💠Prologue💠
Jieven's POV
Mag-isa akong namamasyal at napadpad ako sa Saint-Georges footbridge. This is my dream place with her, grabe I can't believe I'm already here. Pagnahanap ko si Zoe, I'm going to kneel infront of her. Napapangiti ako sa mga naiisip ko. People might think I'm crazy smiling by my own.
Napatigil ako sa kakaimagine nang napansin ko ang isang babaeng na natutumba habang ito'y naglalakad.
Pakiramdam ko ay lasing ito at wala na sa wisyo. Sa kaniya lang ang aking atensyon at nagulat ako nang tumigil ito at tumingin sa ilog. Napatigil din ako sa paglalakad at pinanood siyang nakatingin sa tubig.
Nanlaki ang aking mga mata nang aakma itong tatalon. Napatakbo ako nang wala sa oras at hinawakan ang kamay niya upang di siya mahulog ngunit kabaliktaran ang nangyari dahil namalayan ko nalang na magkasabay kaming nahuhulog sa ilog napakalakas ng pagkahulog namin.
Nasa ilalim na kami ng tubig at tinignan ko ang babae at mukhang wala na siyang malay. Hindi ako marunong lumangoy kaya niyakap ko nalang ang dalaga, huling sulyap ko pa bago dumilim ang paligid.
YOU ARE READING
We Switched As We Fell
General FictionAurelia goes to Paris because she wants to die. She found a place where she can do her plan which is The Saint-Georges footbridge. As she start to jump, there is someone who's watching her. Jieven tried to stopped her. He thought he could stop her b...