kanyang pag-alis.

"Damn.. What's gotten into him?"

Nagkibit naman ng balikat si Naythan. "Baka allergic siya sa baduy ng pangalan?"

Napataas na lang ng kilay si Nemesis.

"Aw, come on! You gotta admit Nem, the name 'EPES' stinks worse than my own socks!"

Hindi na alam ni Nemesis. Sa kabila nito, ramdam niyang may mas malalim pang dahilan ang reaksyon ni Damien. He might be an asshole, but she knows that he isn't that shallow to delay the plan. Lalo pa't mga buhay ang nakasalalay rito.

Napasulyap na lang siya sa isa pa nilang kasamang kanina pa nananahimik.

"Ano sa tingin mo, Caelum?"

He was pulled out of his thoughts upon hearing her question. Ngumiti ito sa kanila, pero hindi nakaligtas sa obserbasyon ni Nemesis ang pag-aalinlangan sa likod nito.

"I think it's best if we just wait 'til next month."

That made her pause.

Ano bang problema ng mga lalaking 'to?

---

EPICWhere stories live. Discover now