The Heart of Lost Angel

2 0 0
                                    

"Pa, bakit ba hindi mo na lang tanggapin na 'yon ang gusto?!"

Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng aking luha matapos kong ibato ang salitang iyon kay Papa. Gulong gulo ang puso at isipan ko kung bakit sarili kong magulang ayaw tanggapin ang totoo ako.

Napaka daya ng mundo.

"Ginagamit mo pa ba ang isip mo, Aurora? Kinabukasan mo lang ang iniisip ko para gumanda, hindi mo ba yun naiintindihan?!"

"Mas gaganda ang kinabukasan ko kung gusto ko at masaya ako sa ginagawa ko! Intindihin mo naman ako kahit minsan, Pa."

"Okay go! Do whatever you want basta tandaan mo hindi kita susuportahan sa kagustuhan mo."

Imbis na hintayin ang sasabihin ko ay tinalikuran lamang ako ni Papa at nagtungo sa kusina na parang wala lang sa kaniya ang nararamdaman ko ngayon.

Napaluhod na lamang ako at napahawak sa aking dibdib habang umiiyak dahil sa sakit na aking nararamdaman.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko kaya tumakbo ako papalabas ng bahay. Hinarang pa ako ng iba naming kasambahay pero hindi ako nagpaawat.

"Pabayaan niyo muna ako, pakiusap."

Takbo lang ako nang takbo kahit hindi ko alam kung saan ako papunta. Hindi ko namalayan na napunta ako sa isang parke. Maliwanag ang paligid ngunit kaonti lamang ang tao.

Naupo ako sa isang upuan kung saan madilim ang kinatatayuan dahil pundido ang ilaw. Doon ko binuhos ang lahat ng luha ko para mawala ang sakit na nararamdaman ko.

Tinuyo ko ang aking pisngi ng may lumapit sa akin. Nang tingalain ko kung sino 'yon ay parang gusto ko na lang ulit tumakbo papalayo.

"Aurora? Anong nangyari sa'yo? Bakit ka andito?"

"Wala ito."

Paalis na sana ako nang hawakan niya ang braso ko. Awtomatiko akong napatingin sa kamay niya na nasa balat ko kaya binitawan niya ako.

"Kahit ngayon lang pagkatiwalaan mo ako sa nararamdaman mo, Aurora."

Hindi ko alam pero mas lalo akong naiyak nang bitawan niya ang salitang 'yon.

"Huwag ngayon, Travis, pakiusap."

Mabuti pang umuwi na lang ako.

Dali-dali akong lumakad papalayo sa kaniya na nagdulot sa akin ng matinding sakit dahil sa pagbalik ng nakaraan sa aking isipan.

Pagkapasok ko pa lang sa pintuan ng aming bahay ay binalot na agad ako ng kadiliman. Walang tao, patay ang ilaw, at sobrang tahimik ng paligid.

Dumiretso agad ako sa aking silid at doon nagkulong. Patay ang ilaw at nakabalot ako sa aking puting kumot na parang nilalamig na sisiw.

Alam kong makakaya ko ito dahil may isang lalaking nagtitiwala sa akin.

Hindi ko namalayan na nakatulog na ako habang dala-dala pa rin ang bigat na aking nararamdaman. Pagkamulat ko pa lang ng aking mata ay boses ni Papa agad ang aking narinig.

"Aurora, buksan mo ang pinto."

Papikit pikit akong naglakad papunta sa pintuan at binuksan ang pinto. Nakakunot noo akong napatingin sa dala-dala ni Papa na paper bag at box.

"Magbihis ka na, aalis tayo," saad ni Papa nang maiabot sa akin ang dala niya bago ako talikuran.

Yellow dress na above the knee at stilettos ang laman ng mga inabot sa akin. Naguguluhan man ay nagtungo ako sa banyo para maglinis ng katawan.

The Heart of the Lost AngelWhere stories live. Discover now